No doesn't mean 'no'

192 15 3
                                    


Tingin, lingon at sulyap ang ganap dito sa barista ng coffee shop araw araw. Para bang may inaabangan na kung ano.

Narinig nya ang pinto na bumukas napatingin sya pero iba pala, hindi sya.

Oo may inaabangan nga ito at sure ako alam nyo na yun, ilang araw na rin syang ganito parang praning na nag aantay sa may pintuan ng shop at cellphone nya.

Ilang beses nya din kasi itong tinatawagan pero walang sumasagot, kaya naman di nya alam ang gagawin nya.

"Agoncilio, come here." Tawag ni manager-nam kaya lumapit sya ng may pagtataka sa mukha. "What's wrong with you? You seem distracted this passed few days, may problema ka ba?"

Distracted nga ba?

Obviously 😂

"Sorry po manager, sa studies lang siguro. Pero hindi na po mauulit." Paumanhin ni kylie, at hinawakan sya ng manager nya sa braso.

"Well kung ano man yan, you know you could always tell me. But sana wag mong dalhin ang personal life mo dito sa work, magaling kang bata at sa totoo lang madaming customer ang nagugustuhan ang mga designs mo to their coffee. Kaya, kylie I'm expecting you to be more professional ok?" Ika ng manager nya ng may ngiti sa labi, tunango naman si kylie dun at ngumiti rin.

Totoo yung sinabi ng manager nya, simula ng dumating sya sa shop madami na ang naging customer, unique daw kasi ang mga designs na ginagawa nya sa bawat cup na sinoserve nya.

Kaya naman na realized nya na dapat sipagan nya pa ang trabaho nya para na rin sa future savings nya.

Knock! Knock! Knock!

Pinagbuksan sya ni han ng pintuan, nagulat nga ito kasi nakadalaw ito at disoras pa ng gabi.

Halatang patulog na nga ito dahil may mud mask pa sa mukha.

"Problem?" Tanong nitong si han nang makaupo na sila sa couch nya sa loob, tumango naman si kylie na parang may malalim na iniisip. "Hmmm...parang alam ko na yan ah, o anong gusto mo pag usapan natin?"

Hindi na nakapag salita ang dalaga bagkos tumingin lang ito sa bestfriend nya, di alam ang sasabihin.

"Ok, kung gusto mong itanong kung tumawag sya sakin. Isa lang ang sagot ko dyan at yun ay hindi. Hindi naman ganon yun diba, madalas nga yun pa ang tumatawag ng maaga para lang maka sagap ng chismax about you. Kaya nagtataka nga din ako eh, which is I want to ask you. Ano nga bang nangyari?" Tanong uli ni han pero wala parin syang nakuhang sagot dito sa friend nya. "Omg! May nangyari ba sainyo?" Hinampas sya nito aa balikat.

"Gagi, hindi ganon walang nangyaring ganun...babuy mo kasi eh.." Saway ni kylie.

"Oh bakit ka ng aano? Alam ko naman eh, hindi mo kasi ako pinapansin dito kaya gumawa ako ng distraction." Reklamo ng bakla habang hinihilot ang braso nyang ngayong namumula dahil sa lakas ng hampas ng bff nya. "Tatanongin kita ulit, ano bang purpose ng pag punta mo dito sa gitna ng pag bubeauty rest ko?"

"Si ruru kasi, di ko alam kung ano ang gusto nya. Minsan pinapakita nyang may feelings sya sakin minsan naman hindi...ahh basta ewan di kosya magets." Paliwanag ni kylie habang nakahawak sa magkabilaang sintindo ipinapakita na masakit ito. Natawa lang si han sa kanya, kaya tinitigan nya ito ng masama.

"Bakla naman valedictorian ka nung high school tayo, napaka bobo mo naman kung di mo mahalata diba..."

"Mahalata ang alin?" Kylie asked completely baffled sa usapan nila.

Sarap konyatan nito.....

"Hala sya, natanga na. Si ruru wala syang ibang gusto kundi ikaw, hello..? Obvious naman lagi syang nasayo at alam kong ganon ka din sa kanya."

A fruit of love (KyRu/Ybramihan)Where stories live. Discover now