#10

2 0 0
                                    

Dumaan kami ng Skyranch at naisipang pumasok at sumakay sa mga rides. Lahat ng gastos ay libre niya. Ni piso ayaw niya akong paggastusin.

Habang nakapila siya para bumili ng ticket, pumunta ako sa bilihan ng ice cream para sa aming dalawa. Kahit ito lang ambag ko sana ma-appreciate niya.

"Maceee!" Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kanya.

"Ano 'to?" Tanong niya. Luh bulag ka ghorl.

"Ice cream ano pa ba? Dali baka matunaw" kinuha niya din at tinikman.

"Hindi ako fan ng vanilla pero salamat" sabi niya habang patuloy sa pagkain ng ice cream.

Mga inday T-T ang kalat niya kumain. Lapot na lapot na yung paligid ng bibig niya. Inabutan ko siya ng tissue.

"Hindi ako naiihi" sabi naman niya.

"Huh? Tanga punasan mo bibig mo, mukha ka diyan bungisngis." Sabi ko naman. Inilapit nanaman niya yung magara niyang mukha sa akin.

"Punasan mo." Napahakbang ako sa likod dahil umiinit nanaman ang paligid kahit napakalamig dito ngayon.

"Tse!" Pinunasan ko naman yung bibig niyang madungis.

"Tara dun tayo sa ferris wheel. Alam mo ba ito yumg pinaka malaking ferris wheel sa Pilipinas?" Chika niya habang sinusundan ko lang siya. Masaya kaya siya? O masiyado akong boring?

"Hala ang taas. Baka magsuka ako!" Reklamo ko.

"Hindi yan. Gagawin kong lugaw suka mo kung sakali para hindi sayang. Tara na" hinila niya na ako papasok. Jusko mga teh wala pa kami sa tuktok pero nalulula na ako. Hinawakan niya kamay ko. Biglang uminit yung nanginginig kong katawan.

"'Wag ka mag-alala. Isipin mo nalang na lumilipad tayo." Umupo siya patalikod para kitang kita niya ang view.

Sobrang laki ng tiwala ko sa kanya. Kung ano ang mangyari, edi mangyari. Basta ang mahalaga, kasama ko siya. Ginaya ko yung upo niya para parehas kami ng view na tinitingnan.

Ang daldal ngayon ni Mace kumpara nung nasa resto niya lang kami. Sana ma stuck itong sinasakyan namin sa tuktok para hindi agad matapos itong moment na ito.

"Ang ganda talaga sa Tagaytay" sabi niya. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Feel na feel ko talaga itong moment na ito dahil ngayon ko lang naramdaman ang ganitong bagay.

"Don't worry, I won't leave you." Hinalikan niya ako sa noo na ikinatuwa ng puso ko. Yung mga uod-- paru-paro sa tiyan ko sobrang tulin sa pagkumpas ng kanilang mga pakpak. Niyakap ko ang braso niya at nawala nang tuluyan ang malamig na temperatura sa tuktok ng ferris wheel na ito.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. Kilig na kilig na ako T-T parang gusto kumawala ng puso ko sa sobrang kaba at kilig. Nararamdaman ko din yung malamig kong pawis.

"Tara picture tayo Mace!" Nilabas ko ang phone ko at ngumiti naman siya sa camera. Sobrang pure ng mga ngiti niya gusto kong umiyak.

Pagkababa namin ng ferris wheel, naglakad lakad muna kami at kinuhanan niya ako ng mga litrato. May mga picture din kaming magkasama. Kabog na kabog namin yung mga magjowa dito ngayon.

Mga alas kuwatro ay nagsabi na ako sa kanya na dapat na kaming bumyahe pauwi dahil lagot ako sa mga magulang ko kung uuwi ako gabing gabi na.

"Nag-enjoy ka ba?" Tanong niya nang makasakay na kami ng bus.

"Sobra. Lalo naging special itong araw na ito dahil sa'yo. Hinding hindi ko malilimutan itong moment na 'to. Baka nga gumawa pa ako ng scrap book eh hahaha" masaya kong sabi. Nagtitingin din kasi ako ng mga picture namin kanina.

"Gusto kita, Chloe. Uhm- sorry biglaan pero gusto talaga kita. H-hindi mo naman kailangan na gustuhin din ako. Masiyado malaki ang agwat ng edad natin." Sabi niya habang nakatitig sa akin. Nararamdaman ko din yung katawan niya na nanginginig.

"Ako? Bakit?"

"Because its you. Sa'yo ko lang naranasan maging masaya ulit. Before, my life is just chaos. But when I met you,  yung chaos na yun napuno ng mga bulaklak, liwanag at kulay. I don't have to explain further" nakangiti niyang sabi. Sa oras na 'to, gusto kong umiyak dahil sa saya.

"You know what, I thought you don't like me dahil sa attitude and behavior ko. Feel ko kasi ang OA ko eh haha. Kaya pala hindi ako nagkakagusto sa mga lalaki sa school na pinapasukan ko, dahil ni isa walang babagay sa akin. I never thought na mutual tayo ng nararamdaman. I like you too, Mace" niyakap ko siya at binaon ang mukha ko sa dibdib niya. Sobrang komportable ko sa kanya.

"If ever na maging tayo, mapapagkamalan akong kapatid or tito mo hahaha. Sa edad kong 'to dapat may sarili na akong pamilya." Sabi niya. Nakaakbay lang siya sa akin at hindi nawawala ang ngiti sa mukha niya.

"Wala akong pake kung ano isipin nila. It's not about them, it's about us. As long as masaya at kuntento tayo sa isa't isa, walang sino man ang makakapaghiwalay sa ating dalawa." Tumingin siya sa akin at muli akong hinalikan sa noo. Hinihintay kong halikan niya ako sa labi. Charot lang po huhu.

"17 ka palang Chloe, I shouldn't take advantage on you. It's crazy. I went on a date with a seventeen year old girl."

"So what kung 17 palang ako? Tatanda din naman ako eh. Saka kaya mo naman maghintay diba?" Tanong ko sa kanya. Ginulo niya ang buhok ko.

"Of course. Habang buhay kaya kong maghintay."

Hinatid niya ako sa amin at nagpaalam na kami sa isa't isa. Hinintay ko siya makalayo bago pumasok ng bahay.

Sumalubong sa akin ang galit na galit na mama ko at si papa ay nakaupo lang sa sofa at nakabusangot.

"Nakipag date ka ba Chloe?" Seryosong tanong sa akin ni mama.

"Opo.. Sorry po.." Malungkot kong sabi.

"Sino siya? Seryoso ba siya? Baka lokohin ka lang niyan kapag hindi ka marunong tumingin ng ugali" sabi ni mama.

"Mace po ang pangalan niya. And opo seryoso siya. Kaya po niya maghintay na lumaki ako" sabi ko.

"Hmp. Ipapakilala mo ba siya sa amin?" Tanong ni papa na nakabusangot pa din.

"Gusto niyo po ba? Okay lang naman po hehe." Sagot ko at napakamot pa ng ulo.

"Pag-uusapan pa namin ng papa mo. Sige na magbihis ka na at magpahinga." Sabi ni mama. Pagtalikod ko ay napa sign of the cross talaga ako. Akala ko mapapagalitan ako ng malala.

Sa totoo lang kasi, malaki din ang agwat ng edad nila mama at papa. Hindi sila mapanghusga sa pisikal na anyo ng tao. Sa ugali talaga sila nakabase. Kaya sure na sure akong approve sa kanila si Mace.

My Dear CustomerWhere stories live. Discover now