CHAPTER FIFTEEN

69 17 4
                                    

He saw me naked
CHAPTER FIFTEEN

KINT NATHANIEL VALLIENTE P.O.V

"Anong kailangan nyo?"bungad na tanong samin ni daniel ng pumunta kami sa bar na pinagtatambayan nila.lahat ng tao dito sa loob natahimik tapos inaantay kung anong mangyayare.

"Pumunta ako dito para makipag usap sayo."

"Nang mag isa?"nakangiting sabi nya.

umiling ako at ngumisi"Hindi ako tanga daniel!"lumapit ako sabay upo sa tapat ng inuupuan nya.

"nagdala ako ng maraming back up sa labas..sa loob ng fifteen minutes na Hindi pa ako lumalabas dito,bubugbugin nila kayong lahat dito at sisirain tong pinagmamalaki nyong tambayan.

"Duwag p\*ta!"nakangising umiiling na sabi nya sabay tingin sakin ng masama.nilaro ko sa kamay ko ang rubics cube na bigay sakin ni mama.

"Matalino lang daniel…Matalino lang."

"Katulad noon..Hanggang ngayon.. Di ka parin nagpapatalo "mapaklang sabi nito ng alalahanin ang nakaraan.

"Ano bang gusto mo?"tanong pa nito.

"Kapayapaan."mahinahong sabi ko.

"Kapayapaan?pagkatapos ng ginawa mo?"

"Patas na tayo!Binugbog nyo rin ang isa sa grupo ko Diba?"

Hindi siya umimik at mariin akong tinitigan bago magsalita."Ginagawa ko to para kay hanna."

"Para kay hanna?"natawa ako sa sinabi nya."Mali ka!itong ginagawa ko ang totoong para kay hanna."

"Nabalitaan ko nga,mukhang napapalapit ka kay hanna ah?"nakangising sabi parin nito na Akala mo nakakuha ng alas na ipang lalaban.Inangat ko ang kamay ko sabay lapag ng rubics na nabuo ko.

"Kilala mo ako daniel.."sabay iling ko."alam mong Hindi ako nagpapa impluwensya sa babae."

Hindi nga ba?React ng ibang bahagi ng utak ko.Palihim akong napailing,nagtiklop sya ng kamao.

"Layuan mo si Hanna!"galit na sigaw daniel sabay tayo nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin.

"Ikaw din…hindi ka pa din nagbabago.."baling ko,di pinansin ang sinabi nya."babae padin ang kahinaan mo."nagtiimbagang syang tumingin sa akin.

"Malapit nang matapos ang 15 minutes daniel"tingin ko sa Relo tsaka pulot ng rubics sa lamesa."Di ko na aantayin pa ang desisyon mo .. besides pabor na to sa Inyo."lapit ko papuntang pinto.

"kung gusto nyo ng gulo ibibigay namin, Hindi kami tatanggi.. "Hindi ako nananakot,alam nyang gagawin ko kung ano ang sinabi ko.

"kaya kong basagin ang mukha mo kahit ngayon na,pero…alam kong pag nasaktan ka masasaktan ang babaeng yun."Tiningnan ko sya sa mata.

"Katahimikan ang inaalok ko sayo at sa grupo mo..yun ang totoong para kay hanna daniel"sabay bukas ko ng pinto .

"Para din to sa kahit kaunting hingi kong pabor sayo .."Ngumiti sya tsaka umiling .

"Hayaan mong maging masaya ulit ako"makahulugang sabi ko sakanya bago umalis.

"Pare ano?Okey na?"tanong ni Chad ng makalabas ako.Tumango ako bilang tugon.

"pauwiin nyo na silang lahat."utos ko kay jc.

"Oh!Narinig nyo?Uwi na daw!"jc dun sa mga Kasama naming pumunta dito.isa isa naman silang umalis gamit ang kanya kanyang motor.

"San ka punta?"tanong ni uno ng sumakay ako sa kotse ko.

"Bibili ng ice cream ."Tiningnan lang nila akong nagtatanong.

HE SAW ME NAKED (HSMN on going) Where stories live. Discover now