Chapter 14: Who's Right?

1.2K 26 6
                                    

(𝘊𝘩𝘦𝘭𝘴𝘦𝘢)

"Anak?"

"Mommy, baka po ayaw pa niya tayong kausapin. Hayaan lang po muna natin siya."

Inaakala nila Shannara na nagpapahinga ako habang kausap niya ang mommy. Nakahiga lang ako sa kama, habang nakatulala sa dingding at walang pakialam sa mundo.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa kotse sa labas ng bahay nang magising ako. Hindi ko alam ang ginawa sa akin ni Nami, pero dama ko ang ginawa nito sa katawan ko. Hindi lungkot o takot ang nadarama ko, matinding galit sa ginawa ni Nami. Nananalangin na lang ako na sana huwag magbunga ang pananamantala niya sa akin.

"Love?"

"UMALIS KA!" Halatang nasindak si Shannara na kapapasok lang sa kuwarto nang sumigaw ako. Kinuha ko agad ang alarm clock sa gilid, saka ko 'yon hinagis malayo sa kaniya. "Lumabas ka nga! Labas!"

"L-Love..." Lumapit siya sa akin pero nagtalukbong lang ako ng kumot. Naramdaman ko na hinaplus-haplos nito ang braso ko, pero iniwas ko lang 'yon sa kaniya. "Chelsea, ano ba ang nangyayari? You know, lagi kitang dinadalaw pero ayaw mo na puntahan ka. I love you so much, Chel."

Unti-unting lumambot ang puso ko sa sinabi niya kaya agad akong napabangon sa kama. Tinitigan ko lang ito habang walang bahid ng kahit na ano siya tumitig sa akin, at agad ko siyang sinugod ng yakap. Naramdaman ko na sinuklay-suklay nito ang buhok ko at mas yumakap pa siya sa akin. Nang makaangat ako, hinalikan ko agad ang labi niya at agad ako nitong tinugon.

"Love," pagtawag niya sa akin nang maghiwalay ang mga labi namin. "Is this about your proposal sa akin? Na-realize mo ba na hindi mo na ako mahal? Kasi ako, alam ko na mahal kita."

"Mahal din kita, Shan. It's just medyo may nangyari lang. Narito pa ang love ko, Shannara. Hindi nawawala." Kinuha ko agad ang kaliwang kamay niya na may singsing at hinalikan ko agad 'yon. Ngumiti naman ito sa akin at humalik rin ito sa balikat ko. "I'm sorry sa paninigaw ko kanina. I'm really sorry. Papasok ka pa, 'di ba? Pasok na."

"Linggo ngayon. Chelsea, ano ba talaga ang nangyayari sa'yo? Mpagkakatiwalaan mo ako. Sabihin mo sa akin, 'di ako magagalit sa'yo. Sige na, please."

"Sino si Abby sa buhay mo?" seryosong tanong ko sa kaniya. "Shannara, do you really see Abby as your friend?"

"Mabait sa akin si Abby, love. Bakit?" Parang gusto kong umiyak sa isinagot nito sa akin. Kita ko ang pagiging inosente sa mukha nito habang sinasabi niya 'yon. "May ginawa ba sa'yo si Abby? Ang alam ko love, magkaiba sila ng ugali ni Nam---"

"Huwag mong banggitin ang pangalan ng maduming babae na 'yon. I want you to listen to me, okay? Gusto kong pumili ka ng mga kakaibiganin at papapasukin mo sa buhay mo. Got it? Hindi lahat ng akala mo kaibigan mo, kaibigan mo talaga. Promise me, hindi mo na ie-entertain si Abby. Kahit para sa akin, please."

"Sige. I promise, hindi ko na siya lalapitan. Saka matagal na rin naman kaming 'di nag-uusap. Anything else?"

"Wala ka ba talagang balak na kasuhan ang kapatid niya?" Sandali itong nag-isip at naging sunud-sunod na pag-iling ang isinagot niya sa akin. "Shannara, I know na naaawa ka---"

"Napahiya na siya nang matindi sa maraming tao. Chel, sugat lang 'to. Madaling mawala. Kapag nadungisan ang pangalan ng isang tao, mahirap burahin 'yon. Sira na siya hanggang sa pagtanda niya. Grabeng kahihiyan 'yon, 'di ba?"

"Sabagay. And love, if ever na may mangyari sa akin or magkahiwalay tayo, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita."

"Mangyayari? Hangga't bantay tayo ng isa't isa, walang mangyayari sa atin. Ano ba talaga ang sinasabi mo?"

How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]Where stories live. Discover now