First heartbreak

869 32 20
                                    

"Ahhhhh!!!!" Naririnig sa buong bahay ang sigaw ng babae at walang anu-anoy agad tumakbo paakyat ang concern na kaibigan at pumunta ng kwarto para i-check kung ano ang nangyari.

"Bakla ano nangyari sayo? ano o-" natahimik ang bading na kaibigan ng makita nya itong nasa kama nakaupo at hawak ang celphone.

"Bhe nag reply sya! nag reply sya..." Masayang sagot ng babae at halos magtata-talon ito sa kama na para bang bata.

"Walanjo ka talaga kylie kala ko naman napano ka na. Sino ba yan?"

"Si anton nga."

"O, ano sabi daw?" Tanong ng bading, curious kasi alam nyang matagal ng umaasa itong si kylie sa anton na yun.

"Tinanong ko kasi kung kumain na sya, alam mo ba ang sagot nya?" Kwento ni Kylie na may pa-suspense pa sa dulo. Syempre lumapit naman ito para pakinggan ang kwento ng kaibigan excited at hinawakan nya pa ang kamay ni kylie sa sobrang excite. "Sabi nya, oo daw nakakain na daw sya. Ahhhh!" Muling tumili si kylie at inaalog-alog pa ang bakla nyang friend sa braso. Narindi naman ito kaya kinonnyatan nya si Kylie.

"Aray sakit non ah..." Naka pout na sabi ni kylie.

"Ikaw nga dyan ang nakakasit eh, umoo lang yung tao, mamatay-matay ka na sa kilig." Sagot naman ng kaibigan dahil kung kiligin itong si kylie halos makapatay na.

"Ah basta ang importante nag reply sya at nalaman kong nag breakfast na sya." Masayang tugon ni kylie na patuloy naka tingin sa reply ni anton.

"Sya nakapag-breakfast na pero ikaw di pa, nako mamatay ka nyan teh. Tama na nga yan at bumaba ka na kakain na."

"Oo sige sige sige, susunod ako just give me a minute." Ika ni kylie na hindi nilulubayan ng ngiti sa mukha habang pinag mamasdan nya ang nag iisang text ni anton sa phone nya.

Sya si Kylie Agoncilio average girl, college student at iyan pumapag-ibig na.  Sa bagay wala na namang sama dahil pa graduate na sya this year sa kinuha nyang fine arts, at bente na sya kaya sa isip nya pwede na syang lumablayp.

Oo twenty na sya pero hindi pa sya nakakapag boyfriend, at syempre 'never been touch never been kiss' ang lola nyo.

Kaya nung makilala nya si anton na ka batch nya hiningi nya agad ang number nito at syempre hindi binigay ni guy hanggang sa yayain nya ito sa bahay nya.

Oh teka lang mali ang ini-isip nyo ah.

Niyaya nya si anton para gawin ang thesis nila together, nikilala pa nga nito ang tita nya eh at nag batian at kamayan pa. Nung una si kylie lang ang nag yaya pero di nag tagal araw-araw ng nasa bahay nila nagtataka nga sya bakit laging tinatanong ang tita nya eh pero ipinag kibit balikat nya lang lahat iyon lalo na nung ibigay ni anton ang cell number nya.

And syempre kilig ang lola nyo bess 😂

Yes the feeling is mutual! Sigaw ng nag-aalab nyang damdamin.

"Di ka ba uuwi sa inyo?" Tanong ng kaibigan.

"Why are you kicking me out?" Seryosong balik tanong ni kylie.

"Anong klaseng tanong yan, hindi syempre. Sinasabi ko lang baka hanapin ka ng tita mo." Pag klaro nito, tatlong araw na kasi naka stay dito si Kylie sa house ng friend nya at parang walang balak umuwi.

"Never naman ako hinanap non, busy lang yun sa work at lalaki nya."

"Alam mo buti payang tsahin mo noh, di nauubusan ng lalaki pakitanong nga sino supplier nya at ng maabangan sa kanto." Natawa si kylie dun sabay tayo naman ang friend nya para kunin ang ice cream sa ref.

A fruit of love (KyRu/Ybramihan)Onde histórias criam vida. Descubra agora