#3

2 0 0
                                    

#3

Pina-deretso na ni mama yung tatlo kong kaibigan sa kwarto ko. As usual wala silang dala. Alam kasi nilang kumpleto ako ng notes eh kaya hindi na sila nag-abalang magdala pa ng gamit.

"Hellooooo!!" Masaya nilang bati pagbukas nila sa kwarto ko. Na kala mo hindi kami nagkita kahapon.

"Chloe gala tayo!" Masayang sabi ni Nathaniel. Napakunot naman ang noo nina Kris at Asia.

"Hay nako Nathan. Kung gusto mo ikaw nalang. Tutal boyz lang naman habol mo kapag gumagala tayo." Sabi ni Asia kay Nathaniel.

"Oo nga. Saka malapit lapit na din exam natin. Need natin maghabol para hindi tayo bumagsak. Nakakatakot mga teacher natin ngayon eh" sabi naman ni Kris.

"Boyz ka diyan. Hindi noh. Gusto ko lang magpahangin" may pa effect na sabi ni Nathaniel. Tabingi talaga 'to.

"O sige na! Magsimula na tayo. Kapag maaga tayo natapos, punta tayo ng park. Igagala ko din mga alaga kong aso eh." Pagkasabi ko non, sabay sabay kaming napatingin kay Nathaniel at saka humagalpak sa kakatawa.

"Ha ha sige nakakatawa na kayo. Tara na. Ano bang subject uunahin natin?"

Nagsimula na kaming mag review. Nagtulungan kami sa assignment namin sa Basic Calculus. At si Kris ang pambato namin doon.

Nang matapos kami mag review, doon ko na naisipan na ikwento ang napaginipan ko.

"Uhmm guys, may ikekwento ako sa inyo. Kanina kasi binangungot ako at mabuti nalang nagising ako ni mama." Pagkasabi ko non, sumeryoso ang mga mukha nila. Lalo na kay Nathaniel, pero nakakatawa pa din talaga itsura niya kahit seryoso siya wahahaha.

"Ano yun?" Tanong ni Asia.

"Teka wait! Bago mo ikwento yan, isipin mo muna kung mabuti o masama yan. Kasi once na kinwento mo na yan sa iba, baka hindi mangyari. Kung masaya yan, mas okay na ikwento mo para maudlot" sabi ni Kris. Pansin kong natakot ng very light si Nathaniel kasi dumikit siya sa dalawa.

Mabuti nga ba o masama ang napaginipan ko?

"Salamat Kris at sinabi mo yan. Importante kasi itong napaginipan ko. Mabuti ito kaya hindi ko ikekwento ng buo" sabi ko. Natahimik nalang sila.

"May kailangan akong hanapin. Alam kong panaginip lang yon, pero nararamdaman kong totoo yon. Kailangan ako nito ngayon. Kaya kailangan ko siya hanapin" sabi ko sa kanila. Napaisip pa muna sila bago magsalita.

"Sure ka diyan? Minsan ang panaginip ay mapanlinlang" sabi ni Kris. Sabagay.. May mga panaginip talagang panaginip lang.

Pero hindi iyon nabago ang isip ko.

Hahanapin ko pa din si Mace.

"Uhmm.. Depende nalang. Bahala na ang tadhana. Pero umaasa ako na balang araw ay mahahanap ko rin ito" sabi ko.

"Halaaaaa baka may sakit ka sa utak. Nahawaan ka na siguro ni Barbara" ani Nathaniel. Tumawa nanaman kami.

"Gaga ka. Ikaw ata may sakit sa utak. Kelan pa naging sakit sa utak ang bangungot hah. Saka akala ko ba frenny kayo 'non ni Barbara. Sumbong kita dun para dakpin ka niya at upuan ka sa mukha hanggang sa mawalan ka ng hininga" sabi ni naman ni Asia. Tawa lang kami ng tawa. LT talaga kasama ang tatlong 'to.

"Edi wow" tinarayan siya ni Nathaniel.

"Hahaha oh ano, tara na?" Yaya ko sa kanila. Bago pa iyon, kelangan ko muna magpaalam sa mga magulang ko. Ang pinakamahirap sa lahat ay ang magpaalam sa kanila. Napaka protective kasi nila eh.

"Gora!" Sabay sabay nilang sigaw.

"U-uhmm ma? Pa? Pwede po bang lumabas kami saglit? Ilalakad ko na din po si Roger. Sa park lang po kami" paalam ko kila mama na busy sa ginagawa nila. Si mama ay gumagawa ng book cover, habang si papa naman ay nagbabasa ng mga ie-edit niyang libro.

"Hmm sige 'nak. Ingat kayo hah. Bumalik kayo ng maaga" sabi ni papa. Nagtatatalon ako sa tuwa. Yehey! Buti nalang at nakumbinsi ko agad si papa.

"Teka lang. Kapag kayo nadisgrasya diyan sa labas nako. Kami pa magbabayad pang ospital niyong apat" at yan na nga. Umentry na si mama. Aaaaa kailangan ko nanaman ba linisin ang buong bahay?

"Hay nako ma, payagan mo na. Malalaki na mga yan. Kaya na nila sarili nila" hinawakan ni papa ang kamay ni mama. Alam kong lumambot nanaman ang puso nito ni mama. Echosera yan eh HAHAHA

"Hmp. Ingat kayo hah. Saka yan si Roger 'wag mo aalisin paningin mo diyan" bilin ni mama bago ako nagpaalam sa kanila.

Aso namin si Roger at dinala lang ito ni papa sa bahay noong bata pa ako.

Naglakad lang kami papunta ng park. May kalayuan ito pero mas masarap kung lalakarin nalang.

Wala kasi akong pera eh hehehe

"Waaahhh yesss food trip mamaya ah!" Masayang sigaw ni Kris.

"Oo naman. Makakalimutan ba natin ang pagkain?" Sabi ko. Goodluck nalang wallet. Muli ko nanamang magagastos ang ipon ko.

Ngayong school year ko lang nakilala sina Asia, Kris at Nathaniel.

Mabait sila at maganda ang sense of humor.

Hindi katulad ng mga estudyante sa school ko noong jr. high palang ako.

Kapareho ko sila ng pag-iisip kaya agad naman kaming nagkabati.

Sa loob ng ilang buwan, madami na kaming pinagdaanan. Pero hindi iyon naging hadlang sa pagiging magkakaibigan namin.

Kahit na sinubukang sirain ni Barbara ang pagkakaibigan namin, alam namin sa isa't isa ang totoo at never namin magagawang siraan ang isa sa likod.

Madaming humahanga sa akin.
Madaming tumitingala sa akin.

Pero ganoon din kadami ang may galit sa akin.
Ganoon din kadami ang naiinis sa akin.

Ganun naman ata talaga ang mundo. Hindi mo mapipilit ang lahat ng tao na magustuhan ka. Dahil kahit isa ka pang santo, never ka mawawalan ng isang taong pag-iisipan ka ng mali.

Oo masasabi kong hindi ako minsan natutuwa sa mga ginagawa sa akin, sa amin ni Barbara. Minsan kasi nakakasakit na talaga siya. Minsan pa nga'y napaiyak nito si Nathaniel. Pero kahit ganon, pinatawad pa din siya nito. Mababait ang mga kaibigan ko. Kaya kahit ano mang sabihin sa kanilang masama, hindi ako maniniwala.

"Uy Chloe, nakikita mo ba yun?" Bulong sa akin ni Nathaniel at may itinuro malapit sa swing.

"Hah? Alin?" Nagtataka kong tanong.

"Si Jacob."

My Dear CustomerWhere stories live. Discover now