#13

2 0 0
                                    

Pagkauwi ko ng bahay, nagulat ako dahil nasa labas sila mama at papa.

"Chloe, have you heard about it already?" Tanong ni mama na pawang nag-aalala.

"Heard about what?" Tanong ko.

"Nak, Mace is a criminal." Si papa ang sumagot. Nanigas ang tuhod ko. Umabot na pala kila mama yung balita.

"N-no, hindi po totoo 'yan. Kilala niyo si Mace. Lagi s-siya nandito. Alam niyong hindi siya masamang tao!"

"It's too late Chloe. Nakita ko kaninang may mga dumaan na pulis patungo sa baryo kung nasaan siya" hinawakan ni mama ang braso ko pero itinaboy ko iyon. Hindi na ako nakinig pa sa mga sinabi nila at tumakbo ako papunta kay Mace.

Nanlalamig ang buong katawan ko at hindi ako nakakaramdam ng pagod. Hingal na hingal na ako pero hindi tumitigil sa pagtakbo ang mga paa ko.

Nang matanaw ko na ang baryo, nakikita ko ang ilaw sa kotse ng mga pulis. Hindi ko alam ang nangyayari. Bakit ngayon pa?

Nakita kong pinapasok na nila si Mace sa loob ng kotse at agad ko silang pinahinto.

"Kuya stop! Anong nangyari?! Hindi masamang tao si Mace!" Sigaw ko habang hinihila ang braso nung isang pulis.

"Ma'am, sa istasyon nalang namin ipapaliwanag." At saka tuluyan na nila siyang ipinasok sa loob.

Hindi man lang lumingon sa akin si Mace. Ni isa wala siyang binitawang salita. Anong nangyari? Bakit biglaan naman? Kanina lang ang saya saya namin ah?

Ang daming taong nakapalibot sa amin. At doon ko nakita na may matandang ipinapasok sa loob ng ambulansya. Wtf? Anong nangyari?

"C-Chloe??" May humawak sa balikat ko at paglingon ko, si Jacob.

"Anong ginagawa mo dito? Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. Nagsimula nang tumulo ang luha ko.

"Kumalma ka muna Chloe." Sinubukan niya akong yakapin pero tinulak ko siya palayo.

"Anong kalma?! Sabihin mo sa akin kung anong nangyari!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Binugbog niya yung matandang lalaki. I know you're his girlfriend pero napaka delikado niyang tao, Chloe. Mas mabuti kung ihinto niyo na ang relasyon niyo. Baka madamay ka pa sa kagaguhan niya" sinampal ko siya. Malakas na sampal.

"Hindi mo siya kilala." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Chloe, let's go. Sundan natin siya sa police station." Bigla akong hinila ni Paul.

Habang bumabyahe kami, patuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi ko magawang tanungin si Paul dahil natatakot akong baka totoo yung pinagsasasabi ni Jacob.

Hindi ko din alam kung anong ginagawa niya doon. Ang layo ng bahay niya sa lugar na yun at napadpad siya sa maliit na baryo na iyon.

"Totoong sinaktan niya yung matanda, Chloe. Pero alam kong may rason si Mace. Kaya kailangan natin siya sundan" sabi ni Paul. Inabutan niya ako ng panyo.

"S-salamat.." Hanggang ngayon ay nanginginig pa din ako. Ayaw kong mawala si Mace. Ayaw kong mahiwalay sa kanya.

Nang makarating kami sa police station, agad naming tinanong kung ano ang nangyari. Ang sabi nung pulis, naabutan daw ni Jacob na binubugbog ni Mace yung matandang lalaki sa gitna ng kalsada. Hindi pa din nila alam kung ano ang dahilan dahil ayaw magsalita ni Mace.

"S-sir can I talk to him? Maybe masabi niya sa akin yung dahilan" pagmamakaawa ko sa kanila.

"Sige. Bilisan mo lang"

Nanlambot nang tuluyan ang tuhod ko at bumagsak ako sa sahig nung makita ko si Mace sa loob ng kulungan. Nakaupo lang siya sa lapag at may pasa ang mukha niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Dear CustomerWhere stories live. Discover now