Chapter 25: Wicked

1.3K 21 8
                                    

(𝘚𝘩𝘢𝘯𝘯𝘢𝘳𝘢)

"Shannara, I've been stalking you since nakarating ako sa Pilipinas. I'm so sorry sa lost ng anak mo, ha? I know everything—SHANNARA!" Hinawakan ko agad nang mahigpit ang mga kamay ni Abby at hinila ko ito papunta sa akin. Nagulat ako nang hindi ito magpumiglas sa akin kaya kinaladkad ko ito. "Shannara, hindi ako pumapalag sa'yo dahil alam ko na may malaki akong atraso kay Chelsea. At alam ko ang nangyari sa'yo kaya baka mapahamak ka pa kapag nanlaban ako. Please listen to me, Shan."

"At sa tingin mo pakikinggan kita? Pagkatapos mong gawing laruan si Chel at ipa-rape kay Nami? Sumama ka sa akin at pabubulukin kita sa kulungan. Pagkatapos kitang kaibiganin, ganito ang gagawin mo?!"

"Si Vince, I know na nakita mo siya at sinundan mo ako sa sementeryo. Nasilip kita." Huminto ako sa pagkaladkad dito at tumindig agad ako. "I'm glad na pakikinggan mo na ako. First of all, hindi totoo na pina-rape ko si Chelsea si Nami because it's Nami na may obsession sa karelasyon mo. Please, ang hirap magpaliwanag na kinakaladkad mo ako."

"At paano ko naman malalaman na nagsasabi ka ng totoo, ha?" pangungumpirma ko sa kaniya. "What if kasabwat ka pa rin ni Nami at hindi siya nakuntento sa pagsira sa buhay ko?"

Binitiwan ko na si Abby nang mapagod ako at nanlaki ang mga mata ko nang maglabas ito ng blade. Itinapat niya 'yon sa akin, at nanginig ang kamay ko nang ilagay niya 'yon doon. Itinutok naman ni Abby ang blade sa leeg niya bago magsalita, "You can kill me. Sige, patayin mo ako kapag 'di ka naniwala. If that's the only way for you to believe me."

"Sige, magsimula ka na."

"Before na may mangyari kina Nami at Chel, buntis si Nami. She's 2 months pregnant sa kumpare ng daddy ko. Remember the time na nag-away kayo? When Nami pushed you kaya you needed stitches? Nagkaroon siya ng miscarriage nang 'di niya nalalaman dahil doon. That's why she's really mad sa inyong dalawa. We don't know what happened but isa lang ang kinalabasan, nalaglag nga ang bata and we named him 'Vince'. Hindi alam nina daddy at mommy ang nangyari sa bata. Wala rin silang clue sa baby, because it's the result of.... of..."

"Bakit mabubuntis si Nami ng kumpare ng tatay mo in the first place?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "At hindi ba't kapag ang bata malaki na, malalaman agad na 'di kay Chel iyon? Abby, parang walang kuwenta ang mga sinasabi mo---"

"I'm sorry for saying this, Shannara. Ginagamit ng daddy ko si Nami and he even 'gifted' her to his friends para magalaw si Nami. Even though gano'n ang sitwasyon, mahal ni Nami 'yong bata. Our plan in the first place is to just let Chelsea marry her, then aalis na lang kami. But ewan ko, she's still here at nagkaroon nga sila ng mga anak. Hindi ko alam na magbubunga 'yon, turns out na 'di pala sila ikinasal."

"What?!" takot na tanong ko. "Ginagalaw siya ng iba't ibang tao?! No, hindi ka seryoso. Hindi ako makukumbinsi ng ganiyan, nakarinig na ako ng iba't ibang paawa mula sa inyo---"

"You think I'll lie to you? Anong mapapala ko if I'll say things like this? Please, just let me go. Ngayon lang, oh. After ng gagawin ko na paghahanap kay Nami, I'll let you do whatever you want to me. Dalhin mo ako sa police station or pagtulungan niyo pa akong bugbugin ni Chelsea. Isusugpo ko agad si Nami kapag nahanap ko."

"Sigurado ka?" tanong ko rito. Tumango siya sa akin at tumango ako pabalik. "Siguraduhin mo. Once na malaman kong traydor ka, hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka. Give me your number para matawagan mo ako kapag kailangan mo."

"Okay Shannara, I'm sorry also. Here's my phone." Kinuha ko agad ang cellphone nito at idinial ko ang numero ko. Tinawagan ko ang numero ko at nang matapos, ibinalik ko na 'yon kay Abby. "Salamat, Shannara. I promise, hindi ko sisirain pa lalo ang katiting na tiwala mo. I'll find her and I'll also look after your kids---"

How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon