Chapter 24: Destiny

1.2K 25 3
                                    

(𝘊𝘩𝘦𝘭𝘴𝘦𝘢)

Kampante na ako habang pinapanood ko kung paano magpahinga si Shannara. Natapos na ang dilatation and curettage kay Shannara at natanggal na lahat ng traces ng anak namin sa loob niya. Sa kasamaang palad, nawala na talaga ang bunso namin at hindi na siya ma-solusyonan kaya't kinailangan na siyang tanggalin sa loob ni Shannara. Narito lang ako sa gilid niya at pinapanood ko siya habang panay ngiwi ito kapag gumagalaw nang kaunti dahil sa epekto ng ginawa sa kaniya.

"Chel." Nadinig ko sa likuran ko ang tinig ni Mommy Vivienne kaya agad ko siyang tinitigan. Umupo ito sa gilid ko at inabutan niya ako ng paper bag. "O, kumain ka muna. Kanina ka pa nakaupo riyan. Si Shan, kumusta? Is she okay?"

"Hindi mommy, e. Both physical and emotional. I'm sure na mag-aalboroto siya at magwawala kapag nalaman niya na wala na ang anak namin. I know na masakit 'yon but I'll do my best para 'di umiyak."

"Gagawa pa ba kayo ulit ng anak?"

"Depende, mommy. It's up to her of gugustuhin pa niya. I think not for now dahil hindi kami parehas okay and hindi pa siya magkakaroon ng gana sa sex. Mommy, call the cops at ipahanap mo si Nami. If ako ang unang makahanap sa kaniya, I'll kill her. Mapapatay ko siya sa ginawa niya sa magnanay ko. Hindi ko na sakop kung sino man ang mga anak niya sa akin. Ang mahalaga, mapanagutan niya ang pagbawi niya sa buhay ng anak ko."

"And you think na kapag namatay si Nami sa mismong mga kamay mo everything will be alright? No, dahil parehas kayo ng ginawa if gano'n. May nakausap na ako and they're finding Nami. Just rest, anak," pagpalubag niya sa loob ko. Niyakap agad ako nito at tinapik-tapik niya ang likod ko. "Sige, magpupunta ako sa police station. Sina Samantha, nasa bahay ko na. Kinuha namin ni Soo Hye. Nalaman ko na iniwan pala ni Nami at hinayaan ang mga bata na walang bantay. Kanina nga gutom na gutom sila, e. Laging gano'n. Alam mo since na napunta ka kina Shannara, nagbago 'yong dalawa. Nagmukha silang kawawa. I don't want to tell you this sa ganitong panahon pero gusto ko na matutunan mong anak mo rin sila. Since na napunta ka na kina Shannara nalimutan mo na ang isa pang kambal. Si Samantha, ikaw agad ang hinahanap sa akin."

"I'm sorry. I'll do something kapag binisita ko ang mga bata, and they'll be happy and mapupunta na ulit sila sa pangangalaga ko. I'm sorry."

"It's okay. Sige na, kakalap na ako ng news tungkol kay Nami. I'll see you again, anak."

Tumayo na ang mommy ko at lumabas na siya ng hospital room ni Shannara. Muli ko itong tinitigan, at hinaplus-haplos ko ang buhok ni Shan. Matinding hirap ang pinagdaanan ng katawan niya kanina kaya grabe ang awa na nadarama ko. Pati na rin sina Veronica, alam na ang nangyari pero hindi makapunta ang mga ito ng ospital dahil delikado at bantay naman nila si 'Nay Rowena.

"Hmm..." Napatayo agad ako nang madinig ko na umatungal si Shannara. Nagmulat ito ng mga mata at clueless siyang tumitig sa akin. "A-Ang sakit ng puwerta ko, Chel. Anong nangyari?"

"About that---"

Pilit na inangat ni Shannara ang sarili niya kaya dahan-dahan ko itong inalalayan. Napatingin ito sa akin, at tinitigan niya ang tiyan niya bago niya 'yon haplusin.

"Kumusta ang baby natin, Chel? Akala ko talaga kanina mamamatay na siya. Buti at nasolusyonan siya ng doktor."

"About that..." Napakamot agad ako ng batok habang nakatingin sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabilang mga kamay ni Shannara at hinalikan ko 'yon. "Hindi kinaya na iligtas ang bunso natin, Shannara. Don't get mad. Mahirap na desisyon na bitawan ang bunso natin pero 'yon ang natatanging solusyon."

"Hinayaan mo na patayin ng mga doktor ang anak natin?!" galit na galit na tanong niya. "Bakit mo hinayaan na ganito, ha?! Bakit?!"

"Shannara, that's the only way para hindi siya maging lason sa katawan mo. I have no choice either. Please, listen to me."

How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon