CHAPTER FIVE

111 37 4
                                    


JAMES P.O.V


"Pare ang Ganda!"Di ko mapigilang turo sa kanila sa babaeng naglalakad sa hallway ng katapat ng building namin.


Transferee? Grade 11 or grade 12 student? Tanong ko sa sarili ko.


Yung kabilang building kasi katapat nitong building namin ay pang high school ang pumapagitna lang ay napakalakeng field na naghahati sa high school at college.


Tanaw namin dito ang babaeng kakapasok palang na pinagkakaguluhan at pinag tsitsismisan ng mga estudyante. Ngumingiti lang ito na parang nahihiya.


Andito kami ngayon nakaupo sa gitna ng field kaya kitang kita namin sya.


Tiningnan ko silang lahat. Tong mga kabarkada ko sinusundan din nila ng tingin yung babaeng binanggit ko specially si Uno na lumaki pa yung mata sa gulat.


"Pwedi na! Bagong bibiktimahin." Si Chad na umiiling at ngumingiti ngiti.


Ganyan talaga yan pag dating sa babae palibhasa na broken.



"Seryoso pare ang Ganda nga." Singit naman ni JC.


Ibig sabihin maganda talaga yung babae nag salita ee.


Napatingin naman ako sa katabi nyang si Kint Nathaniel na naglalaro ng rubics cube. Pinapaikot nya lang sa kamay nya pero sinusundan din ang babaeng ngiting ngiti habang naglalakad. Nangunot ang noo ko ng bigla syang ngumisi.


Ano kayang pangalan ng babaeng Yun?Tulala kaming lahat ee which is,


Hindi karaniwang nangyayari.






HANNA SOCRATES P.O.V



Kanina pa ako naglalakad! Gusto ko nang mahanap yung room ko dahil sobrang ilang na ilang ako sa mga madadaanan kong studyante.


"Nanay ko! Pinagtsitsismisan yata nila ako." Bulong ko sa sarili.


"Excuse me?"Tanong ko dun sa babaeng makakasalubong ko.


Ang hilig ko magtanong noh? Syempre di ko pa alam tong school nato tsaka, marunong ang nagtatanong!



"Bakit?" Sabi nya sakin ng nakangiti, buti naman mabait di naman pala katulad ng inaasahan ko.


"Saan dito yung grade 12 room 107?"Nahihiyang sabi ko.


"Grade 12?Hmmm..." Sabi nyang umaaktong nag iisip.


"Room 107? Ah! Oo! Deritso mo lang to tapos kaliwa ka,may madadaanan kang malaking locker tapos kaliwa,makikita mo dun may nakasulat sa taas yung grade tsaka room number." Sabi nyang may pa gesture pa ng kamay. Napapasunod naman ang ulo ko sa ginagawa niya tsaka tumango tango.


"Thank you talaga huh? Transferee kasi ako di ko pa alam."


"Welcome."Nagpaalam ako sa kanya pagkatapos magpasalamat tsaka umalis.


Salamat sa tulong nya para mahanap ko yung room ko yun nga lang medyo natagalan haha. Ang laki naman kasi ng school nato no!Nakakaligaw!


Napangiti na ako ng Makita ko yung room base sa tinuro nung babae kanina.


Ang baet naman nun,ang ganda pa!ano kayang pangalan nya? Nakalimutan kong itanong .


HE SAW ME NAKED (HSMN on going) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant