Chapter 11: When The Cat's Away, The Mice Will Play

1.8K 32 20
                                    

(𝘚𝘩𝘢𝘯𝘯𝘢𝘳𝘢)

"Diretsahin niyo nga ako, nagse-sex na ba kayong dalawa?" diretsong tanong sa amin ni Tita Vivienne. Tiningnan nito si Chelsea mula ulo hanggang paa at ako naman ang isinunod niya. "Chelsea, answer me. Ine-engage mo na ba sa sex si Shannara?"

"Well.... no," seryosong sagot ni Chelsea. "Mommy, naghanap lang ako ng sasabihin kay Tita Rowena. Besides, she told me na okay lang sa kaniya if makipagrelasyon si Shannara sa babae. And now na na-reveal na ang lahat, she's hysterical. Ang gulo niya."

"It's because nalaman niya ang tungkol sa'yo. Basically, babae ka, na medyo hindi. You understand me? Alam ko kung ano ang pinagmumulan ng gulat niya. Especially na umaalis pala kayo ni Shannara na kayo lang, and nadinig ko mula sa ipinadala ko para sumilip sa bahay na may dinadala ka roon! Last question, nagse-sex ba kayo?"

"Hindi nga, mommy---"

"Opo," nahihiyang pag-amin ko sa kaniya. "May nangyari na po sa amin at si Chelsea ang nakakuha ng virginity ko---"

"Kita mo na?!" galit na galit na tanong nito. "Chelsea, you're unbelievable! Bata pa lang si Shannara at nagawa mo na siyang galawin?! Kung ako si Rowena at nalaman ko 'yon, baka sampalin pa kita! Chelsea, hindi ba't sinabi ko na huwag mong gagawin 'yon?!"

"Mommy, you can't blame me. Temptation 'yon at may consent ako ni Shannara. Besides, nag-iingat kami. Alam ko kung paano siya iha-handle." Inilabas ni Chelsea ang wallet niya at binuksan niya 'yon sa harapan namin. Tumambad sa amin at pagkarami-raming condoms na nakatabi roon. "You see?! I'm ready. Alam ko ang calendar method, I know when she is fertile, and hindi ko siya pinipilit! I never forced her to have sex with me."

Tahimik lang ako habang nagdi-diskusyon sila. Medyo nahihiya rin ako kay Chelsea dahil alam kong nagtatalo na sila nang dahil sa pag-amin ko.

"That's not the point! Ang point dito is she's still young, and you're proud pa sa harapan ko! Sex should be done after marriage!"

"Virginity is not a gift after marriage. Ibinibigay 'yon kapag kaya na ng babae. Sa case namin, si Shannara ang nagbigay. She told me na okay lang, kaya pinagbigyan ko siya. I love her, she loves me, and we're ready to build a family if ever na magkamali kami."

"Chelsea, you said 'if ever' talaga? You mean, pagsasawaan mo siya then wait sa consequences of actions ninyo? I need you to promise me one thing. Hindi na kayo magtatalik ni Shannara. You can't do anything. Fellatio, blowjob, hand job, masturbation, et cetera. Lahat, basta't may kinalaman sa sex."

Nagkatitigan kami ni Chelsea at nanumbalik agad ang pagtingin namin kay Tita Vivienne. Tumango ako sa kaniya bago magsalita, "Opo tita. Hindi na po kami magse-sex or ano pa man. I promise."

"I believe you, Shannara. I trust your words. Alam kong mabuti kang babae. Ikaw Chelsea, promise me na hindi mo na gagalawin si Shannara at mamahalin mo siya nang walang lust."

"Lust?!" Napataas ang boses nito, "Nagme-make love kami! Meaning, we're doing everything with love. That's different. Hindi ko siya minahal for sex because---"

"Tama na ang dada. Promise me na hindi mo na gagalawin si Shannara."

"Okay," walang emosyon na sagot ni Chelsea sa kaniya. "I'll try my best."

"Ang sabi ko, mangako ka. Don't try your best, do it! Or baka gusto mo lang na hindi ko na kayo pagkitain ni Shannara at ikulong na lagi kita sa bahay?"

"Okay! fine, I'll not engage her in sexual activities again. You heard me, mommy?"

"Sige na, I'll go upstairs. I'll check my future balae. Chelsea, tell Shannara na hindi mo na siya gagalawin. Mas maiintindihan ka niya kaysa sa akin."

How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon