Chapter 18: New Housemate

1.3K 30 7
                                    

(𝘊𝘩𝘦𝘭𝘴𝘦𝘢)

Excited na excited ako pagbaba namin ng kotse. Huminto kami sa loob ng isang bahay sa isang village, at may nakita akong van doon. Alam kong lumang van 'yon nina Shannara, at parang tibok nang tibok nang mabilis ang puso ko habang naglalakad kami.

"Wait." Hinawakan ko ang kamay nito kaya nahinto siya sa paglalakad. Hinila ko ito papunta sa akin at niyakap ko agad siya nang mahigpit. "Thank you so much sa ginawa mo na hindi pagpapalaglag sa kambal natin. I owe you a lot."

"You're welcome. Ginagawa ko 'yon para sa sarili ko, at hindi para sa'yo dahil matagal na tayong natapos."

"I understand you," nakangiting iwinika ko kay Shannara. Humiwalay na ito sa pagkakayakap sa akin at nakipagtitigan na lang siya. "Pero hindi porke't natapos na hindi na puwedeng ulitin ulit."

"Para saan, para saktan mo ako ulit? Para kapag sobrang saya na natin, you'll surprise me sa unexpected na ugali mo?"

"No. Kung pakikinggan at ia-analyze mo lahat ng sinabi ko, you'll realize that I said it out of anger. Walang sense lahat ng sinabi ko, Shannara. I admit my mistake."

Umiwas na ito sa akin at binuksan na niya ang pinto. Nakarinig ako ng kaluskos sa kusina, at ng halakhakan ng mga bata.

"I'm home!" sigaw ni Shannara. "Mga anak, come here. I'll be introducing someone sa inyo."

Nanlamig ang mga kamay ko habang may mga paa na papalapit sa amin. Nanlaki ang mga mata ko sa unang bata na lumabas, at parang natakot ito sa akin kaya nagtago siya kay Shannara.

"Ikaw?!" 'di makapaniwalang tanong ko. Mas nagtago pa ito kay Shannara, kaya agad ko siyang nilapitan. "Anak---"

"Mama!" Tumayo agad ako at naglakad papunta sa sofa. Nakita ko si Victoria, na nakangiti nang malawak sa akin habang pinupunasan niya ng tissue ang labi niya. Nang itapon niya 'yon, itinaas niya ang magkabilang mga kamay niya sa direksyon ko at iwinagayway niya 'yon. "Hello po, mama! You visited us?"

"No, no," naiiyak na sagot ko sa kaniya. Hindi ko na mapigilan ang maiyak sa sobrang kaligayahan habang nakatingin ako rito. Niyakap ko agad siya nang mahigpit, at tumapik-tapik sa likuran ko ang mga kamay niya. "Anak ko..."

"Mommy, she's my mama! She's the person na sinasabi ko po, 'yong always na nahahanap ako kapag tumatakas ako kay Ate Mira. Siya 'yong nawawalan ng anak kaya ang ginagawa ko, I'm pretending to be her daughter so at least happy siya."

"Maraming kuwento tungkol sa'yo ang bata," panimula ni Shannara. Humiwalay na ako kay Vicky at tinitigan ko lang ito. "Ang bait mo raw, lagi mo siyang tinutulungan at hindi mo siya pinipilit na sumama sa'yo. Pinalayas ko na 'yong si Mira, may bago na akong bantay sa mga anak ko."

Nilapitan ko ang isa pang bata na tago nang tago kay Shannara at hinawakan ko ito. Para siyang nakikipagpatintero sa akin, kaya 'di ko na siya hinawakan.

"Ang panganay, si Veronica. Anak, huwag mo naman akong ipahiya. Batiin mo ang bisita natin." Inilapit ni Shannara sa akin si Veronica. Niyakap ko rin ito, pero parang umiwas siya sa akin at nanumbalik agad siya sa likuran ni Shannara. "I'm sorry, naninibago at kinikilala ka pa lang niya."

"Mommy, bakit nandito si mama?" nakangiting tanong ni Victoria sa kaniya.

"Siya ang daddy niyo," mahinahon naman na sagot ni Shannara. "No questions, she's your daddy."

"Daddy?" naguguluhang tanong nito. "How can she be our 'daddy', mommy? You know---"

Ipinaliwanag nang maayos ni Shannara ang tungkol sa akin sa mga anak namin. Tango lang nang tango sa kaniya ang bunso namin, at excited na excited itong lumapit sa akin nang matapos si Shannara.

How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]Where stories live. Discover now