Prologue :

1.4K 38 8
                                    

Nasa mall parin sina Kylie at ruru kumain sila sa McDonald's dahil request ni rafa.

"Hihihi....Ang sawap ng food, wafa happy na..." Tuwang tuwang sabi ng bata habang iwinawagayway ang hawak nyang burger.

"Rafa, stop playing with your meal." Saway ni Kylie sa anak at agad naman nag sorry ang bata sabay umayos na ng kain.

Tahimik naman na naka tingin si ruru sa bata cute na cute dahil naka highchair ito at katulad kanina makalat parin kumain.

"Nak ang dirty na ng shirt mo, lika nga punasan ka ni daddy." Ika ni ruru sabay lapit dito, opposite kasi sila ng pwesto ng anak nya kaya napapa-gitnaan nila si kylie.

Napatingin naman ang nanay sa mag-ama nya di nya maiwasang mapangiti habang pinapanuod na inaasikaso ni ruru si rafa.

Masaya sya kasi ang tagal nang nangungulila ng anak nya sa ama nito kaya ng makita nya si ruru hindi sya nag dalawang isip na sabihin ito.

"Daddy gusto ko play dun.." Turo ng bata sa playplace.

Tumingin si ruru kay Kylie na parang nagtatanong ng 'pwede ba?' Tumango naman ang nanay para pag bigyan ang kagustuhan ng anak.

"What are you waiting for, go and play na." Wika ni ruru habang inaalis ang anak sa highchair at nang makababa tumakbo ito papunta sa playplace.


Nang maka-alis ang bata naging tahimik ang dalawang magulang. Actually simula pa kaninang nagkita sila tahimik, para tuloy nag sisi silang payagan ang anak nilang mag laro ah, dahil naiwan silang mag-isa sa kani-kanilang silya.


AWKWARD!!! 😂


Napa kamot ulo si ruru dahil iniisip nya kung anong sasabihin nya kay Kylie o anong approach ang gagawin nya dito, tahimik din kasi ito eh. Nako cross legs at panay ang tingin sa paligid na para bang ilang din sa katabi nya.


Jahe talaga para sakinilang dalawa ang moment na toh.

"Ahmm.." Parehas nilang sabi na ikinagulat nila.

"Maysasabihin ka?" In chorused uli sila.



"Di' sige mauna kana..." Wow...synch na synch sila at parang nababasa nila ang sasabihin ng isat-isa.



"No no no...mauna ka na ." Offer ni kylie kay ruru nahihiya kasi ito.

"Hindi, sige you go ahead...mas importante ata yang sayo." Pagpaparaya ni ruru.


Natanga si Kylie dun, sa isip nito 'ano nga ba ang sasabihin nya?'

'Kamusta ka naman?'

'How's your life?'

Or ang pinaka epic na tanong...

'Bakit ka nag balik?'


Ay ewan! Masyadong magulo ang utak ni kylie at ayaw nyang malagay sya sa mga alanganin na usapan kaya naman...


"Fries..."


"I'm sorry?" Pagtataka ni ruru na medyo lumapit pa ng kaunti kay kylie para maunawaan ang sabi. Mahina kasi ang pagbanggit nya eh..


"Fries. Tatanong ko lang sana kung gusto mo ng fries, o-order pa ko naubos na kasi ni rafa yung akin.." Paglilinaw ni kylie. Whoo! Buti na lang witty sya at agad naka-isip ng alibi.


"A-ahm..sige if you insist.." At tumayo na nga si kylie pa exit sa awkward area na pinanggalingan nya.

Ayaw nya na talaga, dahil busog na sya at higit sa lahat hindi sya pala fries gawa ng mamantika ito pero ano pa nga ba?  Nandito na sya eh.


A fruit of love (KyRu/Ybramihan)Where stories live. Discover now