#11

2 0 0
                                    

After school, lagi na akong dumidiretso sa lugar ni Mace para magmeryenda or lunch. Sobrang saya ko ngayon. Na-motivate ako na mag sipag lalo sa school at sa bahay. Nagulat nga sila mama dahil ako na naglalaba ng mga damit ko eh. Ganito ba kapag in love? Hahaha ang weird ng magagawa sa'yo ng pag-ibig.

Mas lalo ko pang nakilala si Mace these past few weeks. Ang ngayon ang time na ipapakilala ko na siya sa parents ko. Tuwing aayain ko kasi siya bigla siyang aayaw dahil sa nerbyos. Hahaha ang cute niya mag panic kala mo hindi 30 years old. Pero ngayon sa wakas, pumayag na siya.

"So ano, ready ka na ba? Mabait magulang ko and kaparehas lang nila tayo. Malaki din ang agwat sa edad nila. Actually mas malaki nga agwat nila eh HAHAHA pero siyempre pogi pa rin papa ko hindi pa kumukupas." Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. At ready na buksan ang pinto ng bahay namin.

Napabuntong hininga siya. "So parehas pala kami ng papa mo hehe. Tara na, kagabi pa ako ready" ngumiti siya sa akin.

Pagbukas ko ng pinto, naka upo na sila mama sa lamesa at ang dami nilang hinandang pagkain. Ano 'to fiesta?

"Wow bakit ang daming handa?" Windang ko habang umuupo.

"Siyempre special na araw 'to para sa amin ng mama no. Ngayon ka lang magpapakilala ng lalaki sa amin" sagot naman ni papa na malaki ang ngiti sa labi.

"It's either his last meal here or last meal as a stranger to us." Seryoso namang sagot ni mama. Nakita kong napalunok ng laway si Mace. HAHAHA

"So, sit down Mace right?" Sabi ni mama at tumango si Mace saka umupo sa tabi ko.

"How old are you?" Tanong ni mama.

"I'm 30 years old po." Magalang na sagot ni Mace.

"Oh really? You don't look like it."

"Mana ka talaga sa mommy mo Chloe" pabirong sabi ni papa kahit totoo naman hahaha.

"So, where's your family?" Tanong naman ni papa. Hindi makakain si Mace dahil sa mga tanungan nila.

"Maaga po akong humiwalay sa kanila. I live alone right now. Hindi ko po alam kung nasaan sila ngayon." Sagot niya. Oo nga 'no, never ko pa siya natanong about sa family niya.

"Oh, we should talk to them soon." Sabi ni mama habang hinihiwa yung roasted chicken. Napakamot ng ulo si Mace.

"I'm sorry but I don't think that's possible. But If ever po na may chance, I'll let you know right away." Nakangiti niyang sagot. After non is puro kain nalang kami ang chikahan about sa mga nangyari sa dates namin ni Mace. Si papa napaka uncomfortable dahil nga malamang underage pa ako and ako nalang ang nag-iisang anak nila na nakatira sa bahay nila.

Don't worry papa, matagal tagal pa ako maninirahan sa inyo. And kahit naman magkaroon kami ng sariling bahay, I'll make sure na malapit lang kami dito.

After eating our dinner, niyaya ni papa si Mace na uminom ng alak. Doon sila sa balcony nag-inuman. Habang kami naman ni mama is nagkwentuhan about sa past nila ni papa.

I'm so lucky to have such a parent like them. Malapit na mag december, lumalamig na ang simoy ng hangin and madami na din nagdedecorate ng kani-kanilang mga bahay. May mga iilan na ding nagpapatugtog ng mga Christmas songs. Mas masaya ang holiday ko ngayon kasama si Mace.

Napapadalas na din ang punta ni Mace sa bahay namin para tumulong sa mga gawaing bahay at minsan nagdadala siya ng mga niluto niyang pagkain. Nakikita ko na ang future namin ni Mace. Sobrang sarap sa feeling na may nakilala akong lalaki na katulad niya. Napapansin din ng mga kaibigan ko na in love ako dahil sa mga pinagdodrawing ko habang may klase. Nasabi ko na sa kanila about kay Mace pero they don't bother to meet him dahil malaki ang tiwala nila sa akin na hindi pipichugin ang type ko. I also told them na siya yung lalaking nasa panaginip ko noon. They just can't believe na nangyayari pala talaga yung mga bagay na ganoon.

My Dear CustomerOnde histórias criam vida. Descubra agora