A trip for the lovers

145 6 1
                                    


Days later.......

Kakatapos lang grumaduate ng dalawa. Si Kylie sa college si ruru naman sa high school and yes 'summer' na and kasabay nito ang weeksary nila kaya ruru planned out a perfect getaway for the two of them. Where?

Well saan pa nga ba edi sa beach. 😉

Pick up Pick up sagutin mo please!!! Sabi ni kylie habang hawak nya ang telepono nya. Naiirita dahil hindi sinasagot ni han ang phone nito.

"Hey!" She made an 'ooaf' sound nung lumitaw si ruru galing sa likod nya parayakapin sya.

"Puta naman...wag ka ngang nanggugulat, tingnan mo muntik ko pang mabitawan toh.." She said mentioning her phone.

"Sorry naman. Ano ba kasi yan?"

"Si han, sinusubukan ko kasing tawagan kaso walang sumasagot ring lang ng ring."

"Darling syempre nasa pasyalan yun eh. alam mo don't bother him, mag focus ka na lang sakin..." Sabi ni ruru sabay punta sa harapan nya at nag pa-cute. Natawa lang si kylie at napailing.

"Bahala ka kung gusto mong ituloy yan o hindi basta ako itutuloy ko na ang pag aayos ko ng gamit."

Nag pout si ruru habang nakita nyang umalis sa harapan nya ang nobya.

Pagkatapos ni kylie mag impake ng mga damit nya agad na silang umalis and took the long way drive with ruru's car.

Masaya si kylie dahil kung dati 'Warak, basag, wasak' ang stat ng heart nya pwes ngayon. Isang malaking 'Wagi, kabog, at wapak.' Dahil wapak na wapak talaga sya sa love life nya ngayon.

Ano pa nga ba..? In love eh...

Tatlong oras ang byahe papunta sa destination nila but they spend it in eating, talking, kissing, even jamming ng sabay with the music on the radio while driving kahit pa parehas nag ka-crack ang voice nila sa high note keri lang. But mostly laughing. Hindi naging boring ang three hours na yun para sa dalawa in fact, kulang pa nga eh dahil sa sobrang komportable na nila sa isa't-isa.

Edi kayo nang masaya... 😜

Pagdating nila sinalubong sila agad ng mga staff ng resort at inasikaso ang mga gamit nila.

"Good morning sir, miss." Maligayang bati ng receptionist sa kanila, pag lapit na pag lapit pa lang.

"Room for two please." Request ni ruru na ikinagulat ng dalaga.

"Bakit isang kwarto lang?"

"We're a couple na, diba.?" Simpleng sagot nito but more like paalala, then kinuha yung susi at sabay silang pumunta sa bago nilang kwarto.

Once na makapasok ang dalawa si kylie halos malaglag ang panga sa gulat sa kwarto.

Napaka refreshing kasi sa mata ng ayos nito. Queen size bed, bamboo chair, narra table, tv with video player, fixed closet na feeling nya kasya ang buong aparador nya sa loob. Not to mention ang mga paintings na naka sabit sa wall.

But what really got her attention is the huge sliding glass door. Hinatak nya ang kurtinang tumatakip dito at binuksan nya pag apak na pag apak nya sa balcony agad syang hinaplos ng malakas na hangin at sinalubong ng magandang view sa labas. Mula kasi sa balconing yun tanaw mo na ang dagat.

Napangiti sya sa sobrang ganda nito.

Samantalang si ruru naman na naiwan sa kwarto hindi mapigilang di mapangiti dahil sa tuwang nakikita nya sa mukha ng nobya nya. Binaba nya ang bag pack na bitbit nya sabay lumapit sa balcony papunta sa minamahal nya.

A fruit of love (KyRu/Ybramihan)Where stories live. Discover now