Chapter 4: Misinformation

2K 70 63
                                    

(𝘊𝘩𝘦𝘭𝘴𝘦𝘢)

Naglapag ako ng cake sa mesa kaya gumuhit ang pagtataka sa mukha ng daddy ko. Parang naninibago ito sa ikinikilos ko kaya ngumiti ako bago magsalita, "Happy anniversary sa inyo ni Lani, daddy! Sana magtagal pa kayong dalawa. Alam mo, dapat talaga mahalin mo pa siya nang mahalin. Spoil her with your money or dalhin mo siya sa ibang bansa."

"Bakit? May nangyari ba na hindi ko alam?"

"Nothing, she's really kind naman e. Napakabuti niyang ina, to the extent na mapapalayas siya rito in no time. She's a good example na dapat na tularan ng lahat."

"Chelsea, kilala kita anak. What is it?" Inayos nito ang salamin niya at hinawakan nito ang braso ko kaya napaupo ako sa gilid niya. "Tell me, may nangyari ba na importante? What about Lani? Why are you like this all of a sudden?"

"Lani's so nice to me daddy. I needed to give her a reward. Alam mo, ang tagal niya daddy. Siguro pagud na pagod 'yon."

"Paano ka naman nagkaroon ng clue, I thought wala kang interes sa kaniya. Your exact words three hours ago is she's disgusting. Iyon ang sinabi mo, hija. Hindi ako bingi."

"But you told me to accept her. Okay daddy, I'll love and accept my Mommy Lani. I hope mahalin niya rin ako." Tinitigan namin ang pintuan nang bumukas 'yon. Iniluwa no'n si Lani at nagulat ito nang lapitan ko siya. Bumeso ako rito at naamoy ko agad ang matapang na samyo ng lalaki sa kaniya, pati na rin ang chikinini nito sa batok na halatang-halata. "Welcome home, mommy! Ang laki ng chikinini natin ngayon, ha? Grabe ang kasama mo, vacuum siguro ang bibig para bigyan ka ng ganiyan."

Napatakip agad ito sa parte na itinuro ko at nahihiya siyang tumingin sa akin. "H-Hindi chikinini 'yan, kinamot ko lang kasi mainit ang panahon."

"Oh, mainit. Paano ka maiinitan kung nasa kotse ka at malakas ang aircon sa hotel? Ang ganda nga ng suot ni Tita Zenaida, e. Nakita ko. Bakit ikaw bihis na bihis ka kung huhubarin lang rin pala 'yan?"

"W-Wala akong maintindihan sa sinasabi mo. Tumabi ka nga, baka kung ano pa ang kumapit sa akin." Hinawi agad niya ako bago magpunta kay daddy. Dumiretso na sila sa hapag kaya pumuwesto rin ako roon. Halatang iwas na iwas ang tingin sa akin ni Lani kaya nilingon nito ang daddy ko at siya ang kinausap niya, "Honey, uminom ka na ba ng gamot mo? Kumusta ka na ba?"

"I'm okay. Chelsea, sabihin mo na kay Lani ang mga sinabi mo kanina. Tell her, hija."

Hindi na ako pinagsalita ni Lani. Hinawakan nito ang kamay ng daddy ko bago magsalita, "What is it? Ano na naman ba ang masamang sasabihin ng anak mo---"

"Natanggap ka na niya bilang asawa ko. Chelsea, tell her. Sabihin mo na ang sasabihin mo." Ako naman ang pinagmasdan nila at ngumisi ako kay Lani. Tumango na lang ako sa kanila. "Maybe my daughter's too shy to talk to you pa honey. Chel, masaya ako at matapos ang walong taon tanggap mo na si Lani. I hope wala nang magaganap pa na sagutan sa pagitan ninyo ng mother mo. Respect her, okay? She'll respect you too, hija."

Nang matapos ang pagkain namin, umakyat na ang daddy at naiwan kami ni Lani sa mesa. Parang natatakot ito na nakatingin sa akin habang busy ako sa pagpunas ng tissue sa labi ko.

"Anong pakulo mong babae ka, ha? You make plano-plano bad to me, 'no?"

"Kahit maubos pa ang english mo, wala akong pakialam. Good to hear that you're afraid of me. Bahag ang buntot mong babae ka. I saw you, you're kissing another man. Libog ka, Lani? I told you that you can mess with me, but not with my father. Tinarantado mo na ang mommy ko so I won't allow you to do the same to my father."

"Ano ba talaga ang gusto mo? Chelsea, kasal kami ng tatay mo! Wala kang pruweba---"

"Sabi nino?" Itinaas ko ang phone ko at nag-play ang video na nakikipaghalikan siya sa hallway ng hotel. "Not tampered, just a video of you kissing a man torridly—and he is obviously not my father. What can you say about this, Mommy Lani?"

How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]Where stories live. Discover now