Chapter 1: Sadako

10.6K 133 60
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

---------

(𝘚𝘩𝘢𝘯𝘯𝘢𝘳𝘢)

"Aray ko! Bitawan mo na ako, please. Sige, na hindi na kita sisigawan!"

"Lagi ka na lang ganiyan, umaga, gabi, madaling-araw! Parang awa mo na Rowena, hayaan mo naman na maging masaya ako!"

Hindi na ako nag-abala pa na damputin ang tsinelas ko para isuot. Tumakbo agad ako pababa ng hagdan at nagtagpuan ko ang nanay ko na nakasalampak sa sahig, habang nakatayo ang tatay ko na may hawak na bote ng alak.

"M-May away po ba kayo?"

"Ah! Wala ito Shan. Nadulas lang kasi ako dahil may tumatakbo na daga. Alam mo naman ang nanay mo, takot sa daga. Nandiyan ang tatay mo para hampasin kaso nakatakbo na." Tumayo agad ito at pinagpagan niya ang sarili niya. Sunod naman itong lumapit sa akin at sinuklay-suklay niya ang buhok ko. "Shannara, kumain ka na tayo anak. Tara, maghahanda na ako ng almusal mo. Aalis pa kasi ang tatay mo para makipagkita sa kaibigan niya. Alam mo naman, nagpapakumpuni ng kotse ang tatay mo."

"Sige, aalis na ako," tipid na paalam ng tatay ko sa akin. Tumingin lang ito pansamantala sa akin bago tumalikod at nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Rowena, ayusan mo na ng baon ang anak natin. Unang araw niya ngayon sa eskuwela."

Lumabas na ito ng bahay namin at naramdaman ko na hinawakan ako sa braso ng nanay ko. Dinala agad ako nito sa kusina at ipinagpatuloy niya ang pagta-trabaho sa hinihiwa niyang patatas.

"Anak, gusto mo ba na pabaunan kita ng luto ko? May pera ka rin na baon alam ko, pero para masigurado kong busog ka. Ayos lang ba sa'yo?"

"Opo naman 'nay," nakangiti kong sagot sa kaniya. Napansin ko ang braso nito na may pasa kaya sinubukan kong idampi ang kamay ko roon. Iniwas naman niya ito at tinakpan na lang niya 'yon. "Nanay naman, bakit mo pa ba itinatago sa akin 'yan? May yelo tayo sa refrigerator, kukunin ko lang saglit. May gamot din tayo, ano pa ang sugat mo?"

"Pabayaan mo na 'to. Simpleng gasgas lang 'to, oh. Nalaglag kasi ako sa kama kanina kaya ko natamo 'to. Ikaw anak, magsuot ka nga ng tsinelas. Baka magkaroon ka ng bulate niyan."

Bumalik ako sa taas para kumuha ng tsinelas na susuotin pero hindi ko 'yon isinuot agad. Parang nasisira ang puso ko kapag napupuno ng bangayan itong bahay, at mas masakit na nakikitang nagpapanggap ang magulang ko na ayos pa ang relasyon nila kahit hindi talaga. Sa tuwing nag-aaway sila, nagkukunwari na lang ako na hindi ko sila nadidinig sa kuwarto para hindi na lumala pa ang sitwasyon namin.

Bumaba na muna ako para mag-almusal. Halos magmadali na ako dahil malapit na ang oras ng pasukan at baka magalit sa akin ang mga guro ko. Nalipat lang kasi ako sa Misco High School dahil nanggaling ako sa mas malayong paaralan noon. Nadidinig ko na rin ang tungkol sa paaralan na 'yon pero puro away at gulo ang mga issue tungkol doon kaya mas pinili ni 'Nay Rowena na sa ibang paaralan ako pag-aralin. Nabago lang ang eskuwelahan ko nang mapasin ng nanay ko na maganda roon dahil naikuwento sa kaniya 'yon ng kumare niya.

"Alam mo Shan, mas maganda kapag sabay kayo ni Mercy lagi. Isabay mo na siya sa lahat ng lakad mo para sigurado kang ligtas ka. Babae ka, e. Parehas kayong babae at wala naman akong oras madalas para sunduin ka dahil tuwing gabi nagmo-monitor ako ng puwesto natin sa tiyangge."

"Opo, isasama ko siya," sagot ko sa kaniya nang matapos ako sa paglunok ng kinakain kong ulam. "Parehas naman kami ng strand ni Mercy at nataon pang magkaklase kami. 'Nay, kapag ba college na ako puwede na akong mag-dorm? Kasi nabanggit sa akin noon na mas maganda 'yon---"

How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon