PROLOGUE

272 58 22
                                    



"ANONG sabi nya tanga ako?And, and, pu-Put..ARGH!" Di ko na napigilang inis ko kaya bahagya kong nasabunutan yung sarili ko habang nag sashampoo.

"Ouch!" Daing ko nang maramdaman yung sakit,kasalukuyang nandito ako sa Cr para maligo.

"Nakakainis yung lalaking yun napaka walang modo! Hindi nya ba nakita na babae ako? Bakit kung murahin nya ako para akong isang lalakeng hinahamon nya ng gulo?!" Napapahinto pa ako sa pagkuskos sa katawan ko.

"God! Kalalakeng tao, turn off!" Hindi talaga ako maka get over sa pang mumura nya sakin,naiinis talaga ako kasi napakabastos nya.

Ganito ba talaga sa Manila?  Walang respeto yung mga lalake sa babae?


Natapos akong maligo na naghihimutok parin ang kalooban ko, tapos maya maya nararamdaman ko nang nangingilid yung luha ko.


Iniwanan na nga ako nila nanay dito mag isa may na encounter pa akong ganun. I wipe my tears running on my face tapos pilit kinakalma ang sarili.


Kailangan ko magpakatatag,kapag nalaman ko na kung anong dapat kong matutunan gaya ng sabi ni nanay.


"Makakauwi kadin Hanna Socrates, c'mon kaya mo yan." Kausap ko sa sarili. Minadali ko ang pagligo dahil ngayon na ang pagpunta ko sa school na papasukan, wala akong planong malate,gusto kong first day palang goodshot na ako.


Ipinulupot ko ang towell na inihanda ko na kanina at itinakip iyon sa hubad kong katawan bago ko inabot yung isa pa at ipinulupot iyon sa basa kong buhok.


Dahil mag isa lang naman dito sa apartment hindi muna ako nag abalang magbihis. Pagkalabas sa cr dumiretso ako palabas ng pinto at bumaba ng hagdan papunta sa kusina.


Ang hindi ko alam ng mga panahong to hindi kagaya ng inaasahan ko hindi pala ako nag iisa.


Pagpasok ko sa kusina, tsaka naman lumabas sa cr dito sa baba ang lulungo lungong lalake na base sa pasuray suray na paglalakad ay lasing ito.


Napahinto ako sa paghahalo ng itlog sa bowl ng may marinig akong kalabog. Kumunot ang noo ko pero agad ko ding ipinagwalang bahala.


Kinuha ko ang kawali tsaka ipinatong sa kalan at nagsimulang magluto. Nang matapos, inihanda ko na iyon sa lamesa tsaka lumabas ng kusina. Nag huhumming pa ako ng song. Kung alam ko lang kung anong kahihiyan ang mararanasan ko pagkatapos nito hindi sana ako nagpakakampante.


Agad akong umakyat sa hagdanan pabalik ulit sa kwarto dahil napagpasyahan kong magbihis muna.


Pagkalapat ko ng pinto ng kwarto, walang pakundangan kong inalis ang pagkakabuhol ng tuwalya sa katawan ko isinabay ko narin ang tuwalyang nasa ulo. Palapit na sana ako sa cabinet na pinaglalagyan ko ng mga damit ng mahinto ako sa paglalakad.


Kulang ang salitang napako ako sa kinatatayuan,nanginig ang buo kong katawan at nakaramdam ng walang kapantay na takot at hiya.


Nakita ko sya.


Kitang kita ko ang mukha ng lalakeng nakatayo sa may pintuan ng cr, nakatingin sa akin. Nanlalaki ang mata at bahagyang nakabukas ang bibig na parang hindi makapaniwala.



I saw him..



And he saw me ... NAKED.





----



SORRY na agad sa prologue, siningit ko lang kasi yan . 😅
Vote and comment?
Godbless us 💕

AnneAngeles6

HE SAW ME NAKED (HSMN on going) Where stories live. Discover now