Comfort

105 7 2
                                    


Malalim na ang gabi nang matapos ang shift ni kylie dito sa coffee shop na pinag tatrabuhan nya, panay ang tingin nya sa wristwatch nya at sa phone nag aantay ng call or notification man lang pero wala padin.

"Ano dadating ba yang sundo mo o ano?" Sambit ng manager nya, kanina pa kasi nag hihintay ang dalaga sa may table number one kung saan malapit sa pinto.

Halatang may inaantay.. 😜

"Manager-nam talaga oh. Napansin na naman ako."

"Kanina ka pa kasi dyan. di ka ba nababagot?"

Ang totoo kanina pa sya bored kakaantay sa jowa nya pero ano panga ba? Willing talaga mag antay itong lola nyo. 😝

"Hindi. Nandyan pa naman kasi kayo eh." Sagot nya with a smile. Trying to hide her boredom.

"Ok sabi mo eh." Sagot ng isa nya pang katrabaho sabay balik sa trabaho ito.

Talagang mag hihintay ito si Kylie nangako kasi si ruru na susunduin sya nito tulad ng lagi nyang ginagawa pero may oras na syang nag aantay kaya medyo worried nadin itong si girl. Kaya sinubukan nya itong tawagan pero hindi nito sinasagot hula nya baka na busy lang siguro.

Sya na siguro yan. Sabi ng isip nya ng gumalaw ang pintuan ng shop at napatayo pa sya sa excite at panay ang ngiti.

Nawala ang malaking ngiti ni kylie sa mukha ng biglang iniluwa ng pinto ang isang babaeng kilala nya.

Animu'y nag ka usok ng itim ang buong shop dahil sa pagpasok nitong babae.

"Ahh..ma'am. Close na po kami baka pwe-"

"Alam ko, nabasa ko ang sign. Tsaka 'di naman ako bibili eh may sinadya lang talaga ako dito." Sabat ng babae kaya napatigil ng salita si manager-nam. Ang taray kasi ng approach nitong gurang.

Tama. ang tita nya nga.

"Tita. Ano po ang ginagawa nyo dito?" Di sya sinagot nitoh bagkos lumakad lang ito back in forth na tila bang ini-inspect ang buong shop nila.

"So, dito ka pala nag tatrabaho. Sa chipipay na coffee shop natoh." Sabi nitong si clara, pinapakita na nandidiri sya sa shop.

"Tita please wag kang mag scandalo dito. Wala naman silang ginagawang masama eh." Pumihit ang ulo ni clara sa direction ng dalaga at dahandahang lumapit habang may fake na smile sa mukha.

"Oo sila walang ginawa pero ikaw meron!"

"What did I do?" Tanong nya, na may pagtataka dahil hindi alam ang tinutukoy ng bruha.

"Hindi mo maalala? Here let me help you."

Sinundan ng mga mata ni kylie ang tita nya nakita nyang kinuha nito ang plastic cup ng coffee sa kabilang lamesa at hindi nya inexpect ang sumunod na nangyari.

"Yan baka naman may naalala ka na ngayon?"Sambit nitoh habang nakatingin sa dalaga na basang-basa ng kape ang buong mukha.

Yah, you guessed it right. Binuhos nga ng bruha yung kapeng hawak nya dito kay kylie.

"Ang alin ba? Ano ba ang nagawa ko?" Kylie asked completely baffled.

Tumawa ng nakakainis ang bruha sabay tingin ulit dito.

"Ikaw ang galing din ng kalandian mo noh? Huli ka na nga, maang-maangan ka pa." Bulyaw ng tita nya sakanya. "May arte-arte ka pang layaslayas dyan tapos may plano ka pala..."

Planong alin. Pagtataka nitong dalaga.

"...Kala mo ba diko alam na hinaharot mo ang boyfriend ko ah? May payakap-yakap ka pa." Hindi talaga maintindihan ni kylie ang ganap nitong bruhang tsahin nya kung ano-ano kasi ang sinasabi pero nung maisip nya bigla nalang nag 'click' sakanya yung incident sa mall nung isang araw.

A fruit of love (KyRu/Ybramihan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon