CHAPTER FOUR

108 37 4
                                    

Hanna P.O.V




Pinatay ko yung oras ko sa pag papatugtog ng Christian song habang nagbabasa ako ng libro dito sa sala.

Pagkatapos kung pumunta sa school at makuha ang sched ko agad akong umuwi para maihanda ang sarili ko sa pagpasok bukas. Di ko kasi maiwasang di kabahan dahil dun sa mga nalaman ko kanina na may lalake or grupo na kinakatakutan ng mga estudyante pati mga teachers.

School ba talaga papasukan ko o lungga ng masasamang tao? Kaya ito nagbasa nalang ako at nagpatugtog para pumayapa.


Muntikan pa akong mapatili nang nagulat akong may biglang kumatok sa pinto.

Wait?

Oh my God sino yan? Kinakabahang tanong ko sa sarili ko.

Imposibleng sila tatay yan kasi pinagbawalan sila ni nanay na puntahan ako.

Oo! Pinagbawalan sila! Grabe diba? Tsk! Tsk!

Wait back sa reality.

Sino yung kumakatok? Di kaya mag nanakaw?

Magnanakaw? Shemay hanna sa tanghaling tapat?

Malay mo naman? Ba! Merong pinapasok ng magnanakaw kahit umaga noh!

Kaya ka pinapatapon ee. Sabi ng kabilang isip ko.

Teka inaaway ko ba sarili ko? Umiling iling ako.

Baka yung bastos na lalake?

Oh God! Pano kung sya nga yan? Bubuksan ko ba?! Napalunok ako ng laway.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto tapos sumilip sa peephole para malaman kung sino.

Lalake? Pero hindi yung bastos na lalake! Oh my Gosh! Oh my Gosh! Kausap ko sa sarili.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napaigtad pa ako ng kumatok ulit ito.

Ano ba kasing kailangan niya? Natatakot tuloy ako.


Baka nga talaga magnanakaw?


Huhu! Biglang nangilid yung luha ko.


"Stop it Hanna! Wag ka munang advance mag isip okey? Sabit mo yung hook tapos buksan mo kunti yung pinto para safe ka." Kausap ko sa sarili ko habang pabulong.


Kasi naman.. Ngayon lang to nangyare sakin. Naiiyak na talaga ako sa takot pero sinunod ko yung sinabi ko sa sarili kanina tsaka dahan dahan kong binuksan yung pinto,kunti lang yung tama lang para magkita yung mga mukha namin.

Wow? Gwapong magnanakaw huh?

"Y-yes ?" Nauutal na kinakabahang sabi ko.

Nakakunot ang noo nito kanina pero nung makita ako bigla itong unti unting ngumiti.


"Hi dear!" Pabibong sabi nito ng makita ako.

HE SAW ME NAKED (HSMN on going) Where stories live. Discover now