#5

2 0 0
                                    

#5

Humakbang ako paakyat sa kainan na'to nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello ma?" Sagot ko.

"Umuwi na kayo Chloe. Malapit na mag gabi." Sabi ni mama mula sa kabilang linya.

"Chloe ano daw 'yun?" Tanong ni Kris.

"Ahhh pinapauwi na ako ni mama." Sabi ko sa kanila. Lumungkot ang mga mukha nila.

"Sige uwi na din kami. Sabay sabay na tayo umuwi" sabi ni Nathaniel. Sumang ayon sila na umuwi na kami.

Muli kong tiningnan ang lumang kainan na ito bago bumaba ng hagdan.

Babalik ako dito.

"Uy sorry guys ahh sobrang strict kasi talaga ng mama ko." Sabi ko sa kanila nang maihatid na nila ako sa amin.

"Okay lang Chloe ano ka ba, magkikita pa naman tayo sa lunes." -Kris.

"Oo nga. O siya, chat chat nalang." Paalam ni Aisha at sabay sabay na silang umuwi. Hinintay ko muna silang makalayo bago ako pumasok ng bahay.

"Kamusta gala?" Tanong ni papa na hanggang ngayon ay nagbabasa pa din ng mga manuscript.

"Okay lang naman po. Masaya hehe. Salamat po pinayagan niyo ako" paawa effect para payagan ulit sa susunod.

Si mama snob lang. Seryoso siya masiyado pag nagtatrabaho eh. Pero kahit ganyan siya, ramdam ko pa din na lovee na loveee niya kami ni papa.

Dumiretso na ako sa kwarto at saka humilata sa kama.

Hanggang ngayon bumabagabag pa rin sa utak ko si Mace.

Kung totoo man yung panaginip na yun, bakit ako?

Kung totoo man yun, sino siya?

At bakit ngayon ko lang ito napaginipan?

Wala namang ibang ganap sa buhay ko. Tulad lang din ako ng isang normal na tao.

Coincidence lang kaya ang lahat? At saka, kung 'di ito totoo, bakit nabobother ako masiyado?

Binuksan ko ang laptop ko at sinearch ang pangalang 'Mace' sa facebook.

Walang lumabas.

Bigla kong naalala na sa napaginipan ko, wala siyang cellphone.

Kahit sa google, instagram, tweeter, tinry ko hanapin ang name niya kaso wala talagang tumutugma. Ni isang tao walang may nagngangalang Mace.

Ilang oras din bago ako sumuko sa paghahanap ng pangalan niya sa social media.

Muli kong isinulat ang iba pang detalye sa panaginip ko. Bigla bigla kasing lumilinaw yung panaginip ko. Para bang sinasadyang ipaalala sa akin lahat.

Ang kulay ng apron niya ay orange.

Nasisiyahan ako habang iniisip ko yung panaginip ko. Naaalala ko yung mata niyang kung tumitig sa akin ay tila ba'y totoo.

Yung tingin niyang animo'y matagal na akong kakilala.

Yung ngiti niyang alam mong ako lang ang tanging nakakapag-pangiti sa kanya ng ganoon.

Habang patuloy ko siyang naiisip, mas lalo akong ginaganahan na mahanap siya at makilala.

...

Pagpasok ko ng classroom, wala pa yung tatlo kong tropa. Na malamang ay nalate nanaman ng gising. Kahit kelan talaga sila. Ilang beses na sila napagalitan pero hindi pa din sila natututo. And yes, matigas ulo nila :).

My Dear CustomerWhere stories live. Discover now