Untitled part

138 7 2
                                    



Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang two-story house, maaraw at tamang-tama lang ang init nito sa panahon o at least para sa taong nasa loob ng sasakyan.

Hinawakan nya ang leathery handle ng pintuan ng Hyundai accent sabay bukas at hinyaang pumasok ang fresh air sa loob ng air-condition na sasakyan. Dahan-dahan syang bumaba kasabay ng mga gamit nya.

Tumayo sya ng tuwid at huminga ng malalim kasabay ng pag tanggal nya ng suot nyang cat's-eye-sunglasses sabay sigaw ng. "Manila I'm back!" Kuma-kaway pa ang mga kamay nya sa ere ng biglang..

"Sir, bayad nyo ho." Umirap ang pasahero dahil na-istorbo ang moment nya sabay tingin sa likuran nya kung nasaan nakadungaw ang ulo ng driver.

"Sir talaga ako eh noh? Putok na putok ang make-up ko dito tapos sir lang tawag mo sakin. May pangalan ako, Han ang name ko."

"Hindi ko ho kailangan malaman ang pangalan nyo, ang akin laang ho kako eh, yung bayad nyo..." Inis man kinuha nya ang velvet purse nya, binuksan at kumuha pera nya.

"Alam nyo manong medyo bastos kayo as a driver. Ganito ba kayo lagi sa mga pasahero nyo?" Tanong ni nito ni Han habang inaabot ang bayad nya.

Ngumit ang driver ng nakakairita para kay han sabay sagot ng. "Hindi sayo lang ho."

"Aba, bastos tong hinayupak nato ah..hoy!" Bwiset na sigaw ng bakla sa taxi driver jojombagin nya pa daw sana kaso naka-alis na. "Sira ulo yung mamang yun ah, kung maka 'ho' kala mo bata eh mas, mukha namang matanda sakin....che!"

Pinulot nya ang bag nyang nahulog sa sahig dahil sa pag-attempt nyang gantihan ang bastos na driver, tapos hinatak ang dalawa
nya pang maleta papasok sa loob ng bahay nyang na-miss nya talaga.

Ang ganda ng araw nya ng umalis sya pero pag uwi nya sira naman ang araw nya. 'Imbyerna' daw talaga yung mamang driver na yun. Kung hindi lang nga daw talaga sira yung sasakyan nya 'di sya sasakay sa taxi na yun dahil una palang mabigat na ang loob nya sa mama. Bwiset sya talaga.😜

Ni-locked nya na ang gate nya at umakyat sa taas para makapag-palit ng damit pagkatapos non naghanda na sya para kumain pero natigilan sya ng maisip nya ang taong namimiss nya na talaga.

Halos isang bwan din syang nawala, at alam nyang maraming ganap ang namiss nya sa bestfriend nya kaya naman niligpit nya muna ang cake na nakahain sa mesa nya at dumeretso muna sya sa condo ng bestfriend nya.

.
.
.
.
.
.
.

.
.
.

Pag dating nya sa unit ng kaibigan nya kakatok sana pero bago pa man dumampi ang kamao ni Han sa pintuan ay bigla ng bumukas ang pintuan.

Nagulat sya hindi dahil sa bumukas unexpected yung door, kundi dahil sa aura ng bestfriend nya.

"Han! Omg yes, dumating kana." Pagbati ni kylie dito kay sa bakla pero she seemed distracted. "Dala mo ba yung car mo ngayon?"

Hindi sumagot itong si han dahil tinitignan nya ang kaibigan nya mula ulo hanggang paa, nag tataka sya dahil ilang linggo lang sya nawala naging ganito na ito. Mula sa tangled hair, pambahay na sando at pajama pants, and not to mention yung different pair pa ng slippers yung suot nito sa paa. Pupunahin nya sana pero hinawakan sya nito sa mag kabilang braso at inalog-alog.

"Huy bhe, sabi ko kung yun- never mind basta sumunod ka na lang sakin bilisan mo..." Pag mamadali ni kylie at lumakad na pababa ng condo naiwan si han na nakatayo at confused.

"I miss you...too?" Muttered ni han na nakakunot noo. Nag tataka man sumunod padin sya sa aligaga nyang friend.

*********

A fruit of love (KyRu/Ybramihan)Where stories live. Discover now