CHAPTER TWO

130 44 18
                                    

-After 2 hours -


Hanna P.O.V



NANDITO na kami ngayon sa apartment na tutuluyan ko. Naunang bumaba si nanay at tatay ng kotse at agad na kinausap yung lalakeng sa tingin ko ay kasing edad din nila. Nakipag beso si nanay habang si tatay naman nakipag shake hands.


Mukhang close sila. Kausap ko sa sarili ko tsaka nilibot ang paningin sa apartment na nasa harapan ko. May malaking gate iyon tapos may bakal na hagdanan na nasa kanang gilid papunta sa ikalawang palapag na may dalawang kwarto. Yung unang palapag naman garage na kasya ang dalawang sasakyan.


Okey naman.


Mukhang safe at halatang bagong pintura dahil sa linis ng mga pader. Pati yung gate bagong pintura din. Simple kumpara sa bahay namin pero masasabi ko ring maganda.


"Nak." Rinig kong tawag ni tatay habang kinakatok ang bintana ng kotse. Hindi pa kasi ako bumababa


Kasi ahmmm.. Nahihiya kasi ako.


"Baba kana papakilala kita kay tito Carlo mo!" Sabi ni tay kaya bumaba na din ako.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumunta sa kinatatayuan ni nanay habang nakangiting nag aantay sakin yung Tito Carlo ba yun?


"Carlo, this is Hanna Socrates. Daughter namin." Pag papakilala sakin ni nanay ng makalapit kami.


"Hello, Hannah." Sabay biso biso sakin.


Ang gwapo nya parin shocks! Medyo namula ako sa naisip. Ang gwapo naman talaga parin kasi nito kahit medyo may edad narin katulad ni tay.


"Ang ganda naman ng anak nyo Yohan." Baling na papuri nito kay nanay. "Manang mana kay... PAUL!" Nang aasar na sabi nito. Binatukan sya ni nanay na ikinagulat ko.


"Shit ka Carlo! Alam kong maganda ang anak ko pero di mabubuo yan kung wala ako!" Pasigaw na biro ni nanay.


Lumaki yung mata kong napatingin kay tatay a katulad ko nanlalaki din ang mga mata tapos si Tito Carlo tawa lang ng tawa.


"Mahal language please. Naririnig ka ng anak mo!" Saway ni tatay.


Umismid lang si nanay tapos umirap na tumingin kay Tito Carlo na nakangisi. Inaya na kami ni Tito Carlo papasok ng apartment bago pa daw mag away si nanay at si tatay.


"Wow nay! Ang ganda naman dito." Natutuwang sabi ko sabay yakap kay nanay at halik sa pisngi nya.


Nabungaran ko pag bukas ng pinto ng apartment ang maaliwalas at malinis na sala nito. Akala ko sa labas maliit lang sya pero ang lawak pala pag nasa loob na. Sobrang natuwa talaga ako dahil katapat lang ng kusina ang sala which is yun ang gusto kong ayos pag nagkabahay na ako dahil sobrang hilig ko sa pagluluto na namana ko kay tatay. Yung living room na kulay sky blue at white ang lining ng pintura gustong gusto ko din talaga dahil for sure hindi ako matatakot mag isa,maliwanag kasing tingnan.


"Pinapalitan namin ito kay Tito Carlo mo gaya ng gusto mo." Tatay


"Pero halos wala namang pinag bago mahal no, bukod sa kulay?" Baling nito kay nanay. Lumapit at hinapit si nanay sa bewang kaya ngayon magkayakap na sila na parang walang ibang kasama.


Ganyan talaga sila masanay na kayo.


Kakahiya PDA!


Pero wait? Parang walang pinagbago? Why? Nakapunta na sila nanay dati dito?


"Parang walang pinagbago tay? Nakapunta naba kayo dito dati?" Ngumiti silang dalawa sakin tapos sabay na tumango.


"Tara nak. " Aya ni nanay. "Tingnan mo yung kwarto mo."


Umakyat kami ng hagdan papunta sa nag iisang kwarto na nasa taas.


"Wow!" Napahanga talaga ako pag bukas ng pinto.


Kita ko yung mga stars na nasa mga dingding, para akong nasa outer space. Kaparehas na kaparehas ng kwarto ko sa bahay namin.


Binuksan na ni nanay yung ilaw kaya ang tumambad na sakin ay color sky blue din na pintura at halos lahat ng mga libro at gamit ko ay nandito na.


Pano nangyare yun?


"Pinasadya talaga namin yan nak para parang nasa bahay kalang."


Naiyak ako.


Niyakap ko si nanay ulit.


Alam ko ayaw din nila na malayo ako. Kaya kung ano mang purpose ni nanay kung bakit nya ginawa to susunod nalang ako.


Sabi nga nila Mother's knows best. Kaya kung ano mang gusto ni nanay na matutunan ko sisikapin kong matutunan iyon habang nandidito sa manila. Bahala na! Bahala na sa mga darating na bukas.


Maya maya nag paalam na si nanay at tatay na uuwi na. Bumigat bigla yung pakiramdam ko at gusto kong humagulhol at habulin ang kotse nilang papalayo na sakin.


Nanay...


Tatay.....


Umiiyak na sabi ko sa isip habang tinatawag sila.


Biglang naging hungkag yung pakiramdam ko. Bigla talaga akong nalungkot. Nakaramdam din ako ng takot.


Baka umuwi ako at mag commute. Baka habulin ko sila papuntang bulacan.


Pero.. Pero pag ginawa ko yun siguradong ma didissapoint si nanay. Pinigilan ko ang sarili ko na wag umiyak.


Ayokong mangyari yun kaya kahit sobrang bigat ng pakiramdam ko at natatakot ako. Pinilit ko ang sarili na pumihit papasok ng gate ng makalayo na sila at di ko na makita kahit likod ng sasakyan.


"Nanay.... Tatay.." Umiiyak na tawag ko habang umaakyat ng hagdan.


Nasa ganun akong kalagayan ng biglang..


"Waaahhhh!" Sigaw ko ng maramdamang may nabunggo ako.


Napapikit ako.


Siguradong masakit ang pagbagsak ko dahil nandito na ako sa pinakatuktok ng bakal na hagdanan or worst mabagok ako na ikamatay ko. Napapikit ako ng sobra ng maisip ko yun.


Isang minuto...


Dalawang minuto...


Tatlong minuto....


"Tatanga tanga kasi ang p*ta! Di tumitingin sa dinadaan!" Galit na sigaw ng boses lalaki naramdaman ko ang paghila sa kanang kamay ko ng malakas at balibag sa akin dahilan para mapaupo ako sa sahig.



Unti unti kong binuksan ang mata ko.


Bumungad sakin ang nakatayong lalake sa harap ko galit na galit habang nasa likod nito yung hagdanan na paglalaglagan ko sana.


Kinurap kurap ko ang mata.


Tinuro ko yung hagdan tapos sya.


Sa hagdan...


Tapos sya...


Tapos yung hagdan...


Pabalik balik.


Gusto kong sabihing papano ako napunta dito sa sahig na dapat nalaglag na ako pero walang salita ang lumabas sa bibig ko.


"Tatanga tanga!" Sabi nung lalake sabay alis pababa ng hagdan.


Tapos ako parang, oo nga 'tanga' oopss sorry for the word na nakaupo parin na nagtataka.





AnneAngeles
Sending lot's of love 💕

HE SAW ME NAKED (HSMN on going) Where stories live. Discover now