Chapter 1

69.7K 1.4K 140
                                    

Chapter 1

“Class dismissed.”

Agad akong tumayo at sinukbit ang bag sa 'king balikat. I yawned as I take steps towards the classroom door. May nakakasabay ako sa paglabas dahil katulad ko, atat din sila sa awasan.

Napangiwi ako nang maramdaman ko ang pananakit ng likod ko. Dalawang oras din akong nakaupo dahil takot akong mag-excuse sa terror naming subject teacher. Parang halos ikamatay na namin kapag titignan niya kami, e.

Sinalubong ako ni Kiara pagkalabas ng classroom. Nakangisi ito at mababatid mo talagang may kapilyahan na namang iniisip. The glints of wickedness in her eyes is like telling me she's planning something.

“Mamaya ka na umuwi,” bungad nito at pinalibot ang kanyang braso sa braso ko.

Napailing ako dito. “Pagod ako, Ara. Bukas na lang.”

“But tomorrow's saturday!” Sumimangot ito. “Dali na kasi. Para naman makapagmove-on ka minsan.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Bumigat ang paghinga ko dahil sa biglang pagsagi ng mga alaala ng pagkawala ni papa. Ramdam ko ang pagkirot ng aking dibdib at pangilid ng luha sa 'king mga mata.

“Hey.” Inuga ako ni Kiara dahilan para mabalik ako sa reyalidad. “Are you okay?”

Ngumiti ako dito at sasagot na sana nang may biglang bumundol sa balikat ko. Nilingon ko ito at bumungad sa 'kin si Vielle Martinez na nagmamadaling naglakad palayo. Ni-hindi man lang humingi ng paumanhin.

“Ang ganda talaga ni Vielle,” saad ni Kiara. “Kaso ang sungit.”

Napailing ako dito at nagsimula nang maglakad. It's friday kaya halos lahat ng estudyante ay kating-kating umuwi. Ang iba ay didiretso sa kani-kanilang gimik habang ang iba ay gusto na magpahinga. Ewan ko lang kay Kiara kung bakit ako ang pinupuntirya nitong isama.

“Bakit ba kasi nag-tourism ka? Ayan tuloy, nangangapa ka magpalago sa negosyo niyo,” ani ni Kiara habang naglalakad kami sa hallway.

Humugot ako nang malalim na hininga. “Ayos lang, Ara. May tutulong naman siguro sa 'kin magpatakbo ng negosyo.”

“Kaya nga mag-bar tayo ngayon. Para maiwas-iwasan ang stress mo sa works mo. Dagdag stress pa ang nanay mo.” Umismid ito na ikinailing ko.

“Marami pa akong gagawin, Ara. Kailangan ko pang mag-aral.” I took a deep breath. “Ayokong mawala ang pinaghirapan ni Daddy kapag hindi ko pinatunayan sa mga board members na deserving ako maging CEO ng kompanya.”

Hindi na nagsalita si Ara at nagpatuloy lang sa paglalakad. She's still clinging on my arms while walking. Ganito palagi ang eksena naming dalawa sa tuwing nag-aaya siyang gumimik.

“Ara,” I called her name. Tinanggal ko ang braso niyang nakakawit sa 'kin at sinamaan siya ng tingin. “Uuwi muna ako bago pumunta sa gimik—”

“No need,” she cut me. “I have extra clothes especially for you. Huwag ka munang umuwi. Baka ma-stress ka pa.”

Hindi na ako nito pinagsalita. Basta na lang niya akong hinila patungo sa nakatambay niyang kotse sa gilid ng parking lot at nagtungo ito sa driver's seat. Wala akong nagawa kundi ang bumuntong-hininga at maglakad papuntang shot-gun seat. I opened the door and was about to go inside of the car when somebody called my name.

“Keith!”

Natigilan ako at nilingon ito. Kita ko ang pagtakbo ni Marco palapit sa pwesto ko. Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga kababaihang kung makatitig kay Marco ay parang huhubaran na nila ito.

“Hey,” I gretted the moment he arrived in front of me.

Yumuko ito at humawak sa kanyang tuhod. I heard him took a deep breath before he stood straight and smiled at me. “Hey, uuwi ka na?”

Forbidden DesireWhere stories live. Discover now