CHAPTER NINE

74 25 7
                                    

He saw me naked
CHAPTER NINE




Tinakbo ko ang daan papunta sa H.Q nila kint nathaniel kahit natutumba ako sa tuwing may mabubunggo akong studyante.

"Sorry .."sabi ko sa lalaking nakasalubong ko.

kahit tumilapon ako sa sahig dala ng lakas ng pagkakatama ko sa kanya, tumayo lang ako ulit at walang lingon lingon na tumakbo.

Hindi ko na ininda yung sakit ng paa ko o kaya naman kung gaano na kadumi ang palda ko dahil sa ilang beses kong pagkakadapa,kailangan kong mahanap ni Daniel. 

This time."Hanna,kailangan mong maging malakas"Kausap ko sa sarili habang patuloy parin sa pag takbo .

Hinihingal pa akong huminto bahagya ng makapunta na ako sa likod ng building,alam ko dito ang H.Q nila dahil yun ang naririnig kong pinag uusapan ng mga estudyante sa canteen pag may nababalitang dinadalang studyante nila kint dun na kumakalaban sa kanila.

Ang rinig ko sa pag uusap nila, binubugbog muna tapos kinabukasan hindi na nakakapasok kasi pina pa kick out na.

Nanginginig akong tinahak yung maliit na daan papunta dun sa maliit na bahay na nasa gitna sa tingin ko ito nayun.

Tinakbo ko yung pintuan tapos kinatok ko ng kinatok ng ilang beses .

"Kint!kint nathaniel!!"sigaw kong kinakalampag yung pinto, sinisipa ko narin .

Nag aalala ako.Baka kung ano nang ginawa nila kay Daniel.

Ilang minuto pa akong kumatok Hanggang sa maramdaman kong humahapdi na ang kamay ko .
Nakikita ko narin ang dugo kong kumakapit sa pinto sa twing kakatukin ko .

Naiiyak na talaga ako,bakit ayaw nilang buksan?

Nararamdaman ko nang tumutunog na yung mga buto ko sa kamay pero wala talagang nagbubukas.

Hanggang sa mapadako yung tingin ko sa isa pang daanan papunta sa pinaka dulo na nahaharangan ng mataas na pader ng school.

Tumalon bigla yung puso ko sa kaba ,
Tumakbo ako papunta dun at dumaan sa pagitan ng dalawang building.

Oh my God !

iyak ng puso ko ng kunting lakad ko pa Nakita ko si Daniel na nakahiga sa lupa habang duguan at napapalibutan ni eross at ng grupo nya.

"Ang lakas ng loob mong sumugod dito kahit mag isa kalang,ayan ang napala mo "sabi ni kint nathaniel na nakangisi.

"Tama Nayan!" Umiiyak na sigaw ko sabay takbong lapit kay Daniel.

"Anong ginawa mo?!"umiiyak na sabi ko sa kanya habang gulat na gulat ng makita ako.

"H-hanna...anong ginagawa mo dito?"daniel na nahihirapang huminga habang pilit tumatayo at pilit akong tinatago sa likod nya.


"How dare you?!napakasama mo talaga!"Sigaw ko sa kanya sabay sugod at pinagsusuntok ko sya sa dibdib.

"Hanna ..s-stop it!Halika dito!"

"Anong ginawa mo kay daniel?wala ka ba talagang kunsensya?"galit na galit na sigaw ko sa mukha nya.

"Ang kapal ng mukha mo!ang kapal ng mukha mo!"

"Aray!"sabi ko nang bigla nyang hawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Hayop ka kint nathaniel!bitawan mo si hanna!papatayin talaga kita hayop ka!"Sigaw ni daniel na pinipilit tumayo at inaabot ako.

"Papatayin mo ako?"kint.

napasigaw ako ng biglang sipain nya si daniel sa sikmura.

HE SAW ME NAKED (HSMN on going) Where stories live. Discover now