Chapter 21: Nami's Challenge

1.2K 23 8
                                    

(𝘚𝘩𝘢𝘯𝘯𝘢𝘳𝘢)

"Paano if ever na nabuntis kita? Bakit kaya ang tagal, Shan? Hindi ba't isang beses lang tayo nagkamali noon pero nagbunga agad? Bakit ngayon na sinasadya na nating gumawa ng bata, palpak bawat attempt natin? Gusto ko naman 'to, pero 'yong excitement ko kapag may nagbunga ulit, magiging hyper talaga. Sana lalaki naman para masaya na ang pamilya natin."

Sumandal lang ako lalo rito habang pinapanood namin ang araw na unti-unting lumilitaw sa mga mata namin. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan niya ang mga daliri ko roon.

"Chelsea, sure ka na ba na babalik ka na sa akin? I mean, sa amin ng kambal natin?"

"Opo, love ko." Inangat nito ang kamay ko na hawak niya at dinampian niya 'yon ng halik. "Pagdating sa'yo, never akong nawalan ng kasiguraduhan. If I said na gusto ko kayong kasama or gusto ko kayo makapiling, walang bahid ng kasinungalingan doon."

"Tama ka. At ako, magiging mabait na ako at iisipin ko na ang buhay na kasama ka, ng mga bata, at anak mo kay Nami. Hindi ko na siya iisipin dahil mababawasan lang ang ganda ko kapag nangyari 'yon."

"Ang galing! Ang talino mo talaga, Shan. Another question, sinabi mo na nananaginip ka about New York? Then bakit hindi tayo doon mag-honeymoon after ng kasal natin? Sapat na ba ang two months? Kasi napansin ko si Mommy Vivienne, mahal na mahal niya ang mga apo niya sa iyo. Gusto niyang makasama ang mga bata. At ang gusto ko, kapag may anak na tayo saka tayo magpasyal sa ibang bansa. Siya ang simbulo ng love natin, and we will be married as soon as okay ka na after mong manganak. Gusto mo ba 'yon or pumunta na agad tayong dalawa? Hindi na muna sina Veronica, they're still young at natatakot ako na dalhin sila sa ibang lugar. Kapag medyo malaki na sila."

Tinitigan ko lang ito habang nagsasalita siya. Parang wala itong kapaguran, dahil kanina pa siya daldal nang daldal. Inihilig niya ang baba niya sa balikat ko at nakipagtitigan ito sa akin. Nakangiti ko naman itong sinagot, "Hindi ba't parang maganda if ikinasal muna tayo bago tayo gumawa ng anak? Baka kaya wala pa rin nagbubunga dahil sign 'yon na dapat mo akong pakasalan."

"Shannara naman," nakanguso niyang sagot sa akin. Pumalibot sa akin ang braso nito at sumiksik siya sa leeg ko. "Gusto ko makita nina mommy na seryoso ako, and if ever na may tutol sa atin, maipapakita ko ang tiyan mo na may anak natin."

"So, all this time gusto mo na gawing pang-blackmail kay nanay ang bata para hindi na siya tumanggi sa'yo?" natatawang tanong ko sa kaniya. "Kaya pala, e! Kapag nangyari 'yon talagang wala na siyang magagawa. Besides, kahit 'di niya 'yon sabihin alam kong gusto niyang buo ang pamilya ng kambal. At ako, masaya ako sa'yo."

"Alam ko naman Shan, pero mas magiging masaya ako kapag nagustuhan ulit ako ng nanay mo. Shannara, mahirap makuha ang 'oo' ni Nay Rowena, lalong mahirap na makuha ang puso ng nanay mo dahil dama kong galit siya sa akin."

"Dahil sa akin kaya siya galit sa'yo," malungkot na tinuran ko, "and I promise na hindi na ulit siya magagalit sa'yo dahil kakausapin ko siya. I'll tell her everything, okay? Lahat ng nangyari sa atin, malalaman niya. I'm so sorry---"

"Huwag ka nang sorry nang sorry, just do kung anong sa tingin mo makatutulong sa pagtanggap niya sa akin. I'll help you if you need it. Let's go back sa usapan natin kanina, sa New York mo lang ba gustong magpunta? I can bring you to Korea, Japan, or kahit na anong bansa na gusto mo. Kahit sa iba't ibang bansa pa tayo mag-honeymoon ayos lang."

"Sure ka ba sa two months na honeymoon? Baka pagbalik natin, 'di na tayo kilala ng mga bata." Tumawa ito sa sinabi ko at mas sumiksik siya sa akin. Nakiliti ako nang idikit niya ang ilong niya sa leeg ko at lumayo ako nang kaunti. "Ang kulit nito! Chelsea, ano ba ang gusto mo na pangalan ng anak natin? Ikaw naman, ako ang nagbigay ng pangalan sa una nating mga anak."

How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon