Confrontation

82 3 4
                                    

Ruru was fixing his own hair nang makatanggap sya bigla ng call, sumulyap sya pero hindi pinansin dahil hindi naman din nya kilala ang tumatawag. Saglit pa ang nagtagal he received a text from the unknown number.

This time binasa nya at napahinto sa ginagawa dahil sa hindi inaasahan na caller.

It's Darren Hank, at gusto nito makipag kita sa kanya. Ruru was debating to himself kung pupunta ba sya sa address na ibinigay o hahayaan nya na lang.

Syempre hindi.

Wala atang inaatrasan ang mga Balbuena lalo ng mga gaya nya.

Kaya naman nag madali syang tapusin ang pagaayus ng sarili para harapin ang lalaking karibal nya.

"Sa library talaga?" Bulong ni Ruru ng makarating sa location.

Ang dami naman daw kasing pwedeng meet-up-place, sa library pa ang napili kung saan hindi pwedeng gumawa ng kahit na anong ingay.

"Bahala na nga..."

Pag pasok ni Ruru agad nyang nakita si Darren with his pale skin and light brown hair almost blonde, at naka suit.

Masyado daw pormal 'di tulad sa suot nya na cargo pants at plain long sleeves lang.

Nagpatuloy sa paglakad si Ruru, hindi daw ito ang makakapag-intimidate sa kanya.

"Please to meet you Mr.Balbuena." Bati ni Darren at nakikipag kamay pa. Masyado daw talagang pormal, naiirita si Ruru kaya hindi nya tinanggap ang kamay at naupo opposite sa pwesto ni Darren. "Ahmm...I would like to apologized if masyadong formal ang suot ko. I just was on m--"

"Pwede ba, alam naman nating dalawa kung bakit mo ako pinapunta dito. Kaya brad, diretsohin mo na at wag nang patagalin pa. Anong gust--?"

"I want Kylie." Si Darren dapat ang magugulat, pero sa pagkakataon na ito si Ruru ang nagulat. "Kaya kita tinawagan kasi I want to talk about Kylie."

"Ano ngayon kung gusto mo sya. Ang tanong dito, gusto ka ba nya?"

Darren's left eye twitches as he heard him. At pansin ito ng kausap nya, kaya alam ni Ruru natamaan nya ito.

"She do, I know she do. Kaya lang naman sya nalilito dahil sa'yo, our life is better until you came."

Nakatingin lang si Ruru at nag pipigil sa upuan nya.

"Ang lakas din naman ng loob mo." Sabi ni Ruru, hindi alintana ang lugar na kinaroroonan nilang dalawa. "Sino ka ba sa inaakala mo?"

"Shush!" Saway ng isang ale sa kanya kaya napatingin sya. He assumed she's the librarian. "Silence."

Nabaling muli ang atensyon nya kay Darren na ngayon ay namumula sa inis.

"Hoy wag kang mayabang, kung gusto mo si Kylie ipaglaban mo at lumaban ka ng patas. Hindi yung nagmamakaawa ka pa sa akin, I'll tell you this once." Ruru leaned forward para marinig ng kausap nya ang mga sasabihin nya. "I won't give her up. Never."

Tumayo na sya para umalis pero sumunod si Darren at hinabol sya sa labas.

"You're just making this hard for her Ruru. Let her go." Hinawakan sya ni Darren sa balikat upang pahintuin kaya hinarap nya ito.

"Tarantado ka, bakit ba ang kulit mo?!" Tanong nya sabay suntok, tumalsik si Darren at ang bibit nitong bag. "Wala akong pakielam kahit abogado ka. Tantanan mo na ko, o hindi lang yan ang makukuha mo."

"Mas tarantado ka, you motherfucker!"

Muling binalikan ni Ruru ang kawawang abugado, kwinelyuhan at hinatak. "Anong sabi mo? Anong sabi mo?!"

"I said you're worst than any other man. Iniwan mo sya without saying anything, years later babalik ka, expecting she'll accept you?" Said Darren, he spat every words kahit pa masakit na ang panga nya mula sa suntok na natamo. "What do you call that? 'Di ba tarantado."

Muling simuntok si Ruru, bakas sa mukha ang galit na nadarama. "Ikaw gago ka wala kang karapatang pag salitaan ako ng ganyan ah. You know nothing. Nothing! You motherfucker."

Tumumba si Darren sa lakas ng tulak ng kalaban nya, imbis na gumanti natawa lang sya. "She doesn't love you."

"Liar, paano mo nalaman?"

"Kylie told me. Sinabi nya mismo sakin, that she doesn't love you anymore."

Natahimik si Ruru.

"We share our secrets Ruru. We do."

"At bakit naman ako maniniwala sayo?
I know her, alam ko mahal nya pa ko."

"No, you knew her." Darren corrected. "Ang dami ng nangyari, marami ang naiba. She needed someone and you're not there. I'm the one who's there for her, can't you see? I'm taking away her pain." Tumayo ng dahan-dahan si Darren. "The pain that you inflicted on her. Kaya if you really care for her, let her be at wag mo na kaming guluhin pa."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ruru sa mga salitang narinig nya. Darren was right, he hurt Kylie and left without saying anything.

"B-but I love her." Sabi ni Ruru, mas kalmado na sya at tumingin kay Darren. "I still do."

Kita at ramdam ni Darren ang conviction sa mga salita nito, aamin nya may awa syang nadarama towards the guy pero mas matimbang ang pagmamahal nya kay Kylie.

And if it means to hurt him by telling the truth, he'll do it. Makuha nya lang ang babaeng minamahal nya.

"I guess, love is not enough at this point." Said Darren then fetched his bag from the floor, bago sya umalis may pahabol pa sya. "I apologized for my behaviour, pero hindi ko ihihingi ng tawad ang mga sinabi ko because it's the truth. Now will you excuse me, may meeting pa ko."

Naiwan si Ruru na nanakit ang kamao, but he don't mind it, dahil mas iniisip nya ang mga sinabi sa kanya ni Darren.

Totoo daw kaya ang lahat ng yun?

Na hindi na sya mahal ni Kylie?

Now he's having doubts.

Tumingin sya sa kamao nya at nakita na namamaga ito, he winced. "Ang tigas ng mukha nung maputlang yun ah. Literal na solid."

A fruit of love (KyRu/Ybramihan)Where stories live. Discover now