CHAPTER EIGHT

87 26 4
                                    

He saw me naked
CHAPTER EIGHT





Pinagpatuloy ko yung pag silip sa bawat kwarto hanggang sa makapunta ako pangalawa dito bago yung pinaka dulo.


"Pinaka dulo din pala nito hagdanan? Eeeeee!no bayan?!kung alam ko lang na aabot ako hanggang dito sa paghahanap dyan na sana ako dumaan kanina!"maktol ko.


Nakakainis naman talaga kasi,ang laking sayang sa oras nakakapagod pa!

Naiinis nalang akong tiningnan tong room tapos sinipat sipat ko yung nagtuturo sa unahan.lalake sa tingin ko nasa 30's ang edad at,

"Oh Gosh!ang gwapo naman ni sir!" tili kong napahawak pa sa dibdib ko na parang temang.


"Naks naman!gwapo na nga professional pa!"


"Pag ako niligawan nyan sasagutin ko yan agad hihihi"bumubungisngis pang sabi ko sa kapilyahang pumasok sa isip ko.


"Hindi ka liligawan nyan kasi,may asawa na yang si sir."


"Oh my gosh!Oh my gosh!"Paulit ulit na sabi ko ng magulat sa lalakeng biglang nag salita malapit sa tenga ko.


Hindi ko makita kung sino dahil nag aalangan akong lumingon kasi halos magkadikit yung pisngi namin,pero kahit di ko pa sya kita kilalang kilala ko naman ang nagmamay ari ng boses nayun.



"Kumusta ms.arsella?long time no see."nilingon ko naman sya tapos kinuha yung lesson plan na mabitawan ko.

Long time no see?baka sya lang?ako kasi lagi ko syang nakikita at inaabangan.


ngumiti ako kahit nakakaramdam ako ng inis sa loob ko."Hi ..sir .."


Tumawa naman sya,yung tawang namiss ko.ilang linggo na pala mula ng hindi ko narinig ang boses nya.



May gusto ba ako sa lalakeng to?tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha nyang nakapagpakaba sa akin dati,ang mga labi nyang pinangarap kong mahalikan.


Pagmamahal na ba ang tawag dun?

Pano ko naman masasabing gusto ko sya kung hindi ko nga alam kung anong dapat maramdaman para masabi mong gusto mo ang isang tao.


"Tititigan mo nanaman lang ba ako?"pang aasar nya na halatang pilit binabasa ang isip ko sa pamamagitan ng reaksyon ng mukha at mata ko.



tiningnan ko lang sya tapos ngumiti pero di ako nagsasalita.ayoko din kasi syang kausapin,feeling ko kasi naiwan ako sa ere.



Hay naku hanna ,assuming kalang kaya ka nasaktan,kung ano anong iniisip at inexpect mo kaya ayan,asadong asado ka!


"Titingnan mo lang ba ako at ngingiti?"nakangiti nya paring sabi."di mo ba ako kakamustahin?"



"Ahmmm…kumusta ka?"tinitigan nya ako ng matagal tsaka biglang tumawa.



Umiling nalang sya sabay nagsalita.


"bakit nandito ka?"bago nya sa usapan.



"Inutusan ako."


"Nino?"


"Ma'am andres,pinapakuha nya sakin to."tsaka pinakita sa kanya yung lesson plan.


HE SAW ME NAKED (HSMN on going) Where stories live. Discover now