#2

3 0 0
                                    

#2

"HUY GAGA!" Nagulantang ako nang may sumampal sa akin. Minulat ko ang mata ko at ang galit na mukha ni mama ang tumambad sa akin. Umupo ako at napakamot ng ulo. Anong nangyari?

"Punasan mo nga 'yang luha mo! Nagsisisigaw ka kanina, ano ba napaginipan mo? Nabangungot ka ba?" Tanong ni mama. Hinawakan ko ang mata ko at basa nga.

Naalala ko na. Si Mace. Panaginip lang pala.

"Mama gusto ko ng pansit." Request ko habang inaayos mag higaan ko.

"Hah? Ayaw mo ng pansit diba? Kailan mo pa nagustuhan ang pansit?" Nagtatakang tanong ng maganda kong mama pero laging galit. Pero mahal na mahal ko yan hahaha.

"Ehh wala lang. Bigla ko lang na realize na ang sarap pala ng pansit." Sagot ko. Tumingin muli siya sa akin na para bang hindi siya naniniwala.

"Mamaaaa seryoso akoooo"

"Hah, oo na oo na. Kapag itong niluto ko nasayang, hay nako." Sabi pa niya bago lumabas na ng kwarto ko.

Umupo muna ako para isulat yung napaginipan ko. Sinulat ko ang mga detalye lalo na ang pangalang 'Mace'.

Mula sa istraktura ng pinasukan kong resto, hanggang sa mga disenyo sa loob ng kainan. Pati na rin ang itsura ni Mace ay isinulat ko. Tinry ko siyang i-drawing. Medyo marunong ako magdrawing dahil ang mama ko ay magaling na artist. Habang ang papa ko naman ay isang kilalang manunulat. Sobrang ganda ng chemistry nila ni mama.

Si mama, para siyang tsundere eh. HAHAHA laging galit amp. Pabebe kunware. Pa hard to get kay papa kapag nagtatampo siya. Ang swerte ko sa pamilya ko dahil lagi silang may oras sa akin.

Yung tipong kahit busy sila or wala sa bahay, kapag sinabi kong kailangan ko ng tulong, uuwi talaga sila kahit ang gusto ko lang ay yakap nila. HAHAHA oo ganoon ako ka clingy sa kanila.

May dalawa akong kapatid. May mga trabaho na sila. Hindi na din sila dito tumutuloy dahil may kanya kanya na silang buhay. Pero hindi pa din nila kami nakakalimutan. Kapag free time nila, bumibisita sila dito.

Wala na akong iba pang mahihiling.

Nasa akin na ang lahat ng gusto ko.

Nasa akin na ang lahat ng nagpapasaya sa akin.

Kontento na ako sa ganitong buhay.

"Chloe! Nandito na ang papa mo!" Sigaw ni mama mula sa kusina. Galing si papa sa trabaho. Ang duty niya kasi ay tuwing gabi. Isa siya ngayong editor ng mga libro. Lumabas na ako ng kwarto para salubungin si papa habang pinapark yung kotse.

"Papaaa!" Humalik ako sa pisngi at niyakap siya ng mahigpit.

"Oh Chloe kamusta?" Bati niya habang tinatanggal ang coat niya. Sumalubong na din si mama sa kanya.

"Okay lang po hehe"

"Hindi siya okay" singit naman ni mama. Hay nako kahit kelan talaga si mama. Lahat ng mga sikreto ko sinasabi kay papa.

"Bakit? Ano nangyari?"

"Binangungot ang anak mo. Hindi ko alam ang gagawin kanina. Ngali ngali ko ngang buhusan ng tubig sa pag-aalala eh" sabi ni mama. Grabe, ganun ba kalala ang nangyari sa katawang lupa ko? Sa pagkakaalala ko, hindi naman ako ganun ka OA sa panaginip ko.

"Anong napaginipan mo Chloe? Naaalala mo ba?" May pag-aalala niyang tanong.

"Ah eh hindi po eh." Napakamot ako ng ulo. May kuto na ata ako galing kay Barbara. Ang kulit kasi nun eh pinagkakalat na pokpok daw ako sa gabi. Ginagawa niya ang lahat masira lang ang image ko. Inaagaw ko daw kasi yung 'prinsipe' niya. As if namang may natitipuhan ako.

"Ganoon ba? Buti nalang at nagising ka ng mama mo. Delikado yan kapag ganyan. Baka hindi ka na ulit magising sa susunod" sabi ni papa. Kinilabutan naman ako bigla.

Naalala ko yung sinabi ni Mace na huwag ko daw siya iiwan. Na huwag daw ako aalis. Doon lang daw ako sa kanya.

Paano kung nanatili ako doon?

"Waaahhh sa inyo ako tabi mamaya pagtuloggg natatakot akoooo" paawa effect ako sa mga magulang ko. Hehe

"Hay nako manahimik ka Chloe. Ngayon na nga lang yan makatulog ang papa mo ngayon dito tapos makikisiksik ka pa" malditang sabi ni mama sa akin. Tumawa ako at kumapit kay mama.

"Bakit ma? May gagawin ba kayo? Ayieeeee HAHAHAHA" masaya kong sabi sa kanya. Umiwas siya ng tingin at alam kong kinikilig si mama.

"Hahaha bayaan mo na. Sunday naman bukas, wala akong pasok" saka ni papa kinindatan si mama. Tawang tawa ako ngayon kasi si mama kunware pang nagtatampo pero naririnig ko tumatawa din. HAHAHA ang cute talaga nila tae.

11 na ng tanghali nang magising ako. Nakakapanibago nga at ganoon katagal yung napaginipan ko. Ang normal ko kasing gising ay 7 or 8.

Minessage ko ang mga kaibigan ko na mag group study kami ngayon dito sa amin. Tatlo silang tropa ko. Dalawang babae at isang lalaki na tabingi ata ayaw lang aminin pero alam kong tabingi talaga siya wahaha.

Nagreply naman agad sila at pumayag sila. Gusto ko din sa kanila ikwento kung ano iyong napaginipan ko. Dahil malamang, matutulungan nila ako at mabibigyan ng payo.

Ayaw ko sabihin sa mga magulang ko dahil mga paranoid sila. HAHAHA. Malamang ay hindi nanaman sila niyan makakatulog ng dahil sa akin. At pinaka ayaw ko ay ang hindi sila makakilos ng maayos kapag nagtatrabaho. Ayaw na ayaw kong pinag-aalala sila simula 'non.

Ang tanghalian namin ngayon ay yung nirequest ko kay mama na pansit bihon. Nang tikman ko iyon, iba ang lasa. Iba ang lasa kumpara sa niluto ni Mace.

Pero.. Bakit ko naaalala ang lasa non?

Kahit na iba ang lasa, nagpatuloy ako sa pagkain.

Sa tuwing naaalala ko si Mace, biglang nagbabago ang mood ko. Para bang nababalisa ako. May kung anong bumabagabag sa isip ko.

Paulit ulit ko ding naririnig ang mga sinabi niya. Hindi ko iyon makakalimutan. Ang mga salita niya ang parang totoo. Parang totoo yung nangyari. Parang totoong nakilala ko siya. Parang totoong nagkausap kami. At parang totoong nangangailangan siya ng tulong.

Gusto ko siya mahanap.

Gusto ko siya makita.

Gusto ko siya makausap.

Mace..

Mace, kung totoo ka man, isa lang ang maipapangako ko.

Hahanapin kita.

My Dear CustomerWhere stories live. Discover now