#7

2 0 0
                                    

Isang linggo din ang nakalipas simula nung huli akong pumunta sa resto ni Mace. Sa sobrang busy ng schedule ko, wala na akong time maka-bisita doon.

Gustong gusto ko na pumunta doon para makakain ulit ng masarap niyang luto at- makausap na rin siya..

"Guys ayoko naaaaa" reklamo ko habang nagtatype para sa research namin. Kung wala lang tao dito sa library siguro kanina pa ako ngumawa.

"Chloe okay lang 'yan. Malapit na matapos 'to" sabi ni Kris.

"Hulaan ko, gusto mo siya makita 'no?" Napatingin ako kay Nathaniel na busy din gumawa ng questionnaire.

"Sino?" Tanong ko pabalik.

"Sino pa ba? Edi yung lagi mong pinupuntahan. Te sige na. Gora na. Kaya na namin 'to. Basta gawin mo nalang sa bahay niyo mamaya yung natirang gawain ah?" Sabi niya. Kulang nalang yakapin ko siya sa sobrang saya ko.

Hindi pa uwian pero binigay na sa amin ng teacher namin yung oras niya para gumawa ng research.

"Waaahhh!! Thank you Nathaniel huhuhu i love you na talagaa" masaya kong sabi. Kinuha ko na yung bag ko at tumakbo pababa ng building. Agad akong sumakay ng tricycle at pumunta kung nasaan naparoroon si Mace.

Pansin ko lang. Never ko natanong pangalan niya. All this time Mace ang lagi kong tawag sa kanya kahit hindi naman niya talaga pangalan. Ito na ang tamang oras para tanungin siya! Let's goooo!

"Yahallooo!" Bati ko agad pagpasok ko sa resto niya. As usual walang ibang customer. Siya tahimik lang na nagbabasa ng libro.

"Oh. Anong order mo?" Masungit nanaman niyang tanong. Wow hah parang nakaraan hindi ako kinutya.

"Ang cold mo naman. Same order, pansit bihon!" Masaya kong sabi. Napa roll eyes siya. TARAY MY GAD.

"Anong point ng pagtitinda ko kung iisa lang ino-order mo?" Masungit niyang sabi. Napakunot ang noo ko.

"Wow hah parang kasalanan kong nasarapan ako sa bihon mo" galit kong sabi.

"Recommend ko sa'yo 'tong udon. Masarap din 'to. Sige, free na isang tanong in case na may itatanong ka" aba entrepreneur ka ghorl.

"Hmmm okay. Sige dalawang udon please" nagulat siya sa sinabi ko. Bale, apat na tanong na!

"Sige umupo ka na muna" sabi niya at saka tumungo sa munti niyang kusina.

Doon pa din ako umupo. Dahil sa pwesto na ito ko naaalala si Mace.

Ilang saglit pa'y inihain niya na ang dalawang udon.

"Bale apat na tanong. Umupo ka" sabi ko sa kanya.

"Bakit mo ako inuutusan?" Maldito niyang tanong. Konti nalang talaga makokotongan ko na 'to sa tumbong.

"Anong inuutusan? Umupo ka. Kakain tayo." Sabi ko sa kanya.

"Tayo?"

"Oo kakain tayo. Inorder ko 'yang isa para sa'yo."

Umupo na siya at hindi nag dalawang isip na kumain. Humigop muna ako ng sabaw at.. Grabe sobrang sarap nga. Parang sumasabog sa bibig ko yung mga spices.

"Ahhh! Ang sarap!"

"Sabi sa'yo eh."

"Oh ano na mga tanong mo? May jowa na ba ako? Wala. Gusto mo mag-apply? Pwede naman" aba ang kapal nga naman talaga ng balat netong lalaking 'to.

Pero.. What a relief na wala siyang jowa.

"Gaga ka kahit kelan. Anong pangalan mo?" Unang tanong ko sa kanya.

My Dear CustomerWhere stories live. Discover now