#8

2 0 0
                                    

Gabi pa lang, nag hahanda na ako ng masusuot ko bukas. Kaso, wala akong magandang damit! Na magugustuhan niya.

Malamang kasi niyan, tipo nun mga girly girly tas girlfriend material. Ay tama! Manghihiram ako kay mama.

"Ma.." Kumatok ako sa kwarto nila ni papa.

"Pasok" sigaw ni papa. Nanonood lang sila ng palabas.

"Ma may damit ka ba diyan? Dress sana" tanong ko. Napakunot ang noo ni mama. Malamang nagtataka kung ano gagawin ko sa dress.

"Bakit? May date ka?" Sabi ni mama. Napakamot ako ng ulo. Dahil hindi ko naman talaga alam kung date ba ang gagawin namin bukas.

"H-huh??"

"Ano naman kung makikipag-date ang anak mo? Hayaan mo alam ni Chloe ang ginagawa niya" pagligtas sa akin ni papa. Kahit kelan talaga si papa na ang hero ko!

"Anong hayaan. Hinde! Bata bata pa ng anak natin eh. Ano gagawin mo sa dress? Saan ka pupunta?" Sunod sunod na tanong ni mama.

"May lakad lang po ako bukas kasama yung kaibigan ko. Nakakahiya naman po kasi lagi nalang T-shirt at pantalon ang suot ko.." Nag puppy eyes pa ako para mapapayag si mama.

"Oh sige tingin ka diyan sa cabinet ng mama mo" sabi ni papa. Tinapik siya ni mama HAHAHA

"Hinde!" Sigaw ni mama. Nagulat si papa kay mama. LT talaga mukha ni papa kapag nagugulat eh.

"Hon, dali na hon.. Ngayon lang naman daw yan eh." Nilambing nang nilambing ni papa si mama. Kita kong nagbublush si mama! HAHAHA buset talaga 'tong mga gurang na 'to.

"Sige na sige na tama na. Isa lang dress ko dito. At yun yung sinuot ko nung unang date namin ng papa mo matapos ko siyang sagutin." Ngumiti si mama. Tila bang bigla siya bumalik sa panahon na naging sila ni papa.

Madami kasi silang pinagdaanan bago maging sila. Kaya ganoon nila kamahal ang isa't isa.

Inabot na sa akin ni mama ang itim na dress. Ang gandaaa!! Bagay na bagay 'to kay mama nung kabataan niya. Perfect na perfect. Sana sa akin maganda tingnan!

Sinuot ko na yung dress at pinakita ko kila mama. Naluha luha pa si papa.

"Kuhang kuha mo ang mama mo.." Sabi ni papa habang pinupunasan ang luha niya.

"Siyempre anak natin 'yan eh. Siguraduhin mo lang na hindi date 'yang pupuntahan mo ah" sabi naman ni mama. Magkayakap sila nung lumabas ako ng kwarto nila.

Nagtata-talon ako sa sobrang saya.

Sa sobrang excited ko, nakalimutan kong tapusin ang mga naiwan kong gawain sa school. Kaya wala akong choice kundi tapusin ito ngayong gabi para ma-send ko na sa mga kagrupo ko.

Ala-una na din ata 'non nung matapos ko ang research paper namin. Grabee! Kapagod talagaaa! Pero worth it talaga 'to dahil sa date namin bukas ni Mace!

Date nga ba talaga 'to?

Alas-siyete ng umaga ako gumising at naghanda para maaga ako makapunta kay Mace at madami kaming magawa sa araw na 'to.

Nagpaalam na ako sa magulang ko at hinatid nila ako sa labas ng bahay namin. Nagulat ako nang kamayan ako ni papa at may naramdaman akong papel. Kumindat si papa at alam ko na ang ibig sabihin 'non. Humalik na ako sa kanila at saka tumungo sa sakayan ng tricycle.

Binilisan ko ang lakad ko nang makarating na ako sa kanto papasok sa lugar nila Mace. As usual, puro matatanda ang mga nasa paligid na nagwawalis-walis at mga batang payak na naglalaro sa kalsada.

Nang matanaw ko ang resto ni Mace, nakita ko na agad siya. Ang gwapo niya kahit sobrang layo niya sa akin! Mamamatay na ata ako! Siya ata ang dahilan ng pagkamatay ko! Aahhkk!

Habang naglalakad ako papalapit sa kanya, mas natatanaw ko ang napaka gwapo niyang mukha. Ang suot niya lang ay polo at pants. Pero napaka perfect sa kanya. Hindi niya kailangan magsuot ng magara para maging gwapo.

"You're late." Malamig niyang sabi. Nakakunot nanaman ang noo niya.

"Hala ang aga aga pa ah 9 palang naman ah?"

"8 palang ready na ako. Ang tagal mo dumating. Saan ba tayo pupunta? Kahit saan ako 'wag lang sa bayan." Sabi niya.

"Bakit 'wag sa bayan?" Tanong ko. May iniiwasan kaya siya doon?

"Basta ayaw ko lang doon." Tumayo na siya at tumalikod sa akin. "Tara." Sinusundan ko lang siya sa paglalakad. Nasa bulsa niya ang mga kamay niya.

Sobrang tahimik namin.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya at humabol sa paglalakad. Ang bilis niya maglakad eh.

"Basta doon lang ang lugar na alam ko." Sagot niya. Gusto kong kumapit sa braso niya pero napaka assumera ko naman kung ganon diba? HAHA lantod ka?

Sumakay kami ng jeep at tumungo sa bus station. Teka- bus station?!

"Hoy Mace! Saan tayo pupunta? Bakit nasa bus station tayo?" Sunod sunod kong tanong. Patuloy lang siya sa paglalakad patungo ng bilihan ng ticket.

Hindi niya ako pinapansin.

"Dalawa sa Tagaytay." Sabi niya sa kahera at agad siyang binigyan nito ng ticket.

"Mace!" Hinila ko ang braso niya at hinarap siya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko.

"Trust me."

Wtf? Ano 'tong nararamdaman ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Uminit din bigla ang katawan ko.

Para bang gusto ko lang kumapit sa kanya at magpatangay kung saan man niya ako gusto dalhin.

"Hoy. Kanina ka pa tulala" bigla akong nagising at sinampal ng katotohanan. Nasa loob na kami ng bus ngayon.

"Hoy Mace bakit sa Tagaytay? Ang layo nun ah! Baka mapatay ako nila mama!" Sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin.

"Ano bang sabi ko sa'yo? Magtiwala ka lang sa akin." Sabi niya.

"Ako nagyaya sa'yo lumabas kaya dapat ako masusunod!" Pagpupumilit ko sa kanya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Hindi ako makahinga sa sobrang lapit. Shuta! Todo na 'to!

"Oh sige. Anong magagawa mo ngayon?" Napa-ismid siya at saka inilayo na ang mukha niya sa akin.

Wala akong magawa kundi manahimim nalang at mag-alala sa mga iisipin ng mga magulang ko.

Pinagkatiwalaan pa naman nila ako lalo na si papa na binigyan pa ako ng extra allowance.

Sorry ma, pa!

•••

Sauce of the photo above:

BACCANO!

My Dear CustomerWhere stories live. Discover now