CHAPTER TWENTYSEVEN

54 4 0
                                    

He saw me naked
CHAPTER TWENTYSEVEN




NATHALIE P.O.V



"It's been a long time nathalie,mabuti naman at naisipan mong magpakita?" Tumayo si dexter sa upuan at inayos ang hawak nitong pamingwit,dahan dahan siya nitong hinarap.pagkalapag na pagkalapag palang ng eroplanong kinalulunanan galing milan dumiretso siya agad sa lugar na ito kung saan alam niyang matatagpuan ang asawa.

"Alam ko kung anong ginagawa mo dexter!"galit na sigaw ko habang pinipilit wag ibuhos ang galit na nararamdaman kahit pa parang pinipilipit ang puso niya sa sakit.

"pinili mo ba ang batang yun para sa anak ko dahil hindi kayo nagkatuluyan ni yohanne?!ano bang kabaliwan ang naiisip mo?"

Ngumisi si dexter bago nakapamulsang tumingala sa langit at pinagmasdan ang mga nagliliparang mga ibon.

"Dexter…"tawag ko sa kaniya kasabay ng malakas na paghagulhol."tiniis ko ang lahat!simula ng makasal tayo tiniis ko ang lahat ng sakit!lahat ng pambabalewala at lahat ng pagpaparamdam mo ng paninisi ng maghiwalay kayo ni yohanne dahil sa akin pero pls…tama na ang pagpapahirap at pag ganti mo sa lahat ng nagawa ko noon..pakiusap..wag ang anak ko..wag si kint nathaniel!"pagmamakaawang sigaw niya.

tahimik siyang tinitigan ni dexter ng ilang sandali bago nakakalokong ngumisi.

"ganiyan din ba ang ginawa mo noon para mapaniwala si yohanne?wow!" pumalakpak pa ito ng malakas."ang galing mong umarte nathalie,well guess what?!hindi mo na ako maloloko!"sigaw nito.

"kilala kita nathalie!kilala ko ang buong pagkatao mo,your always acting like youre the victim but your not,simula noon ganyan kana wala ka bang balak na magbago?!"pang iinsulto nitong umiling iling pa ng paulit ulit.

"You even put a sleeping pills on my drinks!nahiga sa kama ko ng nakahubad at sinabing buntis ka kahit hindi naman totoo!bakit di ka nalang kaya nag artista?"galit paring sigaw nito.

hindi niya nagawang makapagsalita sa narinig.ano pa nga bang masasabi niya kung lahat ng sinabi nito ay totoong ginawa niya?pero masisisi ba siya nito kung nagawa niya lang ang lahat ng iyon dahil sobrang mahal niya ito?

Hindi niya ij-justify ang maling nagawa, Alam niya ang pinagmumulan ng galit nito at alam niyang mali siya doon pero matagal niya na yung pinagsisihan,kung alam niya lang na ganito kamiserableng buhay ang mararanasan niya hindi niya na sana ginawa ang mga bagay na yun.

Dati lagi niyang motto ang."all is fair in love and war"

"Pagmahal mo kunin mo."

"He's mine and mine alone."

Pero ang totoo.

Hindi mo pweding kuhain ng sapilitan ang isang tao na hindi naman sayo dahil kung magtagumpay ka man,sakit lang ang idudulot nito.

hindi pala porket mahal mo eh kailangan ipaglaban mo minsan kailangan mo ring matotong i let go yung tao,too bad for me,narealise ko lang yan 15 years after.

Noon,dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya ginawa ko ang lahat para makuha siya,pagsisinungaling,pang aapi,kunwaring pagpapakamatay,nakiusap,lumuhod,naghabol,lahat!lahat lahat ginawa ko para lang mapasa akin siya,kinalimutan ko ang sarili kong pagkatao para lang mapasakin ang lalakeng inaasam.

"Let's get divorce dexter."basag ni nathalie sa katahimikang namayani sa kanilang dalawa."malalaki na ang mga anak ko,gusto ko ng makawala sa lahat ng sakit nato."

Natahimik si dexter sa narinig bago malakas na humahalakhak at biglang seryosong tumingin sa kaniya.

"Bakit ko gagawin yun?bakit ako makikipag divorce?"tanong nitong ikinuyom ang kamao."pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa tingin mo makakawala ka nalang bigla?"

HE SAW ME NAKED (HSMN on going) Where stories live. Discover now