The Loner's life and the accident

406 35 13
                                    

Tahimik syang nagvi-video game sa kwarto nya ng biglang may kumatok.

"Pasok!"

"Ruru, may tawag kayo."

"It can wait, made-dead ako pag iniwan ko toh." Sagot nya sa yaya nya hindi alintala kung sino ang nasa phone.

"Pero mama nyo ang nasa line importante daw." Inform ng yaya sumimangot si ruru sabay hiningi nya yung phone.

"Yes ma....but I don't want to, happy na ko sa bahay and school lang. Ok I'll try." Sagot nya sa mama nya, pinipilit kasi sya nito lumabas-labas naman. Lagi kasing nag kukwento ang yaya ni ruru sa mama nya na naka tengga lang sya sa bahay.

Lumalabas naman talaga sya pag nag school nga lang, maliban dun wala na syang ibang pinupuntahan boring daw kasi sa labas wala namang nagagawa.

Meet Rudolfo Balbuena, ruru for short. Well mga close lang sakanya ang tumatawag non.

Only child lang sya kaya siguro loner talaga ang peg, pero lagi rin syang napapa-isip pano kaya kung makipag hang out sya for today.

Nah busy ako, gusto nya lang ako tumigil sa paglalaro ko.. Sabi ng isip ni ruru, kasi all along kj ang bansag nya sa mama di nya lang pinaririnig dito.

Next morning........

"Babe sunduin mo ko bukas ah...." Flirtatiousling sabi ng babae sa may passenger seat ni ruru sabay kiss sakanya, tumango na lang sya at pinababa na ang babae.

Siguro nag tataka kayo noh... Well eto lang naman ang side ni ruru na di alam ng parents nya, oo pwede mo na syang tawagin na babaero pero anong maggawa natin binata at walang magawa eh, ang mga friends nya babae at madalas imbitahan sa kwarto para...

Ehemmm alam nyo na yun.

"Anong sunduin neknek nya...."
Sabi nya nang makababa  ang babae nya sa sasakyan. Hindi kasi gawain ni ruru na maghatid sundo ng tao, yup he's not the gentleman type of person sya kasi yung tao na mas pipiliin na lang nya na maging mag-isa ayaw na ayaw nyang ma-attach sa mga tao.

Takot sya kasing masaktan.

*

Dumeretso sya sa coffee shop kung saan suki na sya wala rin naman sya kasing gagawin sa bahay kaya dito na sya tatambay.

"Same." Sabi nya sa barista dahil lahat ng nagwo-work doon alam na ang lagi nyang ino-order, pagkatapos non naupo na sya sa perfect spot nya at doon sya nag laro ng favorite app nya sa tablet.

Nang maserve na sakanya ang order nya biglang tumunog ang phone nya kaya agad nya itong sinagot.

"Yes?" Sagot nya habang ngumunguya at patuloy sa pag pindot sa tablet nya.

"Rudolfo Rumualdo Balbuena Jr." Napatigil sa pag nguya si ruru dahil tatay nya ang tumawag at tinawag sya using his full name kaya alam nyang mainit ang ulo nito.

"Yes dad.."

"I've heard bumababa daw ang grades mo, Was that true?" Nag yes sya sa dad nya confidently, proud nya pa talagang kwinento dito ang mga ginagawa nyang kalokohan sa eskwela at mga pag absent nya.

"Well too bad for you I'm your son." Maangas nyang sagot sa dad nya sabay baba ng telepono, napapangiti nalang sya sa mga banta sakanya ng dad nya sanay na kasi eh, at isa talaga toh sa mga plano nya na ibagsak ang grado nya para ilipat na sya ng school. 

Sa totoo lang gusto nya ng bumalik sa Singapore, kung saan nandon ang mga tunay nyang kaibigan at mga kamag-anak na close nya kundi lang naman dahil sa isang business nila dito sa pinas di sila maninirahan dito.

A fruit of love (KyRu/Ybramihan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon