Chapter 3

54.2K 1.3K 350
                                    

[ This chapter contains some explicit scenes that are not suitable for age under 17 and below. ]

Chapter 3

"That was tiring!" I yelled at the top of my lungs.

I dropped myself on my office's couch as I heard my Uncle's chuckle. "You should get used to this, Keith. Mas malala pa ang pagod na mararamdaman mo kapag may mga business trips ka na out of the country."

Napasimangot ako. Buong araw akong nakaupo rito sa loob ng sarili kong opisina at tanging mga paper works lang ang inaasasikaso. Ito pa lang nakakapagod na, paano pa kaya kapag ako na lang mag-isa ang magpapatakbo ng kompanya?

"If the day would come that you'll appoint me as the CEO, you won't leave me behind, right?" I asked in a low voice.

Ngumiti ito. "The moment I'll appoint you as the CEO, wala na ako sa kompanya. May isang pinagkatiwalaan ang ama mo na tutulong sa 'yo sa oras na maging CEO ka na ng kompanya."

My forehead creased in confusion. "Who?"

Nginisihan lang ako ni Uncle at inangat ang hawak niyang goblet. "Cheers?"

Pabiro akong umirap dito at pinulot ang baso ko. I raised my glass and collided it with his gently, enough to make a sound. "Cheers."

He closed a deal worth billions that's why we are celebrating here inside my office. Komportable ako kay Uncle dahil parang siya na ang pumapangalawang Daddy ko. He has almost the same features with my dad and that makes me miss my father. Marahil sa magkapatid sila kaya ganito sila kamagkamukha.

"You're staring at me again." Napailing si Uncle. "Are you thinking about your father?"

Wala sa sarili kong tinunga ang alak na hawak ko at mapait na ngumiti. "Yes, Uncle."

I heard him took a deep breath. Malapit sa isa't isa si Daddy at Uncle kaya niya pinagkatiwala rito ang kompanya. Mayroon ding sariling kompanya si Uncle kaya hindi ko alam kung paano niya hinahati ang kanyang oras para pamahalaan ang kompanya ni Daddy.

"How about your Mom?" he asked. "Was she good to you?"

Sumandal ako sa sofa at pinalobo ang aking pisngi. "She got married with a young man yesterday."

"With what?" Ramdam kong natigilan ito. "Kaka-annulled lang nila ng Daddy mo last week, 'di ba?"

Tumango ako dito at mapait na ngumiti. "Parang wala lang kay Mommy ang pagkamatay ni Daddy. I didn't even see her on Dad's funeral. Hindi ko alam na kating-kati na pala siyang mapawalang bisa ang kasal nila ni Daddy dahil may ipapamalit na siya."

"And did you happen to know your new step-father?" Ngumiwi pa ito nang sambitin ang dalawang huling salita.

I nodded and took a sip of my champange. "He's Leslie Scott."

Tuluyan nang natigilan si Uncle na ipinagtaka ko. I looked at him and witnessed how stiffened his body was. "Scott? Leslie Scott? That multi-billionaire who owned a lot of firms and companies all over the globe?"

Nag-isang linya ang kilay ko sa narinig. "Billionaire? Multi-billionaire? You must be kidding me, Uncle. That man didn't even look like a businessman at all."

"Looks can be deceiving, Berlin," he said.

Napasimangot ako sa tinawag nito sa 'kin. "Uncle! Stop calling me Berlin! I'm not a goddamn capital city of Germany!"

Natawa ito sa inasta ko at muli ay nagseryoso. "Bakit niya pinakasalan ang mama mo? Sa pagkakaalam ko..."

"Ano?" I asked when I noticed he wasn't planning to add something on his sentence.

Forbidden DesireWhere stories live. Discover now