Chapter 17: Home

1.3K 29 3
                                    

(𝘚𝘩𝘢𝘯𝘯𝘢𝘳𝘢)

"Kumain na kayo, ha? May niluto akong nilagang baka kanina. Saka 'nay, may gatas sa taas ng microwave. Pakitimpla na lang para sa mga bata." Ipinatong ko na ang bag ko sa mesa at nagtali agad ako ng buhok. Una kong nilapitan si Veronica para halikan ang pisngi nito, at isinunod ko na si Vicky. Medyo natigilan pa ako dahil nakapamewang ito sa akin. "Anak, bakit? Are you okay?"

"Bakit ka may ka-date, mommy? Dapat nga po ang daddy namin ang dine-date mo, e. Kasi siya ang daddy namin at 'di naman tayo magiging happy kapag iba ang naging daddy namin." Napailing na lang ako sa sinabi nito. Bigla akong nag-alangan na lumabas, at nakita ko na umirap ito sa akin. "Sige po, umalis ka na. Hanapan mo na kami ng daddy."

"Hindi naman porke't may ka-date ako anak hahanapan na kita ng daddy," malungkot na sagot ko sa kaniya. Niyakap ko pa ito lalo at hinaplos ko ang braso niya. "Okay, kakain lang kami sa labas. As friends, okay? Kakain kami as friends at uuwi agad ako para sa inyo ng ate mo."

"Hmp, hindi naman as friends 'yon. Kapag nagkaroon po kayo ng anak, unfair 'yon sa amin ni ate dahil complete family kayo tapos kami ni ate wala na para sa'yo. Lalayas na lang kami."

"Hindi ko naman kayo pinapalayas---"

"Ako na ang bahala, Shan." Lumapit ang nanay ko kay Victoria at siya na ang bumuhat sa anak ko. "You know baby, hindi naman lahat mapipilit natin. Not just because may ibang ka-date ang mommy mo, wala ka na lang sa kaniya. Vicky, kapag ang isang bagay ayaw mo na at kung halata mong ayaw na sa'yo, itapon mo. Palitan mo."

"Paano po 'yon, 'nay? Kasi po ang daddy ko 'di ko pa nakikilala, paano ko malalaman kung ayaw sa kaniya ng daddy ko?"

"Hindi ba't sinabi mo noon na gusto mo siyang makilala? Ilang beses nang kinausap ng mommy mo ang daddy mo, but still wala. Kita mo ba siya? Nakita mo ba na tumatakbo siya papunta sa'yo at inaangkin ka bilang anak niya? Wala siya para sa'yo, kaya dapat mong intindihin kung hahanap si Shannara ng magiging katuwang sa pagpapalaki sa inyong dalawa."

Nakita ko na paiyak na si Vicky sa sinabi nito kaya pinigilan ko siya, "Nanay, tama na po. Baka umiyak na ang bata dahil masyado niyang dinadamdam ang tungkol sa tatay niya. Tara na po, samahan mo muna ako."

Iniwan na namin ang mga bata sa kasambahay namin. Nagpunta kami ni 'Nay Rowena hanggang sa pintuan, at huminto muna ako para kausapin ito, "Huwag niyo na pong sinasabihan ng mga kumplikadong bagay ang anak ko 'nay, iiyak lang 'yon lalo. Hindi ko talaga kinakausap si Chelsea kaya 'di ko masigurado kung kahit katiting may interes siya sa mga anak niya sa akin."

"Bakit hindi mo subukang kausapin? Lahat naman nadadala ng galit. Baka nadala lang siya ng galit---"

"Sa lahat ng sinabi niya sa akin, 'yon lang ang bumaon sa utak ko," naiiyak na sagot ko sa kaniya. Pinigilan ko lang na maiyak talaga dahil masisira ang makeup ko. "Paulit-ulit 'yong umalingawngaw sa tenga ko, and to think din na buntis ako nang sabihin niya 'yon sa akin. Sincere ang boses niya 'nay, hindi ako mahalaga sa kaniya at ang mga anak namin. Akala ko mahal niya ako, akala ko lang pala dahil kung insultuhin niya ako parang walang espesyal na nangyari sa amin. Sabihin mo 'nay, dapat pa ba niyang makilala ang mga bata? Para kong ginagago at trinaydor ang paninindigan ko kung gano'n."

"I'm sorry. Anak, hindi ko naman maitatanggi sa'yo na nagalit ako noong nagbuntis ka. Bothered lang ako dahil bata ka pa at wala pang alam noon, but I understand you now. Nagmahal ka lang, saka hindi ka kagaya ng iba na nagpapalaglag ng mga anak at 'di kayang humawak ng responsibilidad. Ayos lang sa akin na magmahal ka, okay?"

Ngumiti lang ako kay nanay at tumuloy na ako sa labas. Habang hinihintay ko ang kotse ni Marco na susundo sa akin, kinuha ko muna ang phone ko. May extra sim card ako na inilagay ko muna roon, saka ako huminga nang malalim bago ako pumindot ng mga numero.

How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon