Chapter 4

53.7K 1.3K 195
                                    

[Warning: This chapter contained some explicit scenes and are not suitable for readers aged under 17 and below.]

Chapter 4

Pinunasan ko ang luhang namalisbis sa akin pisngi. It's already two in the morning. Dilat na dilat ang mga mata ko at parang nawalan ako bigla ng ganang matulog. Pabaling-baling na ako sa kama ngunit hindi pa rin ako makatulog.

I can't help myself to recall the incident a moment ago. Hanggang ngayon ay nanghihina pa rin ang mga tuhod ko kapag naaalala ko ang nangyari kanina.

Natigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto. It was only three knocks before a paper slipped under the door. Nawala rin ang katok at nakarinig ako ng mga yapak palayo.

Out of curiousity, nilapitan ko ang papel at pinulot ito. Kinapa ko ang switch sa gilid at ini-on ang ilaw. I stared at the letter he slipped under my door with a heading of ‘Sorry’.

Hindi ko na maisupil ang ngiti sa labi ko habang binabasa ang sulat kamay niyang liham. Parang nawalang bigla ang overthinking ko kanina dahil sa sulat niya.

‘I didn't mean what I did earlier, I'm sorry. I was just carried away with my madness and jealousy. Please don't hate me, Kitty. I'll make it up to you.’

Nangunot ang noo ko sa salitang ‘jealous’. Bakit naman siya magseselos? Nababaliw na ba siya?

I abruply opened the door with a thought that I might catch a glimpse of him. But I found none. Instead, I saw a glass of milk in front of my door. It has a green sticky notes which drives my curiousity, again.

Pinulot ko ang baso ng gatas at tinanggal ang sticky notes na nakadikit dito. Binasa ko ito at muli na naman akong napangiti.

‘Good night, Kitty. Sleepwell :)’

Tumikhim ako para sitahin ang aking sarili sa pagngiti. Tinitigan ko ang baso ng gatas na iniwan niya. I wonder why he left milk in front of my door? Does he know I drink milk before going to bed?

I shrugged off my random thoughts and went inside my room, bringing the glass of milk with me. Pinatay ko ang switch ng ilaw at ang lampshade sa gilid ng kama ko na lang ang nagbibigay liwanag sa 'king silid.

Umupo ako sa kama at tinunga ang gatas sa baso. I wiped my lips using the back of my hand after drinking and placed the glass on my night stand, just beside the lampshade. Dinikit ko rin ang sticky notes sa ibabaw ng lamp at wala sa sariling napangiti.

Nababaliw na 'ata ako.

Kinurot ko ang aking sariling pisngi. Darn, I shouldn't give meaning to that act. Baka nakonsensiya lang siya kaya niya akong pinagtimpla ng gatas.

Yeah, baka ganun nga.

Nawala ang ngiti ko at napalitan ito ng simangot. Humiga ako sa kama at nagkumot. I stare at my ceiling and I'm having a deep thought again.

Humikab ako at pumihit patagilid ng higa. I closed my eyes and my mind start flashing the vivid memory a while ago. And it's kinda weird because I found myself became comfortable and the darkness immediately eat me whole.

--

“Hindi ka na naman uminom ng gamot mo, Keith?” bungad ni mommy.

Hindi ko na lang ito pinakinggan at nagpatuloy sa pagkain. Magana akong kumakain ngayon dahil si Manang Bebeth ang nagluto ng agahan, dagdag na rin kung bakit magana ako ngayon ay maagang umalis si Lace.

“Keith, nakikinig ka ba?!” she yelled.

Napatigil ako sa pagkain at napairap. “Umiinom ako, okay? Mommy, umaga pa lang pero ang ingay mo na.”

Forbidden DesireWhere stories live. Discover now