Chapter Fifty Two

4.6K 195 18
                                    

Tiarra's pov




Blanko ang ekspresyon kong pinag mamasdan ang bawat kilos ni Miss Stones habang nag tuturo siya sa amin ngayon. Kanina pa siyang nag papaliwanag ng lesson namin pero kahit isa ay walang napasok sa utak ko at tanging ang pag uusap lang namin nung nakaraang araw ang natakbo sa isip ko ngayon.

Hanggang ngayon ay tinatanong ko parin ang sarili ko kung nakita ko na ba siya noon? Kung paano niya nalaman ang tungkol doon at kung kanino niya nalaman. Nang tawagin niya kasi ako sa aking totoong pangalan ay bigla itong nag paalam dahil may kailangan pa daw siyang asikasuhin kaya't hindi ko na siya natanong ng mga tanong na hanggang ngayon ay bumabagabag padin sa isip ko lalo na ang huli niyang sinabi bago niya ako tuluyan iwan ng gabing yun.

'Malalaman at malalaman ko din lahat ng tinatago mo Tiarra.'

"Hoy!" Pang gugulat ni Tiffany sa akin pero imbes na magulat ako ay walang emosyon ko lang siyang binalingan ng tingin.

"Kanina ka pa tulala ah, tapos na po klase natin baka gusto mo ng kumain ng tanghalian." Saad nito at inayos ang gamit niya. Hindi ko siya sinagot at nag ayos nalang din ng gamit ko.

"Ayos ka lang ba? Pansin ko nung isang araw ka pa ganyan." She asked.

"How long did you know Miss Stones?" Tanong ko sa kaniya imbes na sagutin ang tanong niya. Napakunot naman ang noo niya.

"Ahm..a few months. Since lumipat ako dito, why?"

"Just asking." Tipid kong tugon at naunang lumabas ng room.

"You're acting weird, ayos ka lang ba?" Nag aalala nitong tanong ng maabutan niya ako.

I just nod at her bilang sagot.

Sa totoo lang wala talaga ako sa mood na pumasok ngayon kung hindi lang kailangan dahil may importante kaming exam sa major subject namin.

"Paulit ulit yung paninda sa canteen. Sa labas nalang tayo kumain." Rinig kong saad ni Shishi ng makita niya kaming papalapit sa pwesto nila.

"Sige tara. Gusto ko din mag milktea eh." Pag sang ayon ni Sheen. Tinanguan ko lang sila at sumunod nalang sa gusto nila, after all wala talaga ako sa mood na makipag usap.

Malapit lang naman sa school namin yung mga kainan sa labas kaya't madali lang kaming nakarating doon.

"Kami nalang oorder, anong sa inyo?" Tanong ni Cyrille sa amin ng makahanap kami ng vacant table.

"Anything will do." Tanging sagot ko. They look at me weirdly. Tinaasan ko naman sila ng kilay kaya't napailing nalang sila at nag patuloy sa pinag uusapan nilang order.

"What's wrong? Spill the tea!" Bulong sa akin ni Shishi. Bago ko lang siyang tiningnan at nag kibit balikat.

"Nothing is wrong."

"Nothing is wrong mo muka mo, kilalang kilala kita Tiarra kaya wag mo akong manothing nothing diyan." Napairap naman ako sa sinabi niya. She really do know me kaya kahit anong gawin kong lihim sa kaniya ay malalaman at malalaman niya padin.

"She knows." Tanging sagot ko nalang at luminga linga sa paligid, baka mamaya ay may nakikinig sa amin. This past few days ay parang na paparanoid na ako at laging naka bantay sa paligid ko.

"Huh? Anong she knows?'' Naka kunot na tanong nito. Pinanlakihan ko naman siya ng mata.

"She knows about me! The real me!" Nanlaki din naman ang mata niya ng mag sink in sa kaniya ang sinasabi ko.

A Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon