#4

2 0 0
                                    

#4

Hindi tumagal at nilapitan na nga kami ni Jacob. Matagal nang gusto manligaw sa akin ni Jacob pero ayaw ko pa. Wala pa sa isip ko yung mga ganoong bagay.

Madaming nagkakagusto sa kanya kaya madaming babae ang naiinis sa akin. Kahit wala naman akong pagtingin sa kanya, iniisip pa din nila na may something sa amin.

Number one hater ko si Barbara. Lagi din siya nakabuntot kay Jacob. Magtotropa kasi sila and matagal na pinopormahan ni Barbara si Jacob pero 'di niya pinapansin si Barbara.

Hindi na ako magtataka kung bakit malaki ang galit nitong si Barbara sa akin.

"Hi Chloe." Bati ni Jacob sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya kasi sa totoo lang, naiilang ako kapag kasama ko siya.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Barbara sa amin na bigla bigla sumusulpot.

"Ahh nilalakad namin aso ni Chloe. Kayo? Nilalakad niyo din ba aso niyo?" Sagot ni Nathaniel at tiningnan si Barbara mula ulo hanggang paa. Narinig kong natawa sila Kris at Asia sa likod namin.

"Wow. Sino kaya sa atin ang mas mukhang aso?" Sagot naman ni Barbara at akmang sasabunutan si Nathaniel pero agad din itong napigilan ng iba pa nilang tropa.

"Uhm Chloe can we talk?" Tanong ni Jacob sa akin. Naisipan niya atang chance niya na ito para makapag "date" kami. Lagi ko kasi siyang tinatanggihan 'pag uwian.

"No" singit ni Barbara saka nagtaray nanaman sa akin. Wala akong ibang magawa kundi ngumiti nalang sa kanya. Alam kong gustong gusto niya si Jacob kaya ganyan siya sa akin.

"Barbara please. Ngayon lang." Sabi ni Jacob na medyo nag paawa. Hindi na makakatanggi niyan si Barbara kapag gumanyan si Jacob. Hahaha

"Tsk. Fine"

"So uhmm. Can we have a moment? Please?" Tanong ni Jacob at umalis na mga tropa niya.

"Chloe?" Tumango ako at saka umalis muna saglit mga kaibigan ko.

"Bilisan mo lang at may pupuntahan pa kami." Sabi ko sa kanya.

"A-ah pwede ba tayo gumala ngayon saglit? Tayong dalawa lang? T-treat ko! Promise" nauutal utal niyang sabi. Sa totoo lang, ayaw ko talaga. Kaso naaawa ako sa kanya. Ginagawa niya talaga lahat para masuyo ako.

"Sige. Saglit lang. No need to treat me" kita ko sa mukha niya yung saya. Pinipigilan niya ngumiti pero ramdam kong masaya siya ngayon.

Habang naglalakad lakad kami, may mga ilang estudyante sa school na bumabati sa akin. Hindi ko din alam kung paano ako nakilala sa school namin. Ginagawa ko lang naman kung ano ang dapat gawin ng normal na estudyante eh.

"Gusto mo bbq?" Tanong niya sa akin. Tumango ako at tumungo kami sa nag ba-bbq. Medyo madami akong in-order kasi favorite ko din 'to. Lalo na yung isaw! Mas masarap kumain ng street foods kapag kasama mo mga kaibigan mo. Kaso si Jacob kasama ko.

Nung inabot ko bayad ko, tumanggi si Jacob. Pursigido talaga siyang manlibre. I feel bad tuloy, andami ko kasing dinampot.

Nang makahanap kami ng pwesto para kumain, doon na siya nagsimula magsalita.

"Chloe alam kong hindi ka pa ready pumasok sa relationship. Pero kung pwede, sabihin mo sa akin kung may chance ba ako o wala.." Sabi niya. Mas mahirap pa ata itong tanong niya kesa sa tanong sa calculus. Anong isasagot ko? May chance ba o wala?

Kapag sinabi kong meron, baka umasa siya. Kapag sinabi kong wala, baka magbreak down nanaman siya.

Nung nireject ko kasi siya unang beses, one week siyang hindi nakapasok ng school kasi sobrang lungkot niya. Pagpasok niya noon sa school, puno ng laslas yung braso niya. Doon ko unang naramdaman yung awa sa kanya. Medyo natatakot din ako dahil wala pa ngang kami, pero grabe na ang breakdown niya.

"Ah Jacob hindi ko alam ang sagot eh. Tadhana lang ang nakakaalam ng ganyang tanong. Sorry" sagot ko sabay kain ng isaw.

"Ganon ba? Sige.. Pero aasa ako na balang araw masasagot mo din ako.. Hindi ako titigil, promise. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko ng totoo." Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Medyo bumilis ang tibok ng puso ko.

Dahil ba first time ko makaranas ng ganito?
O dahil naiilang ako?

Pagkatapos namin kumain, pupuntahan ko na sana ang mga kaibigan ko nang muli niyang hawakan ang kamay ko.

"I love you, Chloe"

"Salamat." Sagot ko at tuluyan nang lumayo sa kanya. Lagi niya iyon sinasabi sa akin. Pero ang lagi kong tinutugon ay salamat. Bakit ako mag i-i love you too kung hindi naman totoo?

"Ano sabi?" Tanong ni Asia.

"Wala naman. Ganun pa din. Tara gala pa tayo" yaya ko sa kanila at saka umalis na kami ng park.

"Kung hindi pinigilan si Barbara kanina, malamang ubos na buhok 'non" sabi Nathaniel na galit pa din kay Barbara.

"Hayaan mo na, patay na patay kay Jacob yun eh. Ayaw tanggapin ang katotohanan na hindi siya gusto ni Jacob hahaha" sabi naman ni Kris na kumakain ng burger.

Medyo malayo na ang nalakad namin. Hindi na din ako pamilyar sa lugar na ito. Liblib at malalayo ang agwat ng mga bahay. May iilang tao pero puro matatanda.

"Alam niyo ba itong lugar na 'to?" Tanong ko sa kanila na nag dadaldalan pa din.

"Uhmm hindi. Pero alam ko naman pabalik. Deretso lang naman 'to." Sabi ni Kris at saka nag-usap usap sila muli.

Nilibot ko lang ang mata ko sa paligid. Maaliwalas dito at masarap ang simoy ng hangin. Parang probinsya ang lugar na ito. May mga naglilinis na matanda sa tabi tabi, may mga nagtatahi sa labas ng bahay nila, pero may iilan din namang mga bata na naglalaro laro sa kalsada. Walang dumadaan na mga kotse o motor. Tahimik lang ang lugar na ito.

May nadaanan kaming parang kainan. Luma na ang itsura nito pati na din ang mga disenyo sa labas. Gawa lang sa kahoy pero napakahanda tingnan. Pamilyar. Parang pamilyar itong kainan na 'to.

Para bang nakita ko na 'to kung saan.

"Guys wait" sabi ko sa kanila at napatigil naman sila sa paglalakad.

"Ano yun?" Tanong ni Asia.

"Tingnan ko lang kung ano tinitinda dito"

My Dear CustomerWhere stories live. Discover now