Sakit bes

552 29 17
                                    

Wala na sigurong ibang makaka pag patahan sa puso ng taong sawi noh?

Warak, basag, wasak!

Yan ang status ng heart ni Kylie today. Halos lahat ata ng happy and uplifting songs napakingan nya na, pero parang gripong bukas at walang patayan ang mga mata nya sa kaluluha mag damag, wala syang magawa kundi mag mukmok at mag kulong sa kwarto nya. Ayaw nyang lumabas ni kumain, ayaw nya kasing makita ang tita nya.

Knock Knock Knock....

"Kylie, kylie open the door." Speaking of which, tita nya kumakatok na. "I said open the damn door! don't make do it..." Kung makakatok kala mo dragon.

Pinilit bumangon ni kylie sa bed nya at agad pinunasan ang mga luha, nakita nya ang daming kalat sa sahig kalokang drama.

"What?" Tanong nya nang mabuksan nya ang pintuan, ajar. Tinignan sya ng tita nya at alam ng matanda na mag damag toh umiyak, dahil bakas sa mukha.

"Hindi ka daw kumain since last night?"

"Diet po ako." Matipid na sagot ng pamangkin habang nakadungaw ang ulo sa pintuan. Tumaas ang isang kilay ng tita nya habang tinitignan sya. "But later I'll have my lunch po."

"Ganun ba, good. Mauna nako may meeting pako with someone." Mataray na sabi ng matanda sabay alis sa pintuan ni Kylie, pag kasara na pagkasara ng pinto nya sumandal sya sa may pintuan at doon dumausdos sya pababa while crying.

Nag walling ba ako? Tanong nya sa self nya. Oo walling na nga yung ginawa nya pero anong magagawa nya nasasaktan talaga sya eh, alam nya kasi the moment na umalis yung tita nya  dun na mag tatapos ang chapter part nya with Anton Ronald her crush.

Di ko na toh kinakaya,... Sabi nya sabay tayo sa pintuan, nag madali syang kumuha ng over size shirt sabay suot.

Sa gitna ng mga tanong ng maids nila binalewala nya ito nag kunwaring may takip ang tenga nya katulad ng pag takip nya sa mga namamaga nyang mata ng cat's eye shades, dire-diresto syang nag lakad papuntang garahe at sumakay sa Hyundai car nya .

---

"....oo mahal din kita......hihihi." Kilig na sabi ni han sa telepono nya habang nakikinig sa radio sa may sala nya. Nang may biglang kumatok. "......sige na sige na tawag na lang ako ulit mamaya...bye" Binaba nya ang telepono nya at lumakad na para buksan ang pinto.

"Sandali lang!" Sigaw nya pabalik dahil ang lakas kumatok ng tao sa likod ng pinto. "Sino ba tong bakulaw na t-" natigil sya sa pag sasalita nang mabuksan nya ang door nya at yakapin sya ng tao.

Ang higpit ng yakap ni Kylie kay han at niyakap naman sya pabalik, hinahagot pa nito ang likod nya hindi sya makapag salita dahil naluha na sya.

"Bakit? Ah? Anong nangyari ba?" Tanong ni han pero wala syang nakuhang sagot, hindi man magsalita ramdam nya parin na may problema itong bestfriend nya para umiyak ng ganon. Hindi nya na pinilit pa kaya hinatak nya na ito sa loob ng bahay nya para dun na ituloy ang drama at para malaman ang naganap.

/////

"Eh gago pala yun eh, hayop na yun pa-fall masyado kala mo kung sinong gwapo." Nang gigil na sabi ni han nalaman nya kasi ang buong kwento at ang buong usapan ng date nila kylie at anton.  Inabot nya ang tubig sa patuloy na umiiyak na si kylie. "Ano resbakan na natin ano? Lumpuhin na natin. Putulan pa para hindi na dumami ang dna nyang pa-fall. Ano??" Umiling si kylie at lalo lang lumakas hagulgol nito sa pag-iyak.

"Akala ko kasi talaga the feeling is mutual na, pero hindi pa pala......ahhhh" iyak nanaman tong si Kylie.

"Hayaan mo na at least hindi ka umoo sa favor nyang pa fall na yan." Mataray effect pang sabi ng bakla pero hindi sumagot si Kylie kaya ikana-kunot ng noo nya. "Hindi ka pumayag diba?"

A fruit of love (KyRu/Ybramihan)Where stories live. Discover now