Chapter Thirty One

5.3K 203 9
                                    

Tiarra's pov




"Oh, God! I'm exhausted." I heard Tiffany groan when she sat beside me.

"Oa mo, natulog ka lang naman buong klase." Puna ni Sheen at umupo na sa may upuan na katapat ko.

Inirapan lang naman siya ni Tiffany at binaling ang tingin sa'kin.

"What's with the face?" Tanong nito sakin ng mapansin niyang naka halumbaba lang ako sa lamesa.

"Nothing..I'm just tired, I guess." Sagot ko at nag kibit balikat.

"Are you sure? Kanina ka pang matamlay simula nung umalis kami sa apartment nila Cyrille." Paninigurado ni ShiShi na seryosong naka tingin sa'kin.

"Yeah I'm sure. Inaantok lang siguro ako, kulang ako sa tulog kasi may tinapos akong activity kagabi." I respond and forced a smile at her.

"Sana hindi kana lang din pumasok ng hapon, kami nalang ulit bahalang mag sabi sa mga subject teachers natin na masama pakiramdam mo kaya absent ka." Nag aalalang saad ni Cyrille at binaba ang binabasa niyang libro.

"Okay lang ako. Don't worry, babawi nalang ako ng tulog mamaya pag dating sa bahay." Sagot ko nalang at ibinaling ang tingin ko kay Sheen.

"Napasa mo ba yung essay ko na pinapagawa ni Miss Agenta? Ngayon deadline nun eh." Tanong ko kay Sheen para maiba ang topic namin at mawala sa'kin ang usapan.

"Nope. Wala si Miss Agenta eh, absent daw." Kibit balikat nitong turan.

"Absent? Si Miss Agenta? Absent?" Tanong ni Shishi kay Sheen.

"Gulat ka noh? Mag Tide." Pang babara ni Sheen kay Shishi kaya naka tikim si Sheen ng batok mula dito.

"Nag tatanong ako ng ayos. Kupal ka." Pikon nitong turan. Nakasimangot namang hinimas himas ni Sheen ang parte kung saan siya binatukan ni Shishi.

"Paulit ulit ka kasi, para kang sirang plaka nakakayamot." Naka ngusong sagot ni Sheen kay Shishi.

"Syempre, nakakagulat lang na absent si Miss Agenta eh never naman nag absent yun kahit nga inaapoy ng lagnat pumapasok padin yun." Singit ni Cyrille sa usapan pero nakatuon parin ang paningin sa libro.

May naiintindihan kaya 'to sa binabasa niya?

"Exagerated naman siguro masyado yung inaapoy ng lagnat, edi baka hinimatay yun habang nag tuturo." Naiiling iling ko nalang na sagot.

"Nag aapoy din yung ulo nun grabeh, kahit may sakit ang taray parin shuta." Napatawa naman ako kay Shishi.

"Yan, diyan ako maniniwala." Napatawa nalang din sila.

"Kumain na ba kayo ng lunch?" Tanong ko at iniligpit ang mga nag kalat kong papel sa lamesa dahil nag sasagot ako ng activity ko kanina.

"Hmm..Not yet, gutom na nga ako eh. Kayo ba?" Tiffany ask. They shook their heads at kaniya kaniya ng reklamo na matagal daw silang dinissmiss ng teacher nila.

I just sat there and stare at my phone. Nasaulo ko na siguro ang number na 'to kasi kanina ko pa siyang tinititigan, nag dadalawang isip kung tatawagan ko ba or hindi.

Hindi naman siguro dahil sa nangyari kagabi kaya siya absent ngayon noh? Siguro may emergency lang talaga sa kanila. Or baka Zoe really needs her help with something kaya siya absent..right?

May kirot nanaman akong naramdaman sa dibdib ko kaya naikuyom ko ang palad ko.

'Sige lang Tiarra, saktan mo pa ang sarili mo.'

A Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon