#6

2 0 0
                                    

#6

"Salamat din, Chloe!"

Tumigil ako sa pagtakbo nang marinig ko siyang sumigaw. Nanigas ang buong katawan ko at nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko.

Dahan dahan akong lumingon sa likod.

Ngumiti siya panandalian at saka umalis para asikasuhin ang ibang mga customer.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hindi ko na piniling maistorbo siya sa trabaho niya. Siguro ay mag-isa lang siya doon na nagtatrabaho.

Si Mace nga ba talaga siya? Paano niya nalaman ang pangalan ko? Totoo ba yung panaginip ko?

Napakadaming tanong ang namuo sa utak ko.

Jusko, malapit na mag-exam. Mawawalan pa ako ng focus neto sa pag-aaral. Simula talaga nung mapaginipan ko siya, hindi na siya nabura sa isipan ko. Oras oras siyang tumatatak sa utak ko.

Sino ba talaga siya?

...

Sobrang busy namin ngayon sa school at hindi ko magawang dalawin ulit siya sa munti niyang resto.

Ginawa ko na ang lahat para magkaroon ako kahit kaunting oras, pero wala talaga. Sobrang pagod sa school works. Lalo na't bukas na ang exam namin.

Habang nag-rereview ako, laging dumadapo sa isip ko si Mace. Tutal half day naman kami bukas, may time ako na pumunta doon.

May halong kaba at excitement ang puso ko ngayon. Kaya namo-motivate ako lalong mag-aral. Kilig ka 'te.

...

Lahat ng in-exam ay nareview ko kaya madali nalang sa akin 'to.

Muntik ko pang masulat yung pangalan ni Mace sa papel ko. Super nabobother ako grr naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ako nagkaka-ganito.

Hindi sa minadali ko nag exam para makita siya ahh.. Hehehe

Pero maaga ako natapos magsagot sa exam. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko na mauuna na ako umuwi dahil may dadaanan pa ako.

Ano kayang magiging reaksyon nila kung sabihin kong yung napaginipan ko is totoo. Saka na ako mag-oopen sa kanila kapag nalinawan na ako sa mga nangyayari sa akin.

Nang makarating ako sa restaurant, huminga muli ako ng malalim bago pumasok. Hinawi ko ang telang kurtina na may pagkaluma na at agad na sumalubong si Mace.

May dala siyang plastic ng basura. Napatitig pa ako sa kanya dahil kasi pawisan siya. And aaminin ko, ang hot ng kuya niyo!

"Tabi" sabi niya ng may pagka-irita. Luh

"Ay, sorry sorry" agad akong tumabi at saka siya lumabas. Magtatapon lang pala siya ng basura.

Walang tao ngayon sa restaurant niya. Tahimik ay mapayapa masiyado dito sa loob.

Nung pagkapasok niya, tiningnan niya ako saglit bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Anong order mo?" Tanong niya nang makarating siya sa counter.

"Ahmm actually hindi ako naparito para makipag-away-- este kumain. May gusto lang sana ako itanong. Kung pwede lang.." Sabi ko sa kanya. Wala talagang expression ang mga mata niya. Kahit na ganoon, napakaganda pa din titigan ng mga ito.

Napakunot siya ng noo. "Kailangan may order-in ka bago ka makapagtanong." Sambit niya. Aba ang galing ah. Business man talaga 'to.

"Okay fine. Same order. Pansit Bihon" sabi ko. Ngumiti muna siya bago pumasok sa may kusina.

GRRRR bakit ang perfect ng pagkatao niyaaaa. Naiiyak akooo.

Umupo na ako sa usual na inuupan ko tuwing kakain ako dito. Actually, isang beses palang. Tapos yung isa ay sa panaginip.

Maya maya pa'y lumabas na siya ng kusina at dala dala na niya ang pagkain ko. Nilapag niya ito sa lamesa.

"Anong tanong mo?" Napabuntong hininga ako bago sumagot.

"Uhmm, paano mo nalaman yung pangalan ko? Nung nakaraang araw.. Hehe"

Napatawa siya ng bahagya.

"Sa name tag mo? Ayun oh, anlaki laki ng Chloe." Sagot niya. Ampppp

ANO BA 'YAN. AKALA KO NAMAN. HAYSS. NAKAKASIRA NAMAN NG MOOD.

