Chapter 7: Hate

2.2K 41 12
                                    

(𝘚𝘩𝘢𝘯𝘯𝘢𝘳𝘢)

Tahimik ang klase ng last quarter dahil mayroon kaming assignment sa pisara. Nasa harapan ko lang si Chelsea habang busy ito sa pagta-type samantalang nagsusulat naman ako sa kuwaderno ko.

"Shannara, naiihi ako." Nilingon ko agad si Mercy at napansin ko na parang nagpipigil ito na ewan. "Kanina pa ako naiihi."

"You may go," pagbibigay naman ng permiso ni Chelsea sa kaniya. Tumayo rin ako na kasama nito at naglakad kami papunta sa pinto. "Bermudez, naiihi ka rin ba?"

"H-Ha? Hindi po, sasamahan ko lang si Mercy. Bakit po?"

"Balik. Bumalik ka sa loob," masungit na utos nito sa akin nang hindi man lang ako sinisilip. Tumalima agad ako at umupo ako sa harapan niya. "Tapos na ang period ninyo sa akin. Mamaya na lang kayo lumabas after ng 30 minutes dahil sarado pa ang gate. Gawin niyo na ang gusto ninyo, huwag lang kayo abala sa akin dahil may ginagawa ako."

Nagtataka naman ako kung bakit ang sungit niya ngayon na parang hindi dinatnan ng apat na buwan. Itinagilid ko ang ulo ko bago ako magpapansin, "Psst!"

"Kulang ka ng output, Bermudez. Magpasa ka na agad bukas nang malagyan ko ng grade. Isa lang ang bungi mo sa outputs. Isesend na lang ng presidente ninyo ang listahan ng may kulang. Magpasa ka na bukas, habang may one week naman ang mga kaklase mo para magpasa."

"O-One day lang po?! Bakit unfair?!"

"Walang 'unfair' sa sinabi ko, you just need to be responsible. Sige na, huwag mo na akong kausapin kasi nato-toxic ako."

Nagulat ako nang lumapit sa akin sina Yanna at Siddy at nang umupo sila sa magkabilang gilid ko. Parehas kasi silang kilala sa grade namin at parehas silang achiever lagi. Tanyag din sila dahil parehas silang magaganda.

"B-Bakit kayo nandito?" nagpa-panic na tanong ko sa kanila. "M-May mali ba akong nagawa kaya kayo nagkakaganiyan sa gilid ko?"

"No, silly. We just want to be friends with you. May mali ba?" Ngumiti sa akin si Yanna pagkatapos niyang magsalita. "Actually, we're thinking about approaching you since last year pa but you're mailap kasi, you know what I mean."

"A-Ah.... oo tama ka. Hindi rin naman tayo magkalapit ng upuan. Bakit ka pala nandito?"

"Umm, ganito kasi 'yon." Bahagya itong yumukod para bumulong sa akin, "Shannara.... can you help us in doing our project? I mean, both of us. Maybe you can do my project and Siddy's also. It won't take much time naman, the person I rented is busy kasi."

"Bakit lalapit kayo ngayon sa akin na may kailangan kayo?" diretsong tanong ko sa kanila. "Akala ko naman, kakaibiganin niyo ako. Hindi ako nag-e-entertain ng requests ng iba. I'm sorry. May sarili rin akong activities---"

"Tsk, let's go na Yanna. Wala naman palang maitutulong 'yang babae na 'yan sa atin. Akala namin mabait ka pero madamot ka pala." Tumayo na si Siddy at lumayo ito sa akin. "Don't go near us next time, wala ka naman palang pakinabang. You're fucking selfish."

Inirapan nila ako bago manumbalik sa puwesto nila. Tiningnan ko naman ang harapan ko at napansin ko na nakatingin na sa akin si Chelsea habang salubong ang kilay nito.

"May nangyari ba, Shan?"

"W-Wala. May itinanong lang po sila. Bakit, tapos ka na ba sa ginagawa mo kanina?"

"Oo, kanina pa. Dito ka." Lumapit agad ako at tiningnan ko ang laptop nito. Ipinakita nito sa akin ang isang sector do'n na may pula. "Ito ang kulang mo. Pass this tomorrow kasi kailangan ko nang mag-finalize ng grades. You know, announcement na ng mga may honor."

How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]Where stories live. Discover now