Chapter 8: Who's Abby?

2.5K 40 10
                                    

----

Warning: Contains explicit scenes.

----

(𝘊𝘩𝘦𝘭𝘴𝘦𝘢)

Nang makarating kami sa kuwarto, itinulak ko agad si Lani sa kama. Medyo nauntog pa ito pero wala akong pakialam dahil sumama na naman ang loob ni Shannara sa akin at parang 'di ko na 'yon kakayanin.

"Explain, Lani. Explain everything to me kung ayaw mong ipasira ko ang mga ipinamili mo sa aso ng kapitbahay natin. Anong ginagawa mo?! Hindi mo ba alam kung sino si Shannara sa akin?! She's the woman I love, pero nasira ulit ang tiwala niya sa akin nang dahil sa'yo! Pahamak ka!"

"Bakit?! Sa tingin mo ba alam ko na siya pala ang girlfriend mo?! Anak siya ni ano, 'yong si ano!"

"Who?! You damn whore, hanggang ngayon kahit 'di na kita pinag-iinitan pero pinapakulo mo pa rin ang dugo ko! Sawa na akong makasama ka!" Natakot si Lani sa akin dahil salubong na naman ang kilay nito. Nanginginig na rin yata ito pero mas naiinis ako lalo dahil hindi pa niya ako sinasagot. "Lani! Tell me, sino ka nga ba sa kaniya?! Tinawag ka niyang home wreck---"

"I'm the kerida-kerida of her pader, okay?! She mad at me and her road woman accusing me of homing wreckerist!"

"Lumabas ka, pahamak ka talagang babae ka kahit kailan! You should be thankful of her, kung hindi ako napamahal sa kaniya sana araw-araw kang nasa impyerno ngayon. Siya na ang pinagbubuhusan ko ng oras pero malas ka talaga at mahilig mamahamak!"

"Ano ka ba?! Hindi ba't hiniwalayan ko na ang tatay niya?! May ibang babae na 'yon, hindi na ako! You should thank you me because I leave him alone not together! Tinupad ko ang usapan natin---"

"I won't thank you for anything. Wala kang itinulong na kahit katiting sa akin at ginagago mo ang daddy ko. You're mooching our money off of us, so we're even. Gago ka."

"Lagi mo na lang akong iniinsulto. Kapag nasa harap tayo ni Jessie ang bait mo sa akin, kapag ganito na tayo lang ang sama mo. Siguro may crush ka talaga sa akin."

Binuksan ko agad ang bintana at sumuka ako nang sumuka roon. Kahit na malapit ang pool sa pinagbabagsakan ng suka ko, 'di ko na 'yon alintana dahil parang nag-e-echo sa akin ang pagiging feelingera ni Lani. Lumingon ako at nang makita ko na wala na ito, sa banyo na ako nagtuloy ng pagsusuka. Limang minuto pa bago ako mahimasmasan at sumakit na ang lalamunan ko sa pagsusuka.

Pagbaba ko sa kusina, kumuha agad ako ng pitsel na puno ng tubig at sinalinan ko ang baso ko. Napatingin ako sa pinto papasok ng kusina at nakita ko na pumasok ang tatay ko. Nataon namang may dalang tupperware ang daddy ko na may salad at ipinatong niya 'yon sa gilid ko kaya kinuha ko agad 'yon at kinain.

"Thanks daddy, I really need this. Ang sakit ng lalamunan ko."

"Nakita ko si Lani na galing sa kuwarto mo. You two are getting along na, ha? Ano ba ang pinag-usapan ninyo?"

"Ah.... I forgot na daddy, e. Let me ask you, 'di ba noon si mommy kapag kasama mo nagtatampo siya minsan? Paano mo siya sinusuyo?"

Sumeryoso pa lalo ang mukha niya at naghinala agad ito sa itinanong ko, "You have a girlfriend na, 'no? Bakit hindi mo siya ipakilala sa akin nang i-welcome ko siya? To answer your question, marami naman talaga anak. Sing her a song, bigyan mo ng regalo, or suyuin mo lang lagi at ipakita mo na hindi ka na uulit. Gano'n lang talaga."

"She's not my girlfriend pa, but I'm doing my best para sagutin niya ako. Mahal na mahal ko na yata siya, daddy. I'm still waiting pa lang and it's alright dahil may assurance ako na she loves me back and ako ang first kiss niya."

How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]Where stories live. Discover now