CHAPTER TWENTY

49 11 0
                                    

He saw me naked
CHAPTER TWENTY




HANNA P.O.V



naging busy ako sa pagtulong kay eithan para sa foundation na gaganapin bukas.
Tinitingnan namin lahat ng booth kung nasa ayos na para walang maging aberya.

Nang maisa isa na namin at masiguro na ni eithan na nasa ayos na nga,tinulungan ko sya ngayon sa pag aayos at pag didecorate nitong stage.

"Pantay na ba?"tanong nya habang inaayos ang malaking poster na may nakalagay na live band for a cause.
Lahat kasi ng kikitain dito ay idodonate daw ng school council sa home for the aged.

Kitang Kita ko ang sincerity at pagmamalasakit nya kaya halos Ginagawa talaga ni eithan ang lahat para mapaganda ang event na to.

Napakabait no?Hehe.

Tsaka sabi nya ito daw kasi ang first project nya ngayong taon.

"Kunting baba sa kanan"tugon ko sa kanya.Inayos nya naman ang nasa bandang Kanan.

"Ops..ops..ops ..okey na!"sigaw ko ng makitang napantay nya na.

"Ang galing mo!Perfect!"bati ko sa kanya.Bumaba sya sa hagdanan ,bumaba ng stage at lumapit sakin.

"Thank you talaga sa pag tulong hanna ah?"-sabay Pat ng ulo ko"isang linggo na kitang naabala"

"Anong abala ka dyan?! Hindi no!Nag eenjoy nga ako sa pagtulong sayo."Ngumiti sya sakin bilang tugon tapos tumabi sya sakin at sabay naming pinagmasdan ang stage na pinag tulungan naming ayusin.

"Nice one!"sabay pa naming sabi.tapos nagkatinginan kami at sabay na natawa.

Ang mga lights,mga design,pati ang tamang pagkakalagay ng mga instrument na gagamitin para bukas ng Gabi Lahat nasa ayos na.

Napangiti talaga ako dahil ang Ganda ng kinalabasan,Parang kahapon lang namomroblema kami ni eithan kung anong ayos ang gagawin namin dito.

"Buti nalang talaga alam mo mag ayos ng ganito."biglang sabi nya sakin.

"Buti nalang nag fefree concert kami sa church namin sa bulacan"tugon ko sa kanya,sumabay ako sa pag upo nya ng bigla syang umupo.

"Kaya medyo pagdating sa mga Banda, banda ,..hehe kahit papano may alam ako." Inalalayan nya ako at inayos ang laylayan ng palda ko.

nathaniel!biglang tawag ko nanaman sa lalakeng pilit kong wag isipin pero pilit nagsusumiksik ko sa bawat pagkakataong may relate sa kanya ang lahat ng nangyayari katulad ngayon,naalala ko si kint nathaniel dahil sa ginawa ni eithan.

Bigla nanamang sumikip ang dibdib ko.nagkaroon ng bikig ang lalamunan ko,agad akong tumikhim at ipinikit bukas ang mga mata para mawala ang namumuong luha doon.

"Okey kalang hanna?"tanong sakin ni eithan na nag aalala"bakit bigla kang namutla?napagod ka ba?"sunod sunod na tanong nya.Umiling lang ako tapos pinilit kong ngumiti.Kinuha ko nalang ang sombrero sa bag ko para mabaling sa iba ang atensyon ko.

Tsaka medyo,Humahamog narin kasi.
Napalingon ako sa malawak na field nato,tiningnan ko kung meron pa bang mga estudyante bukod saming mga na assign na mag ayos.

Andito pa kaya si kint nathaniel?Sana nakatingin sya at namimiss din ako.

Lihim akong umasam na sana sa paglingon ko makita ko ang mukha nya,ang mukha nyang nag aantay din para sakin.Pero alam kung Hindi mangyayare yun,dahil walang pakialam si kint nathaniel sakin.

HE SAW ME NAKED (HSMN on going) Where stories live. Discover now