Chapter 5: Beach Fling

2.6K 66 41
                                    

------

WARNING: CONTAINS EXPLICIT SCENES.

-----

(𝘚𝘩𝘢𝘯𝘯𝘢𝘳𝘢)

"Nanay, puwede ba na lumipat na lang ako ng school?" Natahimik ang nanay ko at huminto sa pagkain. Bigla namang seryoso siyang lumingon sa akin kaya nagpatuloy ako, "Naiisip ko lang naman po 'nay, gusto ko na po siguro sa private na paaralaan. Baka lang po---"

"May nangyari ba?" bakas ang pag-aalala sa boses na tanong niya sa akin. "Shannara, binabastos o binu-bully ka ba sa school ninyo? Noong huli mong naisip na sa lumipat ng school, sa mismong bibig pa ng adviser mo nanggaling na binubully ka ng mga kaklase mo. Anong mayroon, ha?"

"Wala po. Naisip ko lang naman. Saka si Mercy 'nay, crush niya si Bryan. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin."

"Hayaan mo nga si Mercy, kung ayaw mo si Bryan ayaw mo talaga sa kaniya. Si Mercy kasi tiyak na hindi papayagan ni Marites na magkaroon ng nobyo 'yon."

"Puwede namang itago ang pakikipagrelasyon 'nay, e." Tumawa agad ako pero natahimik ako dahil seryoso pa rin itong nakatingin sa akin. "Joke lang po, kain na tayo 'nay."

Habang kumakain kami, 'di ko malasahan ang kinakain ko. Naaalala ko talaga si Ma'am Chelsea, at ang 'ano' niya kaya natatakot ako. Iniisip ko kung talagang pedophile siya at nagpapanggap siya para mang-harass ng estudyante sexually. Halata namang mabait siya na nadarama ko, pero ang gulo ng utak ko. Sobrang gulo talaga dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganoon siya.

"Shannara, kapag magbi-beach kayo ng mga kaklase mo i-lock mo ang pintuan ng bahay. May duplicate ka naman ng susi, hindi ba? Mag-iingat ka."

"P-Pasasamahin mo ako sa kanila?" gulat na tanong ko. "Nanay, apat na araw po kami roon. Baka magalit ka---"

"Bakit naman? Desi nueve ka na, Shannara. Nandoon naman si Mercy, hindi ba? Tawagan mo ako kapag may nambastos sa'yo at susunduin kita agad. Ito pala, panggastos mo." Inabutan ako nito ng sobre at nagulat ako dahil tig-iisang libo 'yon. "Huwag mo nang kuwestyunin 'yan, pambili dapat 'yan ng bagong kotse ng tatay mo pero sa'yo na lang. Hayaan mo na siya, kaya naman natin na wala siya."

"Salamat po. 'Nay, magpaligaw ka kaya? 41 ka pa lang naman po, hindi ba? Ang bata mo pa saka maraming nagkakagusto sa'yo. 'Yong manager sa department store nga nadidinig ko na binibisita ka."

"Ah, si Tirso? Hayaan mo 'yon, hindi ko siya tipo. Saka mas maganda kapag ikaw ang focus ko. Napapansin mo naman yata na nandito ako madalas sa bahay at kasama mo ako. Aalis muna ako para tingnan 'yong kiosk na ino-offer sa akin ni Cherry tapos mamaya uuwi agad ako. Maganda kasing business 'yon, pansin ko na malakas at mabili."

Nang matapos kami, naghugas na ito ng pinggan at nagpaalam na siya sa akin. Isinara ko na ang pinto at inilagay ko lahat ng trangka no'n. Umakyat muna ako at namili ng isusuot ko para bukas. One week ulit ang break namin dahil holiday kaya party-party naming magkakaklase 'yon.

Bigla kong nakita ang blue na bikini ko. Doon ako nilitratuhan ni 'Nay Rowena kaya napansin ko na tumayo ang 'ano' ni Ma'am Chelsea. Ano nga ba talaga ang mayroon sa suot ko?

Imposible naman na lalaki siya, wala siyang Adam's apple at pambabae ang boses niya. Paano kaya siya nagkaroon ng ari ng lalaki?

“Tukso nga talaga ang batang 'yon.”

Hanggang ngayon, naaalala ko ang mga katagang 'yon. Sa pagkakaintindi ko, hindi sadya nito na manyakin ako. Takot din ako na tanungin sa kaniya kung bakit siya may kaselanan ng lalaki. Baka bigla niyang ipakita---

Ano ba ang laman ng utak ko?!

Tumino ka nga, Shannara. Ayusin mo nga ang mga iniisip mo. Mas manyak ka pa sa impression mo sa kaniya. Ano naman ba kung makita ko 'yon? Dapat ba akong matakot? Hindi naman nanunuklaw 'yon, e.

How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon