Chapter 13

43.5K 1.2K 208
                                    

Chapter 13

Kinuha ko ang isang summer hat na nakasabit sa gilid at muling pinasadahan ng tingin ang aking sarili. I'm wearing a black tube na pinatungan ko checkered at tinali ang harap nito. I'm also wearing a short shorts. Suot-suot ko rin ang paborito kong frye boots na bigay sa akin ni Daddy.

Hindi ko alam kung paano umabot ang mga gamit ko rito sa mansiyon. Siguro ay pinadala ni Leslie sa kanyang mga tauhan at wala na akong pakialam pa.

I tied my hair into a ponytail and tainted my lips with a light red lipstick. Nang makuntento sa aking hitsura ay lumabas na ako ng silid ko rito sa mansiyon at bumaba sa sala. Naabutan ko naman si mang Donny na palabas ng mansiyon. Siya ay isa raw sa mga tauhan ni Leslie sa farm.

"Mang Donny!" I called him and hurriedly went downstairs. "Pupunta ka pong farm?"

"Oh, Keith." Nilingon ako nito at tumango. "Oo, pupunta ako doon. Sasama ka ba?"

I nodded and smiled. "Sasama po ako."

Ngumiti lang ito sa akin at inaya na akong umalis. Nagmadali naman ako sa paglakad para mahabol ko siya habang hawak ng mabuti ang summer hat ko. Sinuot ko rin ang sunglasses na dala ko at luminga-linga sa paligid.

"Mukha kang amerikana sa ayos mo ngayon, hija," naiiling na sabi ni mang Donny na sinagot ko lang ng ngiti.

"Sabi po kasi, may kabayo daw si Lace kaya gusto kong dumayo. I missed horseback riding," I replied.

"Ganoon ba?" he asked. "Mabuti naman. Idadayo rin daw ni Lace si Saywer sa bukid."

Tipid ko itong nginitian at tumango. We just continue walking until we reached the entrance of Lace's farm. At kahit na may suot akong shades, hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga tinging ginagawad ng mga taong nandito. Lalo na ang mga kasing-edad ko.

"Mang Donny, sino po 'yang kasama niyo?" tanong ng babaeng may hawak na phone at nakatitig sa'min

"Ahh, ito si Keith," pagpapakilala ni mang Donny sa 'kin.

Ngumiti ako dito at tinanggal ang suot kong shades. "Hello."

Pansin ko ang pagsiko ng babae sa isang babaeng busy sa pag-aahit ng kanyang kilay. Nag-angat naman ito ng tingin sa nagsiko sa kanya bago bumaling sa 'kin.

She raised her eyebrows. "Kaano-ano ka ni Leslie?"

Napangiwi ako? Tanggalan ko kaya ng kilay 'to?

"She's my w-"

"I'm his step-daughter," I cut Lace's words. Binalingan ko ito at nginitian ng sobrang tamis. Nanggigigil ako sa 'yo, Leslie. "Right, dad?"

Bakit ba parang kabute 'to?

I saw how his jaw set. Pinasadahan nito ng tingin ang kasuotan ko. "Yes, kitty."

He walked towards my direction and my mouth gaped when he suddenly grabbed my waist and his lips landed on mine. Locking it like no one was watching.

Napapikit ako napahawak sa balikat niya. He sucked my lower lip before pulling away. "She's lying."

"A-ano?" I muttered.

Nilingon niya ang mga taong nanonood sa 'min, including the girl who asked me what am I to Leslie. "She's my wife. We're just having a quarrel, so yeah. Excuse us."

Hindi na ako nakaangal pa nang kaladkarin ako nito palayo sa mga taong nanonood sa 'min. I tried struggling from his tight grip to no avail. He just made his grip tight.

"Bitiwan mo ako, Leslie. Ano ba?!" I yelled.

Nang makapasok kami sa isang munting bahay ay saka niya lang ako binitiwan. He faced me with visible anger on his face.

Forbidden DesireWhere stories live. Discover now