CHAPTER EIGHTEEN

57 14 1
                                    

He saw me naked
CHAPTER EIGHTEEN




KENJIE NEITHAN P.O.V


matagal na simula nung nakita ko ulit si hanna dito sa school,alam kong matagal na ang nagdaan dahil araw araw ko syang palihim na minamasdan simula nung matapos ang pag ojt ko sa kanila.

Napatingin ako sa kanya habang naglalakad sa hallway papuntang kung Saan,Parang may kakaiba na sa kanya.Lagi ko na syang nakikitang nag iisa,tahimik at parang binabakuran nya ang sarili nya sa iba .

Naalala ko tuloy ang mukha nya nung una ko syang makita.kung pano sya umiyak ng Akala nya pinagalitan ko sya nung unang pasok nya dito.yung pag iyak at pag hikbi nya na Hindi ko napigilang punasan ko ng panyo ko.

Naalala ko na Sobrang namula ang ilong at pisngi nya nun.pati ang galit na biglang naramdaman ko ng maratnan ko syang umiiyak dahil kay kint nathaniel.

Maging Kung gaano ko pinigilan ang sarili ko ng pagkakataong yun na hilahin at ilapit sya sa katawan ko dahil sa sensayong bigla kong naramdaman ng lumapat ang daliri ko sa balat nya ng lagyan ko sya ng ointment sa likod.

Sana pala hinalikan ko sya noon.yun ang naisip ko ng makita ko sya sa gate habang hinahawakan ang ulo ni kint nathaniel,sana pala naging matapang akong harapin ang sakit nang marinig ko ang pagkanta nya ng only hope na paboritong kanta ni mama.

Pumasok kasi sa isip ko na kung ipaglalaban ko ang nararamdaman ko sa kanya Baka masaktan ko lang sya katulad ng sakit na naranasan ni mama kay papa kaya lumayo si mama at 10 taon nang Hindi bumabalik.

Inaamin ko,na duwag ako.kahit alam ko at ramdam ko na gusto ko ang babaeng ito ..

Ang unang babaeng napaiyak ko ng Hindi ko sinasadya.Napailing na natawa ako sa naisip.

Hindi ko namalayan sinusundan ko na pala sya papuntang garden,tahimik lang syang naglalakad habang may nakasalpak na headphone sa tenga nya.

Hindi ko sya pinigilan kahit alam kong papunta sya sa lugar kong Saan ipinagbawal munang puntahan kahit tungkulin kong pagbawalan sya dahil ako ang school president at ngayon nga ay Dean na ng school nato.

Naalala ko rin tuloy bigla ang mama nyang nakausap ko na napaka unpredictable ng ugali,gusto nyang magbayad kahit magkano pero Hindi ko pinayagan,hindi ngayon..Kung kailan ramdam ko na kailangan nya ng karamay.

Huminto sya sa malaking puno na nasa pinaka gitna ng garden at umupo sa ilalim nun,napatago ako ng bigla syang humarap.

Nakita ko syang humiga dun at pumikit, tinitigan ko lang sya hindi ko Alam kung lalapit ako o mananatili nalang sa kinatatayuan ko habang palihim syang pinagmamasdan .

Buti nalang walang ibang estudyanteng nandito dahil lunch break ng lahat,Lahat ng yun sigurado nasa ibat ibang canteen ng school nato.

Nag alala ako ng matama ko ang guitarang dala ko sa bato na nasa tabi ko pala ..Shit!Baka makuha ko ang atensyon nya.

Nilingon ko sya pero nanatili lang syang nakapikit Hanggang sa makita kong may tumulong luha sa mata nya.

Hanna...Biglang sigaw ng utak ko dahil sa awa.

Ano bang nangyare?Bakit ang laki ng pinagbago nya?

Ang kilala kong hanna,Iyakin pero masiyahin,Gusto laging Kasama ang mga kaibigan na parang nag iipon ng masayang memories..

Bakit ang hanna na pinagmamasdan ko ngayon,Hanna na gustong takasan at layuan ang mundo.

Hindi ko napigilan ang mga paa kong lumapit sa kanya, umupo ako sa tabi nya inantay ko lang syang magmulat ng mata.

HE SAW ME NAKED (HSMN on going) Where stories live. Discover now