Realizations and the signs

401 34 6
                                    

"....and that's all for today..." Informed ng matandang professor sa harapan ng mga studyanteng isa-isa ng nagtatayuan at lumalabas sa pintuan.

Kaya niligpit na ni kylie ang mga gamit nya para makauwi na rin may shift pa kasi sya mamaya.


Nang nasa daan sya pakiramdam nya may sumusunod sa kanya huminto sya para tingnan pero wala naman kaya nag tuloy sya sa paglalakad nya.



Ang weird ha... Sabi nya ng makauwi na sya.

"Ay juice ko!" Gulat nyang sabi ng makita nyang may tao sa loob ng condo nya. "Han? What are you doing here?"



"Tsaka ng place mo ha...buti na kakatagal ka dito." Sabi ng bakla habang sitting pretty sa plain white sofa nya. "Ang dami-dami namang ibang magaganda dyan dito ko pa talaga nag titiis."




"Pumunta ka ba talaga dito para insultuhin ako?" Sabi ni kylie na mukhang na offended na habang ni lo-lock nya yung pintuan nya. "Bat ka ba kasi nan dito? Gusto mo ng juice?" Offer nya umoo naman si han kaya pumunta na sya ng kitchen nya para pag handaan ang bestfriend nya ng juice and sandwich.



"Tinatanong mo ko? What am I doing here? Eh ikaw nga dyan ang nakalimot tawagan ako eh..." A pouting han said kaya natawa naman si kylie habang bising-busy syang nag hihiwa ng tomatoes para sa sandwiches nila. "Kaya ito pumunta nako para mangamusta. So kamusta date mo?" Nang marinig to ni kylie her nose began to flare in anger, naalala nya nanaman kasi yung nangyari. Napahinto sya sa paghihiwa at biglang napatingin naman si han sakanya.




"Ang walangyang yun......!" Sigaw ni kylie kaya naman napalapit si han sa tabi nya.



"Hala. bakit pinag samantalahan ka ba, binaboy, ni rape ano. Sabihin mo sakin ano ano ano??!!" Inaalog-alog nya pa si kylie habang nakahawak sya sa mga braso nito na parang nag papanic kaya sinampal sya nito para matigil. "Arayyy ha, bakla ang lakas non."




"Exagg ka kasi tsaka I mean it. Dahil yung pina-date mo sakin eh yung-"


"Gagong lalaking sinasabi mo sakin?" Han finished, nakita nyang nakataas ang left brow ni kylie kaya alam nyang seryoso ito. "Oh no! Si baby-boy at yung gagoman na tinutukoy mo ay iisa?" 😱 ngayon lang kasi nya na realize yun.




"Mismo. Kaya sabihin mo nga saan mo ba napulot yung gago na yun?"



"Aksidente lang." Napakunot noo naman si kylie dun medyo di nya kasi gets eh.


"Aksidente? Ano yun. nag lalakad ka habang sya nagda-drive tapos nung patawid ka na nabang- what the fvck! Sya yung naka bangga sayo two week ago?" Hula ni Kylie habang na katutok ang kutsilyo nya kay han, tumango naman ito.


"Sinasabi ko na nga ba, hayop na yun. Una pa lang, sa hilatsa palang ng mukha nun alam mo na masama eh.."



"Uy grabeh ka naman...masama agad? Di ba pwedeng nag kamali lang. Tinulungan naman ako nung tao eh hayaan mo na."

"Anong hayaan? Nakaka strike two nasakin yun eh, wag lang talaga kami mag kita kasi kapa-"

"Uy kylie reminder, yung guy lang ang may sala sayo ah, hindi yang hinihiwa mo." Paalala ni han at napatingin naman si kylie sa chopping board nya dahil pinong-pino ang kawawang kamatis dito.





///////////

"Shit Shit Shit Shit!" Inis na sabi ni ruru habang na kaupo at nagbabasa ng libro sa may library ng school nila. Hindi yung topic sa libro ang dahilan ng pagkainis nya kundi, dahil sa mga nagawa nya this passed few weeks, sunod-sunod kasi ang mga palpak nya lalo na sa babaeng kakakilala nya pa naman. "Ano bang gagawin ko...?"




A fruit of love (KyRu/Ybramihan)Where stories live. Discover now