Chapter 22

36.8K 1.2K 210
                                    

Chapter 22

"Hmm..." Umikot akong muli sa harap ng salamin para kilatisin ang sarili.

I'm wearing a peach-colored two-piece. It's a push-up bra kaya parang ini-emphasized ang cleavage ko. Nilugay ko rin ang aking buhok para kahit papano ay makatulong ito sa pagtakip ng dibdib ko.

I and the other girls are planning to visit Naked Island today. Mamayang hapon pa ang activities namin kaya sa umaga ay malaya kaming gawin ang lahat ng gusto namin.

Sinuot ko ang isang kulay peach na flat sandals at isang blazer na hanggang tuhod ang haba, enough to cover my revealing outfit. Natutuwa rin kasi ako dahil kitang-kita ang piercing ko sa pusod.

"Miss Keith, tara na po. Naghihintay na ang bangka." Kinatok ni Gemma ang pinto ng hotel suite ko.

Bitbit ang phone, nilagay ko sa front cover ng phone ang isang libong cash at ang keycard. Tinatamad ako magbitbit ng bag o purse. Dagdag pa na walang bulsa ang blazer ko kaya sa phone ko siniksik lahat.

"Huwag mo tabunan ang sexy body mo, Miss Keith. Baka chance na natin 'to para makahanap ng bebeboys," bungad na saad ni Gemma pagkalabas ko ng silid.

Napailing ako dito at ni-lock muna ang pinto bago kami nagsimulang maglakad patungo sa elevator. Napatingin naman ako kay Gemma nang mapansin kong may dala itong camera.

"Ba't bitbit mo 'yan?" I asked.

She smiled sweetly. "I want to document everything po. Ang ganda kasi ng lugar na 'to, at saka feeling ko mas presko rito kaysa sa Maldives."

I chuckled. "Both Maldives and Siargao are paradise, Gemma."

"Nga po pala, Miss Keith..." She pressed the elevator's button to open the door and we both walked inside. "Bakit kaya ganon si Chairman kagabi? Parang halos ipangalandakan na niya na may affair kayong dalawa, e."

Natahimik ako sa sinabi niya. Sa limang taon na pananatili ni Gemma bilang sekretarya ko, maalam na rin siya sa nga pangyayari sa buhay ko. She's a secret keeper din naman kaya alam kong safe ang sekreto ko.

"Hindi ko rin alam." I saw her pressed the first floor button. "Baka naalog lang utak niya."

"Sayang pinakawalan mo si Chairman. Yummy pa naman isang 'yun," she said and giggled. "Alam mo po ba kanina naglakad-lakad sa dalampasigan si Chairman, nakahubad-baro! Hindi mo naman sinabing may walong abs 'yun. Ikaw, Miss Keith, ha."

The door opened and we quickly stepped outside. Maraming tumingin sa amin, especially kay Gemma na nakasuot lang ng makiling shorts, bralette, at summer hat. Other than that, there's nothing more that covers her body.

Maganda naman ang hubog ng katawan ni Gemma kaya dapat lang na ipangangalandakan ito. She's pretty, too.

"Ayun po sila." Tinuro niya ang bangka kung saan naghihintay sila Avi at Titania. Yeah, I remembered their names.

Ngumiti ako naglakad patungo dito. Inalalayan kami ng mga bangkero paakyat ng bangka. Medyo nagtaka pa ako nang mapansin kong lima na lang kami ang nandito.

"Nasaan ang iba?" I asked.

"They went there first. Mga sabik magtampisaw sa tubig," sagot ni Avi at ngumiti. "Bakit may suot kang blazer, Vice Chairwoman?"

Napangiwi ako. "Just call me Keith. Cut the formalities since we're here to bond with each other."

Tumunghay si Titania at nginitian ako. "Bagay kayo ng Chairman. Bakit ba kasi 'yung mommy mo ang pinakasalan niya?"

Hindi ako sumagot. Instead, I faced Gemma and asked her to borrow her camera. Maagap naman nitong tinanggal ang pagkakasabit ng camera sa leeg niya at inabot sa 'kin. I murmured thank you at pinahawakan muna sa kanya ang aking phone. Humikab pa ako bago ini-on ang cam at hinarap ito sa napaka-asul na dagat.

Forbidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon