CHAPTER NINETEEN

48 14 0
                                    

He saw me naked
CHAPTER NINETEEN




Eli/Elizabeth P.O.V



"Hanna!"Napalingon kaming lahat sa lalakeng tumawag sa kanya na nasa pinto ng classroom namin.

"andito nanaman si sir eithan o!"chloe.

Oo nga!Kita nga namin,ano bang akala ng babaeng to sa amin?Bulag?!

"Eithan"bati sa kanya ni hanna sabay lapit.

"Ilang araw na silang laging magkasama sa tingin nyo may something na sa kanila?"sabi parin ni Chloe na nag painit ng tenga ko.

"Sa tingin ko meron na"tugon ni aya "lagi kasi silang sabay kumakain eh"

Sabay lang kumain may something na?

"Mawawala nga rin ako ng 2 weeks para araw araw akong puntahan ni sir eithan"kinikilig pa na sabi nito.

Gusto ko sanang sumigaw na TUMAHIMIK KAYO!dahil naiirita ako pero hinayaan ko nalang sila habang nakukuyom ko na pala ang kamao ko.

"May gusto ka kay eithan no?"biglang bulong na tanong sakin ni ken,Napatingin ako sa kanya na nakatingin sa kamay ko.

"A -ako?m-may gusto?Seryoso kaba
?"sabay iling kong tanggi.

"Eh bat nauutal ka?"Hindi ako nakapagsalita.Tinitigan nya ako sa mata.

"Itigil mo yang pangangarap mo sis kung ayaw mong masaktan"sya na mas nilapit pa ang bibig sa tenga ko."Parang sinasabi mong gusto mong akyatin ang langit kahit alam mong Di mo maabot"

"Ano bang pinagsasabi mo?"asik ko sa kanya, Inirapan nya lang ako.

"Hay naku!Eli.. eli .. eli..Ang kawawa kong kapatid "sya habang umiiling."Hindi magkakagusto sayo si eithan dahil Hindi ikaw ang type nya!"

Tinaasan ko sya ng kilay.ano ibig nyang sabihin?

"Si sir eithan,ang tipohan sa babae yung mga .. mababaet .."sabi niyang umaktong nagdadasal.

"Bakit?mabaet naman ako ah?"sabi ko sa kanya.

Tumaas lang yung kilay at nguso nya." Kailan pa?"

"Babatukan kita!"umismid siya.

" sige sabi mo eh, anywaysss..gusto niya yung naka doll shoes Hindi rubber"sya ,tapos tiningnan ang paa ko.

"Ang babaw naman nun? Bakit sa suot ba sa paa ang pamantayan ng Tao?"pangangatwiran ko.

"Yung babaeng mahinhin, Hindi basagulera"

"Mahinhin naman ako ah?wag lang akong guguluhin dahil nawawala"

"Yung babaeng Hindi nag mumura"

"TANG INA!ang hirap naman palang abutin yang si eithan eh!"

"Bat mo aabutin?"biglang tanong nya na nakapanlaki ng mata ko.

"See. .. I knew it!"napapalakpak pa sya.

"may gusto ka nga Kay eithan."

Natahimik ako.Parang umurong ang dila ko,Hindi ko magawang magsalita pero alam at naramdam ko na parang namula ako.

"Elizabeth seryoso"sya tapos hinarap ako ,hinawakan pa ako sa magkabilang pisngi."wag si eithan .. masasaktan kalang."

Tinabig ko ang kamay nya.

"Aray naman!"daing nya.

"Pano mo naman nalaman?"

"Hindi magkakagusto si eithan sayo dahil ..."Sinamaan ko sya ng tingin.

HE SAW ME NAKED (HSMN on going) Where stories live. Discover now