"EHHH? Ay sorry sorry hays hindi ako nag-iisip. Kala ko kasi--"

"Napaginipan mo din?" Natahimik ako bigla sa sinabi niya. Napaginipan? Edi.. Omg

"H-hah?"

"Kaya ka bumalik dito, kasi gusto mong makumpirma kung ako ba yung nasa panaginip mo. Tama ba ako?"

Nanahimik ako sandali. So, alam niya pala?

"Oo.." Payak kong sagot.

"'Wag ka mag-alala. Ako din. Napaginipan ko din yun. Nagulat nga ako 'non eh. Hindi ko ine-expect na totoo pala 'yun." Sabi niya. Umupo siya sa harapan ko. At katulad na katulad sa panaginip ko ang view ko sa kanya.

"P-pwede mo bang ikwento sa akin kung ano napaginipan mo?" Tanong ko muli. Napangalumbaba siya at saka ngumiti.

"Sa sunod na balik mo dito, ikekwento ko. Hindi ako nagtayo ng restaurant para sagutin ang mga tanong mo" sabi niya ng may ngiti pa din sa labi.

Kahit gusto kong mainis, hindi ko magawa dahil napaka precious niyang nilalang. Para bang nabuhay ako para protektahan siya, char.

"Luh. K fine. Arte arte. Bumili na nga ako ngayon eh" sabi ko sa kanya saka nagpatuloy sa pagkain.

"Edi ako nalugi diba? Ako naman ang magtanong sa'yo. Kung pwede" kung mag-usap kami ngayon, para kaming matagal nang magkakilala.

"Ok, sige. Anong tanong mo?"

"Totoo bang cup b ka lang?" Napatigil ako sa pagkain at gulat na gulat ako sa napaka nonsense niyang tanong.

"Gaga ba you? Anong totoong cup b lang ako?! Sino nagsabi sa'yo?" Galit na sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya. Aba gaga pala 'to eh. Cup b amp. Tse.

"Sabi ko sa'yo, kada tanong mo kailangan may orderin ka. Pero seryoso, sa tingin ko cup b ka nga lang talaga" tumitig siya sa dalawa kong siopao kaya agad ko itong tinakpan. Gaga talaga 'tong lalaki na'to akala ko pa naman kasing ganda ng mukha niya yung ugali niya.

"BASTOS!" Galit na sigaw ko sa kanya. Tumayo na siya at humalakhak lang ng humalakhak habang papasok siya ng kusina.

Nakakaurat. Never pa ako nasaktan sa mga tanong sa akin. Sinong adik magtatanong ng kung anong cup ng dd mo? Anong pake niya kung cup b lang ako? Ang mahalaga, maganda ang puso ko! Tse!

Lumabas siyang muli at may dala siyang tsaa. Inilapag niya 'yon sa lamesa ko.

"Inumin mo 'yan. Libre nalang yan. Alam kong nasaktan ko damdamin mo. Pero kailangan nalang natin talaga tanggapin ang katotohanan" sabi niya. Nyenyenye. Tiningnan ko muna siya ng masama.

"Totoo ba 'to? Baka mamaya may lason 'to o gayuma?" Panigurado ko habang inaamoy ko yung tsaa. Mabango siya.

"Malamang! Bakit naman kita lalasunin? Edi lalo ako nawalan ng customer. Saka bakit mo naman naisip na gagayumahin kita? Cup b ka nga lang diba?" Humagalpak nanaman siya sa kakatawa. "Biro lang. Walang lason, gayuma, o kung ano man sa tsaa na 'yan. 'Wag ka mag-alala"

"Ewan ko sa'yo." Unang higop ko, parang napaglaruan ang isip ko. Dahil parang nakulayan bigla utak ko na ewan. Ang sarap ng tsaa na ito.

"Ano, kamusta? Nakakahinga ka pa ba?" Tanong niya sa akin.

"Tse! Masarap naman. Hinihintay ko palang sumipa yung lason. Pero salamat" ngumiti ako sa kanya, pero umiwas siya ng tingin.

My Dear CustomerWhere stories live. Discover now